Chapter 53

38 2 0
                                    

Lensy POV

Ilang araw na ang nakalipas mag mula nang magising si karl

Sa ilang araw na yon palagi ako dumadalaw sa kanya pagkagaling ko nang school minsan ay dito rin ako natutulog

Ayaw nya man ay wala syang magawa dahil mapilit ako , minsan lang ako nito tapunan ng tingin pero wala pang kabuhay buhay

Inaasikaso ko sya kahit na ayaw nya , sa tuwing tulog na sya minsan pinagmamasdan ko sya at diko namamalayan na may tumutulo na palang mga luha sa mata ko

Kuntento na ako sa pagtingin tingin sa kanya at pagaasikaso sa kanya kahit na ang cold cold nito sa akin , kahit na hindi nya ako naaalala , may minsan pa nga na nakulitan ito sa akin

*Flashback*

"Kaki kumain kana muna , niluto ko pa naman ito" nilungkot lungkutan ko ang mukha ko pero parang wala lang rito

"I'm not hungry." Nasa librong binabasa nya lang ang paningin nya kaya naman ay hinatak ko ito at pinawengangan ito.

"Kumain kana kasi muna." Medyong inis na sabi ko rito pero nilalambingan ko pa rin ang tono

Maaga ako gumising upang maipagluto sya tas sasabihin nya lang sa akin na di sya nagugutom? Gusto ko man sya sigawan ay hindi ko ginawa

"I said i'm not hungry!" Medyo mataas na boses nitong sabi sabay hatak nang malakas sa librong inagaw ko sa kanya kanina

Sa sobrang inis ko ay inilapag ko nalang sa mesa ang dala ko tsaka ko sya tinalikuran at pumasok nalang sa school

*End of Flashback*

Napailing nalang ako dahil sa araw na yon , iniwan ko nalang sya dahil kung sasabayan ko toyo nya ay wala rin naman mangyayari , tsaka kailangan ko muna magpakabait upang maalala ako nito

Humanda talaga sya sa akin pag bumalik na ang alaala nya tsk.

Masakit oo, pero lalaban ako para sa kanya , mag hihintay ako na dumating yung araw na maaalala nya muli ako

"Go home." Napalingon ako kay karl nang mag salita ito ngunit nasa kanyang cellphone nya lang ang kanyang mga mata ni hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin

Gabi na at dalawa nalang kami nandito dahil balak ko dito matulog kahit na bukas at graduation nanamin

Magaling nanaman si karl pero ewan ko kung bakit hindi pa rin ito umaalis sa ospital

"Go home." Ulit nitong sabi nang di ako nakasagot sa una nyang sinabi

Pero ngayon ay nakatingin na ito sa akin nang seryosong seryoso , nginitian ko ito tsaka ako umiling

"Okay lang ako rito , may kailangan kaba?" Pagiiba ko nang topic dito , pero nakatitig lang ito sa akin

Gusto ko man basahin ang nasa isip nya ay hindi ko magawa dahil hindi nagbabago ang expression ng mukha nya , mahirap basahin kung ano nilalaman ng isip nya.

"Ah eh ano wait lang cr lang ako." Pagpapaalam ko rito tsaka ako tumayo sa sofa upang pumunta nang cr

Nailang kasi ako sa mga tingin na binibigay nito sa akin kaya kahit hindi naman ako nasicr ay pumunta nalang ako rito upang makatakas sa mga paningin nya.

