Lensy POV
"Kaya nang akala mo walang pakialam sa paligid nya yan pero may problema lang isa sa amin alam nya na agad at ginagawan nya agad nang paraan mga problema namin ni hindi nya man lang sinasabi saamin" si nath ang sumagot nyan.
"Naalala ko pa nung nalaman ni karl na lubong na ang kompanya ng pamilya ko , ginawan nya iyon nang paraan muli nya iyon itinaguyod at ngayon ay maganda na ang takbo ng kumpanya namin" nangingiti pang sabi ni zack na mukhang binabalikan ang nakaraan
"May tatlong orphanage yan si karl kami kami lang ang nakakaalam ayaw kasi ni karl na maraming tao ang nakakaalam sa mga mabubuting ginagawa nya" sabi ni felix , kitang kita ang mangha sa mga nang mga malds dahil sa sinabi ni felix.
"Grabe no? Parang ang perfect perfect na ni karl. Ang swerte mo len sa mga kwento palang ni felix makikitang mahal na mahal ka talaga ni karl." Bihira lang mag complain yan si shane kaya napangiti ako
"Pero ano yung sinasabi ni asher na nang dahil kay karl ay nahospital ang kapatid nya?" Tanong ko rito dahil biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina.
"Ah iyon ba? Ganto kasi yon yung kakambal ni asher ay matagal nang kaaway ni karl sa U.S palang ay kaaway nya na ito at ito rin yung may pakana nang pagkaaksidente nya , siguro naman alam mo na kung anong klaseng aksidente yon?" Tumango tango naman ako bilang tanda na oo alam ko na yun.
"Nung time na tumawag si joseph kay karl nung pagtapos ng game namin dun na nagsimula ang lahat"
*******
Felix POV*Flashback*
Pagkalabas namin ng bgw room ay tinanong ko agad si karl
"What's wrong?" Pag tatanong ko rito habang pumupunta na kami sa sari sarili naming kotse.
Kami ni karl ay iisang sasakyan nalang ang ginamit namin papunta sa hideout namin.
"Ashong is back , at sinugod nila sila joseph napuruhan ang halos kinseng tauhan ni joseph kasama na roon si brian." Makikita mo sa mata ni karl ngayon na nagagalit talaga ito
Si brian ay ang pinaka close nya sa lahat ng pinsan nya , si brian kasi ay kasapi sa grupo ni joseph
Pinipilit ito noon ni karl na sumama nalang sa BGW palagi pero hindi ito pumayag gusto nito maranasang mag training kung papaano ang ginagawa ng ibang tauhan ni joseoh , kaya walang ginawa si karl kundi respetuhin ang kagustuhan nito.
Ngayon ay nasa hide out na kami dumeretso agad kami sa mini clinic na naririto sa loob ng hide out
Pag pasok namin ay maraming mga nurse at doctor ang naririto , Lumapit si karl sa isang doctor
"Speak." Seryosong seryosong sabi ni karl.
Mukhang kinabahan naman ang doctor dahil sa klase nang boses ni karl.
Private doctor ito nang BGW pero hindi pa rin talaga ito sanay sa presensya ni karl dahil bihira lang ito rito.
"Mr. Reveino the rest is okay pero si brian ay malala ang natamo , masyado itong napuruhan sa ulo kaya kailangan itong operahan , pero 50/50 ang pwedeng magiging resulta nito." Dahil sa sinabi ng doctor ay nagwala si karl.
"Damn! Gawin nyo ang lahat nang makakaya nyo basta buhayin nyo lang sya!!" Sigaw na sabi nito
Tumango tango ang doctor tsaka agad agad umalis upang asikasuhin si brian.
YOU ARE READING
Maldita Meets Gangster(COMPLETED)
ActionIsang babaeng mala anghel ang mukha Maldita pero mabait Palaban pero maramdamin At higit sa lahat marunong makipag basag ulo. Pero pag nasa mood ang daldal at ang kulit at ang lambing ****** Isang lalaking gwapo Suplado , mainitin ang ulo , tahimik...