Chapter 16 First Guest

478 19 0
                                        

“Take care, baby. You know I can’t be there. Text me when you get to school, okay?” Cynthia sweetly said on the phone. May pag endearment pa! Lol
She’s on her taping in Batangas, kaninang madaling araw pa siya bumyahe with Frank dahil maaga daw call time nila and here I am papasok na sa school dahil I have to catch up the lessons that I have missed when I was hopitalized.

Since yesterday, when Cynthia told me that she’s gonna court me, she became more clingy and now she often call me ‘baby’ kapag dalawa lang kami.

“Yes po madam, I will” nakangiti kong sagot. I can’t restrain myself from the kilig that I am feeling right now. Ang sarap lang kiligin sa taong gusto mo.
“Don’t kiss Orion, okay? Hmp” masungit na paalala niya.

“I’ll try po” natatawa kong sabi.



We already agreed to it na iiwasan ko na ang mga labi ni Orion dahil para lang daw sa labi ni Cynthia ang mga halik ko. But of course I told her na hindi ko basta basta maiiwasan iyon dahil magtataka siya kung bat biglang ayaw ko na siya halikan. Knowing that Orion and I are in a ‘friends with benefits’ kind of state.



“Hmp humanda ka sa akin pagbalik ko!”

“Don’t be mad. I promise to not be with her alone. Ikaw din, don’t fall in love with your stupid love team” masuyo kong sabi pero pigil ang inis sa huling sentence. Tsk! That monkey!

“Of course not, baby! Sige na baka malate ka pa. Basta ha drive slowly and safely” paalala niya.

“Yes po, ikaw din ingat diyan” sabi ko naman saka binaba ang phone at sumakay na sa motor ko.




Pagdating sa school ay wala pa akong kakilala since maaga ako ngayon dahil nagdecide ako kanina na sa library ko nalang gagawin yung ibang assignments ko. Pag kasi sa bahay hinihila lang ako ng kama para matulog ulit kaya para sure na di ako tatamarin dito nalang.

I managed to sent a message to Cynthia while walking. Telling her that I got to school already. Hindi naman na siya nakapagreply kaya tinago ko na sa bulsa ko yung phone ko. Mukhang busy na ang lola niyo maghanap buhay.
Before I reached the library, I heard a familiar sound of a piano piece. Wow! Sarap naman sa ears.

Para akong tanga na hinanap at sinundan yung naririnig kong tunog. Kakalakad ko ay napadpad ako sa tapat ng isang room at nakaawang ang pinto nito kaya sumilip ako. I saw a woman playing the grand piano at hindi ko makita kung sino siya kaya yung curiousity ko umiral nanaman ayun dahan dahan ako lumapit. Ingat na ingat baka maistorbo ko ang moment niya. Mukha kasing puno ng emotion yung pagtugtog niya eh.

Hmm kilala ko siya! She’s the student council president. To be honest, maganda siya at matalino pero balita ko pinaglihi daw sa sama ng loob kaya laging fierce ang awra.

Tahimik akong pumwesto sa bandang gilid at humalukipkip.

I can feel the emotions everytime her fingers strucks the keyboards.
Ang galing! Napapikit tuloy ako sa ganda ng tugtog. She’s playing beethoven virus and I remember my mom playing it before everytime she’s upset and feeling discomfort. She usually plays it kapag nagaaway sila ni daddy.

Napadilat ako ng maramdaman ko na tumigil ang pagtugtog.
Nakita ko nalang na matalim siyang nakatingin sa akin saka padabog na tumayo at kinuha yung bag niya. Walang Sali-salita na lumabas ng music room. Oo music room pala ito dahil pag tingin ko sa paligid ay puro music instruments ang nakahilera. Kanina di ko napansin dahil medyo madilim at siya lang ang tao. Masyado pa ako nahumaling sa pagtugtog niya na para siyang nasa recital kung makatugtog. Yung ilaw lang din sa part niya ang nakabukas at nagmistulang spotlight para sa kanya.

The Vlogger's EditorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon