Chapter 7 Boyfriend?

568 33 0
                                        

Kakauwi lang namin dito sa unit ni Cynthia at kakatapos lang kumain ng dinner. Si Hisham ay umuwi na din sa kanila kaya kami nalang ni Cynthia ngayon ang natira. Nasa sala lang kami pareho habang naka open ang tv. Kanina ay galit na galit nanaman niya akong pinagpalit ng damit. Nawala kasi sa isip ko na shirt pala ni Harriet ang suot ko.

“Kelangan na ata kitang pabaunan ng damit sa tuwing aalis ka” irita niyang sabi.

Yun ang huli niyang sinabi kanina at pagkatapos non ay hindi niya na ako inimik at busy lang siya sa laptop niya kaya bored lang ako naglipat ng channel sa tv.

“Breaking News: Silver Gusuico na bunsong anak ng Australian President na si Erwan Gusuico na kamakailan lang ay ibinalita na nawawala, ngayon ay idineklarang patay! Pahayag ng pamilya ay natagpuan ang bangkay nito sa mga namatay sa isang plane crash na papuntang Hawaii” sabi ng reporter sa tv at pinakita pa ang umuusok na video ng plane.

Sa gulat ko ay nabitawan ko ang remote na hawak ko.

“Hey, what’s the matter?” nagtatakang lumapit sa akin si Cynthia at pinulot ang remote na nahulog ko. Samantalang ako ay parang walang naririnig at busy ang utak ko kakaisip.

What’s happening? Wala ito sa usapan namin ni Sapphire.

Is this good or bad?

Damn! I need to talk to Sapp.

Kung siya man ang may gawa nito, I need to trust her. I know she won’t let me down. I know she’ll protect me.

“Are you okay?” tanong pa ulit ni Cynthia pero hindi ko na siya sinagot at dinampot ang phone ko na nasa tea table saka mabilis na lumabas ng unit niya.

Mabilis ang yabag ko pasakay ng elevator.

Pagbaba ko sa may lobby ay dumiretso ako sa may garden ng condo and I tried dialing Sapphire’s number but she’s not answering!

“Shit! Answer the damn call, Sapp” nanggigil kong bulong habang nasa tenga ang phone.

Nang wala na talagang sumagot pagkatapos ng walang humpay na pagtawag ko ay pagod akong napasandal sa marmol na dingding.
Parang naubos bigla lahat ng lakas ko dahil sa balitang iyon.

Isinalpak ko ang earphons ko sa tenga at dinama ang musika na nangagaling doon.

I closed my eyes and thought of the possibilities and her reasons if she really did this.

Was it really, Sapp?

Damn!

Or was it Seki? My brother?

Para ba mapunta na sa kaniya lahat ng dapat sa akin ay ipinaalam niya sa parents namin na patay na ako?
I know how he really want to be the only successor but dad’s favorite was Sapphire.

In order for him to defeat Sapphire, he will need a huge amount of money and shares.

Is he going to get my shares in our company?

Maybe that’s his reason.

But what about Sapphire? Anong rason niya kung siya ang gumawa ng palabas na ito?

How ironic that kanina lang ay sinabi kong nakakamatay ang mga talim ng tingin ni Cynthia, tapos ngayon nabalitaan ko na patay na pala ako. PATAY NA AKO SA PANINGIN NG LAHAT. SA PANINGIN NG PARENTS KO.

Fuck! Why do I have to go through this?!

If only I have an understanding family…

“Stop crying. You’re not a baby anymore” napatigil ako sa pag iisip at napatingin kay Cynthia na nasa harap ko.

The Vlogger's EditorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon