Chapter 22

49 2 0
                                    

Lensy POV

*Flashback continue*

Habang naglalakad kami ngayon dito sa hallway ng hospital ang mga nurse na nadaraanan namin ay yumuyuko pag nakikita si kiel

Mukhang sila nga talaga ang may ari neto hospital na ito the way na galangin nila si kiel

"Good afternoon sir" malandi ang pagkakasabi nyan ng isang nurse na ngayon ay nakaharang pa sa aming dadaanan

Kaya naman tinaasan ko ito ng kilay na hindi manlang pinansin dahil ang atensyon nya nakay kiel na tinanguan lang naman sya

"Can you excuse us?" Seryosong sabi nito sa nurse kaya naman sa bigla ay dali dali itong gumilid

"Ay sorry po sir" hinging paumanhin neto pero nagpapacute pa rin

Dina sya pinansin ni kiel at nagderederetso na nang lakad habang hawak pa din ang aking kamay

"Baka pwede mo na tanggalin yung kamay mo sa kamay ko? Nasiyahan ka naman madyado." Tanong ko sa kanya dahil nandito na kami ngayon sa tapat ng kotse nya

"Tsk" yan lang ang isinagot nya sakin pero bago nya bitawan ang aking kamay ay pinagbuksan nya muna ako ng pinto at pinapapasok sa loob

Habang nasa byahe kami pauwi ay chinat ko sa messenger ang aking mga kaibigan

*FourMalds* (name nang gc namin)

'Mga malds dina ako papasok absent na muna ako ngayon :) ingat sa byahe with boys •.-'

Pagkasend ko nyan ay inilagay kona ang aking cellphone sa bag at tumingin nalang sa labas

Hindi kami nagpapansinan buong byahe dahil tahimik lang sya eh wala rin naman ako sa wisyo para nagdadaldal

Pagkarating namin sa bahay ay inistop nya ang kotse nya sa harap ng gate namin

Tinanggal ko na ang seatbelt at lalabas na sana ng pigilan nya ako.

"What?" Pagtatakang sabi ko sa kanya. Nagpakawala muna sya nang malalim na hininga bago sya nagsalita

"What i'm saying earlier i am fucking serious. You're mine , you are my girlfriend from now you like it or not." Nakatitig sya sa mata ko habang sinasabi yan

Ang lakas nanaman ng tibok ng aking puso napapalunok ako habang nakatitig rin sa kanya.

Nang magsasalita na sana ako ay inilagay nya ang daliri nya sa labi ko kaya naman napastop ako.

"Shhhh. Like what i said , you like it or not girlfriend na kita, kaya wala nang saysay kung tututol kapa" hinatak naman ako neto papalapit sa kanya napasinghap naman ako dahil sa bigla nyang pagkiss sa aking noo

"Wag kanang tumutol, swerte mo na nga at gwapo ang boyfriend mo" ngisi nitong sabi.

"Ang kapal mo-"napatigil ako nang bigla nya akong halikan sa labi

"Pumasok kana bago pa kita halikan ulit" ngising sabi neto kaya naman kahit gusto ko syang sigawan ay diko na ginawa

Dali dali naman ako lumabas ng kotse nya at derederetsong pumasok ng gate hindi ko na sya nilingon.

Pagpasok ko naman ng gate at narinig ko ang tunog ng kotse nya na paalis na.

Napasandal naman ako at napahawak sa aking labi habang ang lakas lakas ng tibok ng puso ko diko na namalayan na napangiti na pala ako

"Okay ka lang iha?" Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko at nakita ko si manang na may hawak ng gripo at dinidiligan ang mga halaman.

*End flashback*

Kinabukasan non ay hindi nya na ako tinantanan kahit na tumutol ako sa sinasabi nyang girlfriend nya ako ay wala rin nang yayari dahil para wala itong naririnig kaya naman hinayaan ko nalang ito

At dahil nga sa girlfriend na nga raw ako ni kiel ay lagi na magkasabay kumain ang mga malds at BWG sa tambayan nila

Dahil doon naman daw talaga sila kumain pero nang dahil daw sa akin ay inutusan sila ni kiel na mamalagi sa cafeteria tuwing nandoon ako

Kaya naman nagtanong ako kung bakit ,ipinaliwanag naman nila at inamin ni kiel na sya si kaki hindi nya lang raw masabi kaagad sa akin dahil natatakot sya na galit ako sa kanya dahil sa pagalis nya pinakita nya rin saakin yung kwintas na ibinigay ko sa kanya nung mga bata pa kami upang patunay na sya nga si kaki

Ilang araw ko syang di pinansin non hindi ako galit nagtatampo lang pero hindi nya ako tinantanan sinuyo nya ako hanggang sa mawala ang tampo ko

At nalaman ko rin na hindi naman pala talaga HRM ang course nila

Nakikisit in lang sila dahil nga raw nandoon ako kaya naman ngayon ay bumalik na sila sa kanila room na course ay business administration 4rth year na at dahil pinilit ko sila at ako daw ang boss nila ay sinunod nila ako

Sa loob ng 3mons ay marami talagang nangyari si kiel naman ay minsan sweet,malambing pero hindi talaga mawawala yung pagkamasungit nya.

"Hey! Are you okay? Kanina pa kita tinatawag nakatulala ka lang dyan" sabi ni kiel na inaalog pa ako na diko namalayang nandito na pala sya

"Stop! Nahihilo na ako!" Pagpigil ko sa kanya

Tumigil naman sya sa pag alog saakin pabuka na ang kanyang bibig nang bumukas ang pinto na nasa harap namin at lumabas don si kuya na nakatulala

"Kuya! Anyare? Kamusta?" Ano gender?" Derederetso kong tanong sa kanya pero nakatulala pa rin ito kaya naman sinampal ko ito ng di gaanong malakas

"Ouch! Ano ba len!" Napasigaw ito dahil sa pagkabigla sa pagkakasampal ko

"Para ka kasing tanga dyan na nakatulala nagtatanong ako!" Sigaw ko rin sa kanya

Nakita ko naman na yung ibang dumaraan ay napapatingin na samin at si kiel naman ay ngumingisi ngisi lang

"Di kasi ako makapaniwala len! Dalawa anak namin! Twin ang anak namin len! Isang lalaki at isang babae!" Sabi ni kuya na ngayon ay makikita mo sobrang saya talaga dahil sa kanyang nalaman

Nung nagbubuntis kasi si ate karla ay hindi ito nagpapaultra sound pag nagpapacheck up dahil gusto raw nila surprise.

Kaya pala ganoon nalang ang laki ng tiyan ni ate karla ay dahil sa kambal naman pala ang laman nito

"Congrats bro" rinig kong sabi ni kiel na ngayon ay tinatapik tapik sa balikat si kuya na akala mo magkasing edad sila

"Pwede naba namin sila makita kuya! Excited nako nakita mga pamangkin ko" tanong ko kay kuya dahil excited na talaga ako makita ang kambal

"Relax bunso, ililipat lang sila ng room at pwede na silang dalawin , puntahan ko muna ate karla mo dahil nawalan ng malay nang mailabas nya ang mga anak namin" paalam ni kuya na tinanguan ko lang habang nakangiti.

Maldita Meets Gangster(COMPLETED)Where stories live. Discover now