Naghilamos ako nang mukha tsaka ako tumingin sa salamin , namumula ang mga pisngi ko sa pagkahiya dahil sa klase nang tingin na binibigay nya sakin

30mins na siguro ako nandito sa cr nang maisipan ko nang lumabas , pag labas ko ang naabutan ko ay ang nakapikit na si karl

Lumapit ako rito upang ayusin ang pagkakakumot sa kanya tsaka ako naupo sa gilid nang kama nya at pinagmasdan muli sya

Napangiti ako nang himasin ko ang mga magulo nitong buhok

"Ang pogi mo talaga kahit na seryoso palagi ang mukha mo , pero mas gwapo ka sa tuwing nakangiti ka" para akong tanga rito na nakangiti habang kausap ang tulog na si karl

Maya maya lang ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakaupo at nakayuko sa gilid nang kama ni karl

Pero naalipungatan ako nang maramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko at narinig ko itong magsalita

"Sorry , i love you" rinig kong sabi nito pero dahil sa sobrang antok ay nginitian ko nalang ito at muling natulog.

*****
Karl POV

"Go home." Tawag pansin ko kay masha nang makita kong tulala lang ito na para bang may iniisip

Nang makita kong lilingon na ito sa akin ay bigla kong nilipat ang tingin ko sa aking cellphone

Wala akong narinig na sagot mula rito kaya pasimple ko itong tinignan muli pero nakatingin lang ito sa kisame

Pinaseryoso ko ang mukha ko tsaka ako muling nang salita.

"Go home." Pag uulit ko rito , sinalubong nito ang mga tingin ko at tsaka ngumiti habang umiiling

"Okay lang ako rito , may kailangan kaba?" Pagiiba nito sa topic

Hindi ko ito sinagot at tinitigan ko lang sya nang seryoso , gusto ko matawa nang makita kong namula ang pisngi nito pero pinigilan ko.

"Ah eh ano wait lang cr lang ako." Paalam nito at dali daling pumasok sa cr at hindi manlang hinintay ang sagot ko

Pinagmasdan ko lang sya habang papasok nang cr , pag pasok nito ay doon ko lang nilabas ang tawang kanina ko pang pinipigilan

Yung tawang alam kong ako lang ang makakarinig

Kalahating oras na ito nasa banyo pero hindi pa rin lumalabas , maya maya ay narinig kong nag click ang lock nang cr kaya naman ay dali dali akong nagpanggap na tulog na.

Anong oras na kasi at alam kong pag di pa ako natulog ay hindi pa rin ito matutulog

Graduation pa nito bukas ayoko naman itong mapuyat pero dahil matigas ang ulo nito ay hindi mo mapipilit na umuwi

Naramdaman ko na papalapit na ito sa akin kaya naman mas lalo kong ginalingan ang acting na tulog upang hindi nito mapansin na nagtutulog tulugan lang ako

"Ang pogi mo talaga kahit na seryoso palagi ang mukha mo , pero mas gwapo ka sa tuwing nakangiti ka" naramdaman ko naman na hinihimas ako nito sa ulo habang inaayos ang buhok ko

Maya maya lang ay wala nakong marinig na ingay kaya naman ay dinilat ko ang isa kong mata upang makita kung nasaan sya

Tuluyan ko nang dinilat ang mga mata ko nang makita ko itong natutulog na habang nakayuko sa gilid nang kama ko

Pinagmasdan ko ito at ako naman ngayon ang humihimas sa ulo nya

"Ilang oras na lang ang paghihirap mo love , sorry i loveyou" sabi ko rito at hinawakan ang kamay nya

Nagulat ako nang magmulat ito nang mata at tsaka ngumiti sa akin pero bigla rin naman ulit pumikit at muling natulog

"Silly." Naiiling kong sabi tsaka tinanggal ang pagkakahawak sa kamay nya

Tumayo ako tsaka pumunta sa pwesto nya upang buhatin sya papunta sa sofa , hindi naman ako nagaalala na mahihirapan sya matulog dito dahil pinapalitan ko ito nang malaki

Alam kong magpupumilit itong matulog dito kaya naman pinapalitan ko agad ito kay jonas nang magising ako.

Paglapag ko sa kanya ay inayos ko ang buhok na humaharang sa maganda nyang mukha tsaka ko ito binigyan nang halik sa labi.

Maldita Meets Gangster(COMPLETED)Where stories live. Discover now