Cynthia’s POV
Pinareport na namin ang nangyari at kita sa cctv na hindi talaga ako ang target ng nanakit kay Silver.
May dalang baseball bat yung babae o lalaki na yun. Di matukoy kung lalaki siya o babae dahil balot na balot ang mukha niya pati katawan. Tanging plate number lang ang nakuha kaya pinapatrace na namin at natagpuan na iniwan lang sa bakanteng lote yung motor na ginamit at fake pa yung plate number. Wala tuloy kaming lead kung sino ang gumawa.
Yung namalo ng baseball bat ay pinalabas niya na ako ang sasagasaan niya para lumapit si Silver at matyempuhan ito at mapalo sa ulo. Hindi pa siya nakuntento dahil mabilis niya pang pinaharurot pabalik sa pwesto namin yung motor niya at pinalo ulit niya sa pangalawang pagkakataon si Silver. Sinigurado niya talagang mapupuruhan si Silver.
“Cynthia umuwi kana muna, I’ll take care of her” hinawakan ako sa balikat ni ate na ngayon ay siyang in charge doctor kay Silver. Si Orion ay umalis kanina pagkahatid namin kay Silver dito sa hospital. Tss! Mas mabuti na wala siya dito dahil naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya.
Nandito kami ngayon sa isang VIP room at binabantayan si Silver na hanggang ngayon sy hindi pa din nagigising. Sa ngayon ay stable naman na daw siya at kelangan nalang bantayan lalo pa’t hindi pa nahuhuli ang gumawa nito.
“Okay lang ako dito, ate. Hindi ako aalis hangga’t hindi siya nagigising” sabi ko saka tumulo nanaman ang luha ko.
Wala na nagawa si ate kundi magbuntong hininga at pabayaan ako.
“Don’t worry she’ll be fine. Magrorounds lang ako sa ibang pasyente. Dito kana muna” paalam niya saka lumabas ng kwarto.
“Silver please wake up. Hindi ko pa nalilinaw sayo yung nararamdaman ko eh! Tapos pimag aalala mo na agad ako ng ganto” para akong tanga na kinakausap siya habang parang lantang gulay sa kama.
“Kakagaling lang ng sugat mo ito ka nanaman may panibagong sugat” umiiyak pa na sambit ko. Actually simula ng mangyari to sa kanya ay di na natigil ang luha ko sa pag tulo.
Mahigpit kong hawak ang kamay niya saka ito nilapit sa mukha ko at hinalikan.
Wala na akong pake kung may taping pa ako bukas ang mahalaga dito lang ako sa tabi niya.
Kinabukasan ay hindi pa din nagigising si Silver.
“Mizu you need to go home and prepare for your taping” untag sa akin ni kuya Hisham.
Nandito sila ngayon ni mama.
“Oo nga anak, bumalik ka nalang after your taping. Ako na ang bahala dito. Makakaasa ka na hindi ko papabayaan si Nahla” si mama naman.
“But ma! I wanna be with her when she wake up” maktol ko.
“Mizu don’t be stubborn. Mama will call us naman in case na magising siya. Let’s go, ihahatid na kita sa venue” si kuya Hisham ulit saka kinuha ang bag ko at siya na ang nagdala.
“Go ahead, Mizu. Everything will be alright. Wag mo pabayaan ang sarili mo because I know kung gising lang si Nahla ay hindi niya gugustuhin na makita kang ganyan” si ate Alrisa naman kaya wala na akong nagawa kundi umalis at magprepare sa condo.
After that hinatid na ako ni kuya Hisham sa venue ng taping namin ngayon.
“Don’t worry, Mizu. She’ll wake up soon so cheer up!” he kissed me on my forehead bago magpunta sa company. Naghintay pa siya sandali kay Franky dahil pinasunod niya nalang ito kanina. Then pagdating ni Franky ay iniwan niya na ako dahil may mag aasikaso na daw sa akin. Well, Franky is not just my driver. PA ko din siya and siya ang nag aasikaso ng mga gamit ko sa shoot.
BINABASA MO ANG
The Vlogger's Editor
RomansaA famous actress and vlogger Cynthia Altamirano was robbed and nearly got raped but a runaway Australian girl Nahla Silva helped and saved her in exchange of having a place to live and a job to sustain her living. The job was to become the video ed...
