Chapter 4 New found friend

653 44 0
                                        

Nahla's POV

It's been months since I came here in the Philippines and I'm getting used to their culture and also starting to love the country. The tropical weather, traffic, people and many more. Mas naimprove ko na din ang pagsasalita ng tagalog. Well, marunong naman talaga ako since my mom is half Filipino and she always teach us tagalog but di pa din maiiwasan ang mabulol kami.

Those months were incredible coz' I had the chance to explore Philippines with Cynthia. She always includes me on her trips. Well, of course para din sa vlogging career niya pero what makes me more happy is I think I found a new friend! We became closer and I already treat her as my bestfriend.

"Cynthia, I'll go somewhere else muna. I have something to get eh but don't worry bibilisan ko para makasunod ako sa taping mo" paalam ko.

Kukunin ko kasi ngayon yung pinadala ni ate na mga papeles ko para makapagpatuloy ako sa school. It's a fake documents too actually and sana hindi madetect ng school na papasukan ko.

"Okay. Alam mo na ba ang daan? I can drive you there if you want" she offered.

"No need, I can manage" I declined.

"Are you sure?" paninigurado niya pa.

"Yes, boss! Hundred percent sure" I said with a wide smile to assure her.

"Okay. Ingat ka ha! Call me if you need anything" sabi niya pa saka lumapit sa akin at yumakap. Ganto siya kalambing! And I'm getting used to it. I feel comfotable whenever she hugs me.

"Yes, I will. You too, okay? Call me if something bad happens. I'm just one call away" sabi ko pa saka siya hinalikan sa noo bago maglakad paalis ng condo niya.

Nasanay ako na kinikiss siya noo kasi I want her to feel that she's always safe with me. I want her to feel secured all the time.

Paglabas ko ng pinto ay sinuot ko na ang mask at cap ko.

I grab a cab para magpunta sa mall since base sa aking research doon may lbc na malapit dito sa condo ni Cynthia.

Pagdating ko ng mall ay agad akong nagtanong sa guard kung saan ang lbc at agad niya din namang tinuro sa akin yung direksyon.

"Please fill up this form and give me a valid ID ma'am" magalang na sabi ng empleyado sa lbc saka inabot sa akin ang form.

Nang mafill up ko yun ay inabot ko yung ID ko at di nagtagal nabigay niya na sa akin yung documents na nakabalot sa plastic ng lbc.

Since madaming tao sa loob ng lbc lumabas na agad ako at habang naglalakad ko ito binuksan kaso kung mamalasin ka nga naman makakabunggo pa ako.

Napahawak ako ng mahigpit sa documents ko para di ito mahulog. Aba! Mas mahalaga pa ata to sa nabangga ko no!

Sinuksok ko agad sa bag ko yung documents.

"Oh Gosh! I'm sorry, miss. I'm not looking on my way" I apologized saka inabot ko ang kamay ko sa babaeng nabunggo ko na ang lakas ata ng impact ng pagkakabunggo ko kasi nakasalampak na siya ngayon sa sahig at pinagtitinginan na kami.

"Let me help you. What's hurting you? Do you want me to take you to the hospital?" dagdag ko pa.

"Uhmm I'm fine. Malakas lang siguro ang pagkakahulog ko" sagot niya saka tinanggap ang kamay ko para alalayan siya.

Nakatitig lang siya sa akin at hindi nagsasalita kaya kinabahan ako dahil baka makilala ako nito.

"Uhm miss... If you want I can treat you a snacks para makabawi ako" sabi ko nalang para kuhanin ang atensyon niya.

"Talaga? Sure! Doon tayo oh" mabilis na sagot niya na parang nawala na agad ang iniinda niyang sakit sa pwetan kanina.

Hinila niya na agad ako and before I can protest nasa samgyupsal na kami! Gosh ang lakas ng amoy dito eh! Pano na ako mamaya sa set ni Cynthia??? Baka maamoy ako ng mga kapwa artista niya. Ew!

Nag order na siya habang ako ay nakatingin lang sa kaniya.

"I'm Harriet nga pala, ikaw ano pangalan mo?" pakilala niya.

"Nahla" sagot ko. "I'm sorry again for what happened. Does it still hurts?" concern na tanong ko ulit.

"Nako wala yun! Lilibre mo naman ako diba?" malawak na ngiting sabi niya kaya napatango nalang ako at nahawa sa ngiti niya kahit na nakamask ako.

"Tanggalin mo na yang mask mo. Ayan na yung order" sabi niya kaya napaisip din ako.

Oo nga no? Pano ako kakain kung nakamask ako? Shit naman.


Dahan dahan ko tinaggal ang mask ko habang nagsasalang na siya ng meats sa lutuan.

Wala naman na akong nakikitang balita sa tv at internet about sa akin so siguro di naman niya ako kilala? Besides Australia is too far from here.

The Vlogger's EditorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon