Chapter 18 Rally

373 23 0
                                    

Silver Nahla’s POV

Today is an ordinary day pero ang gaan ng pakiramdam ko na pumasok dito sa cr pagkatapos ng first class ko. Napatingin pa ako sa banda ng leeg ko na minarkahan ni Cynthia kagabi. Pasaway talaga yon! Kung nung si Orion ang gumawa non ay nainis ako, pero ngayon na si Cynthia na natuwa pa ako at walang pake na nilagyan ulit ito ng concealer. Tamang retouch lang kasi baka nahaggard kanina sa klase yung marka at maging visible. Lol.

Ang sweet lang ni Cynthia kagabi eh. I never thought na mag eeffort siya sa panliligaw sa akin. Kahit sa bahay lang yun ay ang sarap pa din sa feeling na kasama ko siya buong gabi at nakatabi ulit matulog. To think nga na sa hectic schedule niya ay naisingit niya ako ay sobrang nakakataba na ng puso. I feel so special because of it.

Ngayon ay may 1hr pa ako para sa next class ko kaya tatambay muna ako sa library. Wala kasi ang asungot na si Orion at si Harriet dahil puspusan ang training nila sa nalalapit na competition nila. Inimbitahan nga ako manood eh kaso di ko sure kung makakapunta ako. You know naman may trabaho pa din ako kay Cynthia and dumadami na din ang mga pinapagawa sa school.

As usual bago makarating sa library ay madadaanan ang music room. Umasa ako na maririnig ulit ang pagtugtog ni Devaughn pero kakaibang ingay ang narinig ko.

Tulad nung una ay nakaawang ng onti yung pinto kaya rinig sa labas ang ingay. Buti nalang wala masyadong nadaan dito.

Bilang chismosang mamamayan ay lumapit ako sa pinto at sumilip sa maliit na awang.

Ow! Si Orion the lover at si Devaughn sungit. Kita ko ang expression ng bawat isa sa kanila dahil nakaside view sila sa akin and I can say na hindi maganda ang awra nila ngayon.




“Pwede ba Orion! Wag kang gawa gawa diyan!” singhal ni Devaughn kay Orion na mukhang seryoso ang mukha ngayon. Kung araw araw siyang seryoso, ngayon ay mas malala. Parang anytime makakasapak na siya.

“Anong gawa gawa?! Alam kong ikaw ang pumalo sa ulo niya, malinaw sa mata ko yang anklet mo sa paa! Ano pagkatapos mo paluin ng baseball bat sa ulo makikipaglapit ka sa kanya! Ano bang kailangan mo ha?!” galit din na sigaw ni Orion saka tinuro ang paa ni Devaughn.

Teka… baseball bat? Pinalo?

“Excuse me?! Hindi na mahalaga kung ako man iyon o hindi. Buhay naman siya diba? Ano pa bang problema mo?” sigaw nanaman ni Devaughn. “Saka nakita mo naman diba? Si Nahla ang naghahabol sa akin at hindi ako! Besides, binalik niya lang naman yung notebook ko! Ano bang ikinagagalit mo?! Are you afraid that I might steal your new love interest huh” nakangisi na ngayon si Devaughn at kita kong nakuyom ni Orion ang kamao niya.




Ako pala yung tinutukoy nila? Tsk. So si Devaughn pala yung pumalo sa akin?
Kaya ba kakaiba ang tinginan ni Orion at Harriet kapag nababanggit ang nangyari sa akin?

Ano naman kasalanan ko sa kanya?
Ganun na ba siya kaselos sa amin ni Orion?

Pero bat hindi ako makaramdam ang inis o galit sa nalaman ko?

Maybe it wasn’t really her? But she didn’t denied anything.

Kakaisip ay di ko na napakinggan pa yung iba nilang usapan at dali daling umalis sa may pinto nang makita na palabas na si Orion.

Hindi na ako tumuloy sa library dahil nawalan na ako ng gana pa magbasa.
Di ko nalang namalayan na nasa may field na pala ako at naupo sa may bench sa ilalim ng puno.

Tsk ang boring naman!

Pagkatapos ko mawitness LQ ng dalawang iyon wala na ako magawang matino ngayon.

Nakatanaw lang ako sa mga naglalaro sa field nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko but I didn’t bother look at that someone. Hindi naman sa akin ang bench na to eh so pake ko kung may makiupo!





The Vlogger's EditorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon