Chapter 6

60 3 0
                                    

Lensy POV

Pag katapos ng usapan naming iyon ay nagkayayain kami pumunta sa cafeteria dahil sa hindi pa kami kumakain dahil sa nangyari

Sinama narin namin si hannie na nakakapaglakad naman na.

Pag dating namin sa cafeteria nag hanap na kami ng mauupuan at nang may mahanap na kami ay naupo na kami.

"Kami nalang ni kaila oorder ano oorderin nyo?" Tanong ni shane sa aming tatlo

"Spaghetti and chicken nalang po akin" -hannie

"Carbonara and chicken sandwich akin pakisamahan narin ng ice tea"-barbie

"Spaghetti chicken , strawberry ice cream , egg sandwich , and ice tea" sabi ko habang binubuklat na ngayon ang aking libro para magbasa.

"Wala ka na bang idaragdag lensy? Baka meron pa at nahihiya ka lang" sarcastic na pag kakasabi ni kaila

"Wala na shooo" at sinenyas ko pa ang kamay kona parang pinapaalis na sila.

Kita ko naman napairap na lang yung dalawa sa ginawa ko hahaha. Eh sa gutom ako bakit ba?

Habang nagbabasa ako napatingin naman ako kay hannie na nilalaro lang yung kamay nya. Hindi ko alam bakit napatitig ako sa kanya

Sa 2yrs naming magkakilala madalas ko syang nakakasama at mabait talaga sya she's 16 yrs old pero hindi ko po nakikita pamilya nya.

Napatigil naman ako sa pag titig sa kanya nang magsalita sya.

" Ate sy okay ka lang po ba? May rumi po ba ako sa mukha?" Takang tanong nya habang pinupunasan yung ibang parte ng mukha nya.

Bigla naman ako umiling at ngumiti sa kanya.

"Wala. Naisip ko lang 2yrs na kitang kilala pero hindi ko pa nakikilala kahit isa sa pamilya mo" pag amin ko sa kanya nang aking iniisip. Pero bigla naman nawala ang kanyang ngiti ng dahil saking sinabi.

"Ate pwede po ba wag nalang po natin pagusapan? Promise po pag pumayag na po sya ikekwento ko po sa inyo lahat" nagtatakaman ako ay ngumiti nalang ako sa kanya at tumango.

Sinong sya? Hindi ba sila ayos ng pamilya nya? Sa pagiisip ko hindi ko namalayan na nakabalik na pala sila shane at nilapag na nila isa isa ang order namin.

"Oh bakit nakakunot nanaman noo mo sy?" Takang tanong ni kaila habang hinahalo ang binili nyang carbonara.

"Wala naman may naisip lang" sagot ko at umayos na para makakain na.

Habang kumakain kami biglang umingay dahil sa pagtili ng mga babae rito sa loob ng cafeteria

Kaya naman napalingon ako kung bakit sila nagtitilian ngunit nakita ko lang yung karl na yon na may kasamang pitong mga gwapo hmp! Sana pala di nalang ako lumingon nasira lang araw ko.

Hindi kona pinansin ang mga tilian ng babae at pinag patuloy na lang ang pagkain. Pero maya maya lang nagsalita naman itong mga katabi ko

"Lensy dahil bago ka palang rito ipapakilala namin sayo ang mga yan" sabi ni barbie sabay nguso nya sa walong tao na ngayon ay ang ingay ingay dahil sa lag aasaran ata nila.

"I'm not interested" walang gana kong sagot sa kanya at derederetso lang ako sa pagkain.

"Kahit na ikekwento parin namin sayo" si shane naman ngayon ang nag salita.

"K"maikli kong sagot sa kanila dahil alam kong kukulitin lang nila ako.

"Yung humatak sayo kanina ay si Karl Kiel S. Reveino sya yung anak ng may ari ng school na ito yung katabi nya naman si Felix Hermosa ang bestfriend ni karl at yung naka kulay blue naman na chinito sya si Zack Yunai at yung may hikaw sa kaliwang tenga sya si James Madrigal at yung katabi naman nyang nakangiti ay si Nathaniel Lopez at yung isa naman na kulay blue ang buhok ay si Jastin Soyen at ang katabi naman netong nakasalamin ay si Dave Rales at ang last ang pinakabata sa kanilang 8 ay si Jonas Yu Sila yung grupo ng gang na kinakatakutan dito sa school dahil sila ang nangunguna sa pinakamalakas at pinakamagaling makipag bakbakan kaya don't mess with them lensy" mahabang paliwanag ni kaila.

"Ok" maikling sagot na na ikina nganga nilang apat kaya naman tumingin ako sa kanila na *anong tingin yan look*

"Sa haba nang sinabi ni kaila 'ok' lang ang sinagot mo?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni barbie

"Oo nga ate sy" pag gatong naman ni hannie sa sinabi ni barbie

"Kakaiba ka talaga" sabi ni shane na may kasama pang pagpalakpak kaya naman ang ibang malapit sa table namin ay napatingin sa amin.

"Ano gusto nyong isagot ko? Na wow astig kinakatakutan sila sana ako rin, ganon ba gusto nyo?" Sarcastic na sarcastic na pag kakasabi ko sa kanila.

Napailing nalang silang apat dahil sa pag sagot ko.

Bigla naman nag bell kaya nagsipasukan na kami hinihatid muna namin si hannie sa room nila bago kami sabay sabay na pumasok sa room.

Pag pasok namin sa room kasunod naman nang pag pasok ng prof namin

Wala naman kami masyadong ginawa kundi discuss dito sulat doon paulit ulit lang ng biglang magsalita ang prof namin.

"Okay class bukas ay gagawa ako ng tatlong grupo at kailangan nyong magluto na pwede nyong ipapaninda pero dito nyo lang sa school ibebenta ang inyong mailuluto or ibebake kung sino ang pinakamasarap at maraming benta ay may dagdag na grades" sabi ng teacher namin bago lumabas dahil dismissal na.

Narinig ko naman na naguusap usap ang mga kaklase ko about dun sa sinabi ng prof namin.

"Sana tayong apat magkasama sa iisang group para pare pareho tyo grades hahahaha" sabi ni kaila habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

"Oo nga e dina 21 tayo sa room? So bali pito sa kada grupo?"tanong naman ni shane habang naglalakad pa rin kami.

"Oo nga no? Sana naman kung magkakagrupo tayo yung tatlo na makakasama natin matino hahahaha" si barbie naman ang nagsalita ngayon at humarap pa saming tatlo.

"Sa kakatanong nyo dyan na di naman masasagot mabuti pa magsipuntahan na kayo sa mga kotse nyo dahil nandito na tayo! Bukas nyo na intindihin yan i'm tired i want go home na" awat ko sa pag tatanong nila at nilapitan na sila isa isa para makipag beso at ganun din naman ang ginawa nila.

"Oo nga sige na dito nako babush seeyah tom mga malds" si barbie na nag flying kiss pa bago sumakay sa kotse nya

"Babush sa inyo" si kaila na kumaway muna bago sumakay sa kotse

"Dito nako sy ingat ka" sabi ni shane sabay sakay ng kotse.

Kaya naman nang nakasakay na silang tatlo sa kani kanilang kotse ay sumakay narin ako at umuwi na.

Pagkarating ko sa bahay ay kimiss na muna ako kay mommy and daddy bago umakyat sa kwarto.
_________________

"Bunso gising na maghahapunan na bumaba kana ron" rinig kong sabi ni kuya habang niyuyugyog ako

"Ashh. Sige na kuya susunod na ako ron stop shaking me!" Inis na sabi ko kay kuya dahil antok na antok pa ako

"Okay sige basta bumaba kana ron ok?" Hindi na ako sumagot pero bago ko marinig na magsara ang pinto ay naramdaman ko na kiniss muna ako ni kuya sa noo.

Maldita Meets Gangster(COMPLETED)Where stories live. Discover now