Cynthia’s POV
Nandito na kami ngayon sa school. Buong biyahe ay sa phone nakatuon ang atensyon ni Nahla kaya nabubwisit nanaman ako. Pagkababa naman ay todo linga naman siya sa paligid na para bang may hinahanap.
“Ate kanina pa nakakunot yang noo mo. Anong problema?” Tanong ni Miyu habang naglalakad kami.
“Shut up! Parang tanga kasi yang si Nahla tignan mo parang di ako nag eexist” nginuso ko pa si Nahla na nauuna pa sa amin maglakad.
“Hayaan mo na. Mukhang excited eh”
Pagkasabi non ni Miyu ay napatigil kami sa paglalakad ng tumigil si Nahla at may batang patakbong niyakap siya saka niya ito binuhat.
This must be the kid huh.
“Hi baby Rylie! You missed me?” malambing niyang tanong saka niyakap ito ng mahigpit at hinalikan sa cheeks.
“Super!” puno naman na galak na sagot ng bata.
“Hay nako Nahla kanina pa yan naiinip kakahintay sayo” sabi naman ng Harriet na to saka kami sinulyapan ni Miyu.
“Aw sorry baby” saka nito hinalikan ulit ang bata.
I can say na may hawig nga sila ng batang ito. Hindi niya ba talaga ito anak? Wtf!
“By the way, Rylie this is ate Miyu. She’ll be studying here too!” pakilala niya.
Binaba niya naman si Rylie para maabot ni Miyu.
“Miyu, si Rylie. Harriet’s nephew. My new friend” nginitian niya pa si Harriet habang sinasabi ito.
“Wow he’s so cute, ate! Hi Rylie. I’m Miyu, you can call me ate” natutuwa namang pakilala ni Miyu saka kinurot ang matambok na cheeks ng bata.
Napatingin naman ako kay Nahla nang akbayan niya ako. “Rylie this beautiful lady here is Cynthia. She’s my boss and Miyu’s older sister”
Naramdaman ko naman ang pag akyat ng dugo ko sa mukha ko. Biglang uminit kaya napapaypay ako sa sarili ko at binaling ang atensyon sa cute na bata na mukhang may lahing banyaga. Tulad ni Nahla ay may pagkasingkit ito. Pero mas singkit nga lang ang batang ito. Ang ganda din ng mga mata nito. Mukhang paglaki nito ay maraming mapapaiyak na babae.
“Hi! I am Zein Rylie” nakangiti nitong pakilala. Ang ganda ng ngiti ng batang ito! Parang si Nahla din kung ngumiti. Napakamisteryoso pero ang ganda! Gosh! Why do I keep on comparing them.
Nang makabawi sa pagkabigla sa ginawang pagpapakilala ni Nahla sa akin ay itinaas ko ang suot kong shades at bahagyang yumuko sa bata.
“Hello little boy. You are so handsome. Glad to finally meet you”
He giggled when he heard my compliment.
After ng small ‘get together’ ay inasikaso na namin ang enrollment nila.
Nahla’s POV
Lumipas nanaman ang isang buwan at pasukan na namin. May motor na ako kaya ito ang gagamitin ko pagpasok.
Ang weird lang na naka white uniform ako tapos nakamotor lol. Laban lang!
“Cynthia, your vlog’s ready. I’ll go ahead na” paalam ko saka siya hinalikan sa noo na nakasanayan ko na gawin kapag aalis ako ng bahay.
“Mag iingat ka okay? Drive safely. Hmp dapat kasi kotse nalang binili mo” nakapout na sabi nito kaya natawa ako.
“Car is expensive. I need to save money for my tuition. You know that right?” mahinahon at nakangiti kong paliwanag.
BINABASA MO ANG
The Vlogger's Editor
RomansA famous actress and vlogger Cynthia Altamirano was robbed and nearly got raped but a runaway Australian girl Nahla Silva helped and saved her in exchange of having a place to live and a job to sustain her living. The job was to become the video ed...
