Chapter 17 The bracelet

463 18 1
                                    

Lunch time at dito naman kami sa Cafeteria nakatambay kasama sina Harriet, Orion, Killa, Miyu, Raven and ang kambal na si Zio at Rylie. Masaya akong sinusubuan si Rylie habang si Orion naman ang nag aasikaso kay Zio.


"Baby girl last na subo na dali para hindi ka pumangit" pag alo ni Orion kay Zio na ayaw na kumain.

Mas matigas talaga ang ulo ni Zio kesa kay Rylie. Si Zio may pagkabrat at pasaway samantalang si Rylie ay masayahin at madali pag sabihan.

"Kakainggit naman kayo, mukha kayong happy family diyan ate!" Panunukso naman ni Killa.

"Tigilan mo kami, Killa. Focus on Miyu baka maagaw ng iba!" I smirked at her and gave her a knowing look kaya napapout naman siya. I know she has a thing on Miyu. Tsk! How ironic to think that the first time we met her was she slapped Miyu for accusing her of stealing her boyfriend and now she's so fond of Miyu.

Napasulyap naman ako kay Miyu at Raven na nangbabackstab ng teacher nila. Lol.

"Pasado na ba ako maging ina ng magiging anak natin, Nahla babe?" gatong naman ni Orion na may nakakalokong ngiti kaya nakatanggap ito ng malakas na hampas sa akin.

"Ina your face!" sabay irap ko.

"Nga pala Nahla, nahanap na ba yung pumalo sa ulo mo?" singit ni Harriet.
Pinainom ko muna si Rylie saka bumaling kay Harriet.

"Hindi eh. Cynthia told me na iniwan lang daw sa bakanteng lote yung motor na ginamit tapos fake din yung plate number na ginamit"

"Oh walangya naman yun!" galit na reaction niya saka sinulyapan si Orion na mukhang nakikinig din sa usapan namin.


Hindi nalang ako nagsalita at napaisip din kung sino ang may gawa non. Wala naman kasi akong kaaway and alangan naman si dad may gawa non. Di yun gagawin ni dad kasi siya mismo papatay sa akin gamit sarili niyang baril. If ever man na malaman niya kung nasaan ako.

Kakaisip ko ay nahagip ng mata ko ang papasok sa Cafeteria na mukhang wala nanaman sa mood.

Si President na may kasamang babae na kinakausap siya pero itong si President poker face lang.

Naalala ko ang notebook niya kaya kinuha ko to sa bag ko at tumayo para lapitan siya.



"San ka punta, girl?" tanong ni Harriet.

"May ibibigay lang ako diyan kay President" sabi ko saka pakita nung notebook.

Kita ko naman ang gulat sa mukha ni Orion. "ako nalang, Nahla babe" pigil niya sa akin.

"No, kaya ko na to. Rylie boy, Zio girl continue eating okay? puntahan ko lang yun" tanggi ko at nagpaalam pa sa dalawang bata na katabi ko. Nilapitan ko ang kakapasok lang sa Cafeteria na pinaglihi sa sama ng loob. Mukhang naghahanap sila ng mauupuan.

"Hi" bati ko pero tinignan niya lang ako habang yung kaibigan niya ay nakatingin lang sa akin na may pagtataka and again one of those people who will be stunned in front of me.

"Here's your notebook nga pala. Naiwan mo last time" I simply said saka inabot sa kanya ang hawak kong notebook at padabog niya namang hinablot to sa akin.

Tsk bat ba naging president ng college tong ganto kasungit na tao?

"Tss! Tria, nawalan na ako ng gana. Aalis na ako" masungit na sabi niya sabay walk out.

Sa hindi ko malamang dahilan ay sinundan ko siya. Buti nalang bitbit ko na bag ko kanina pa paglapit ko sa kanya.

"Hey sungit!" tawag ko pero di siya lumingon kaya mas binilisan ko pa ang lakad para mahabol siya.

The Vlogger's EditorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon