Chapter 11 Bitin?!

553 32 1
                                    

Cynthia’s POV

Ilang araw na ang lumipas simula nung nagpunta kaming Tagaytay ni Silver (oo yun na tawag ko sa kanya pag dalawa lang kami) at halikan ko siya. Tsk sa tuwing naaalala ko yun di ko mapigilan mag init ang mukha. After ko kasi siya halikan ay di ko pinahalata na nahiya ako sa ginawa ko kaya ayun humiga lang ako sa lap niya at tumungala ulit sa langit para mag stargazing. Wala din naman na siyang imik nung time na yun dahil mukhang nagulat talaga eh pero anong magagawa ko? Nagawa ko na. Might as well manahimik nalang para pagtakpan ang kaharutang ginawa ko sa labi niya.

Pumayag na din ako sa plano ni mami Fei pero hanggang on screen lang. Hindi ko sinagot si Calvin dahil wala talaga akong nararamdaman sa kanya. Simula nung halikan ko si Silver ay feeling ko nalinawan na ako na wala talaga pag asa sa akin si Calvin. After din ng gabi na yun ay naging busy ako sa taping at kaliwa’t kanan na shoot for commercials, magazines and billboards dahil na din sa biglang pag amin namin kuno ni Calvin na kami na talaga ay madami ako naging offer na projects.

Si Silver? Hindi naman na namin napag usapan yung about sa kiss dahil naging busy din siya sa school at bihira nalang kami magkatime na kaming dalawa lang. Nakakainis nga eh kasi lagi niya na kasama yung Harriet na yun. Hatid sundo niya pa minsan!

At ngayong umaga nga ito nasa harap ko si Silver at nakaayos na. Hindi siya nakauniform ngayon dahil Friday at wash day nila. O diba alam ko! Well, hiningi ko lang naman sa kanya ang sched niya para alam ko kung san siya napapadpad.

Ewan ko ba! Naiinis kasi talaga ako pag naiisip na mas nakakasama niya pa ng mas matagal yung iba kesa sa akin.

“Ano nangyari diyan? Bat ka may sugat at putok pa yang labi mo!” tanong ko at di ko maiwasang mainis dahil yung labi nya na kelan ko lang nahalikan ay ngayon putok na!

“Ah It’s nothing. Hindi naman ito nakakamatay” balewala niyang sagot saka ako nilampasan at kumuha ng baso para uminom.

Inaamin ko nung hinalikan ko siya nagustuhan ko kahit hindi man lang siya tumugon sa sobrang gulat. Ibang iba pala yung feeling kumpara sa mga nakahalikan ko ng lalaki on screen or don sa mga ex ko. Hanggang ngayon tanda ko pa din kung gaano kalambot at katamis ang labi niya.

“Gamutin natin yan, maupo ka diyan” maawtoridad na utos ko.

Kainis naman kase! Malaman ko lang sino may gawa nyan sakanya nako di na yun sisikatan ng araw.
Kumuha agad ako ng first aid kit saka bumalik sa kanya.

“Uh ouch dahan dahan lang It hurts!” napapikit na daing nya dahil napadiin ang cotton na hawak ko sa labi niya.

Di ko tuloy maiwasan na titigan siya at ito nanaman ako nakakaramdam ng kung ano na parang may nagtutulak sa akin na sunggaban siya pero pinipigilan ko lang.

“Sorry. Nanggigil ako eh! Sino ba kasi may gawa neto?” tanong ko pa saka lumipat sa kanang pisngi niya na may bangas din.

Nilagyan ko yun ng band aid at shit bat parang naging maangas pa siya sa paningin ko???

Ganto na ba ako kaattracted sa kanya? Kainis naman.

Magkakagusto na nga lang ako sa kapwa ko pa!

“Wag mo na itanong. Di mo din naman kilala” sagot pa nya.

Aba leche to ah! Nabihasa lang sa pagtatagalog ginaganto na ako?

Sa inis ko ay tinabi ko yung first aid kit saka siya tinulak kaya napahiga siya sa sofa.

“Ayaw mo sabihin? Hindi mo sasabihin?” madiin pero nang aakit na tanong ko habang nakapatong na ako sa kanya.

“U-umalis k-ka n-nga d-dyan!” halata sa mga mata niya ang kaba at pagkailang dahil pilit nyang binabaling kung saan ang paningin.

The Vlogger's EditorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon