Nasa location na kami ng taping nila Cynthia and It's the same location as yesterday. Hmm san kaya ang bahay dito ni Harriet? Is she here? Hindi kasi kami natuloy kahapon sa bahay niya kaya hindi ko alam san siya dito nakatira.
Nagpalinga linga ako habang nakaupo sa tent nila Cynthia. Cynthia's in front of the vanity mirror with the make up artist. Si Hisham naman ay busy sa phone niya while taking some videos of the surrounding for his IG stories.
Oh I miss updating my social media accounts.
Since I went here I haven't opened anything in my social media. I deactivated everything to avoid being caught.
I heaved a sigh and lean on my chair and decided to text Harriet.
To my surprise may text na pala siya kanina pa.
HARRIET ROSALES: I heard dito pa din daw sa amin ang taping nila Cynthia. Would you come?
Iyan ang laman ng text niya kaya agad ko naman nireplayan.
ME: Yes, I'm here. Are you home? I'm bored.
Wala naman kasi akong magawa dito at hindi pa nagstart ang taping. Ang tagal naman kasi nung katambal ni Cynthia. Malelate daw.
HARRIET ROSALES: Punta ka sa amin after ko mag grocery. Nandito ako sa grocery with my nephew. Magluluto ako ng lunch samahan mo ako.
Her reply kaya napaisip ako. Pwede din? Para mapag usapan na din namin ang nalalapit naming pag eenroll sa school.
ME: I don't know where exactly your house is located. I might get lost :(
HARRIET ROSALES: Don't worry dadaanan kita diyan. Labas ka nalang sa kumpol ng mga tao para makita kita agad. I'll text you kapag andyan na ako, alright?
ME: Okay, thanks!
Nakangiti ko naman binaba ang phone ko saka tumunganga ulit.
"Ma'am Cynthia may nagpapabigay po" nakita kong lumapit ang isang staff kay Cynthia at may dalang bouquet of roses. Ngumiti naman dito si Cynthia at nagpasalamat na tila hindi na nagulat sa bulaklak.
Napunta ang atensyon naming lahat sa kaniya. Her co-stars were gossiping and guessing kung sino ang nagpabigay. Yung iba ay kinikilig at tinutukso si Cynthia at tinanong tungkol dito but she said she doesn't know. Initials lang daw ang nakalagay sa card.
"Sis, your suitor should face me first before giving you stupid flowers" komento naman ni Hisham na agad nakapagpatigil sa chismisan.
Eyes were all over Hisham now. Bakas sa mga babae ang pagkamangha sa kaniya. Kanina ko pa naman napapansin na yung iba ay panay ang tingin sa kaniya at pansin ko din ang matatalim nilang mata para sa akin dahil ako ang katabi ni Hisham at ako lang ang kinakausap niya. Wala kasi ata siya sa mood lumandi ngayon.
Well, Hisham is a good looking guy and I can't blame girls to be attracted at naaawa nalang ako sa kanila dahil alam kong hindi sila magugustuhan ni Hisham. I know his type. So sorry girls.
"Kuya, I don't know who it is. Madami akong manliligaw" natatawang sabi ni Cynthia sa nakakatandang kapatid.
"Ikaw naman pogi! Ang ganda kaya nung flowers" pabirong tinapik nung baklang make up artist ni Cynthia ang braso ni Hisham.
"Cynthia loves sunflowers, not roses" Hisham declared kaya napaawang naman ang bibig ng mga nakarinig at sakto naman na dumating ang katambal ni Cynthia kaya sa kaniya naman napunta ang atensyon.
"Sunflowers huh" maangas na sabi nito at tinignan si Hisham.
"Calvin bilisan mo at magpaayos kana! Magsisimula na tayo" agad na sabi ng director rito pero sumulyap muna si Calvin sa direksyon ni Cynthia at kumindat rito kaya ngumiti nalang dito si Cynthia saka binaling ang tingin sa salamin.
BINABASA MO ANG
The Vlogger's Editor
RomansaA famous actress and vlogger Cynthia Altamirano was robbed and nearly got raped but a runaway Australian girl Nahla Silva helped and saved her in exchange of having a place to live and a job to sustain her living. The job was to become the video ed...
