Lensy POV
Kinaumagahan ay nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha.
Teka? Idinilat ko ang isa kong mata upang tignan kung bakit may sikat ng araw na tumatama sa aking mukha.
Nakita ko naman na bukas ang aking bintana at nasa magkabilang gilid na ang kurtinang nakaharang dito.
Tuluyan na akong napadilat ng marinig ko ang boses ng aking kuya.
"Goodmorning bunso , breakfast in bed" nakangiting sabi ni kuya habang may bitbit na bed tray na may nakapatong na dalawang pinggan at baso yung sa isang pinggan ay may egg ,hotdog , bacon at sa kabila namn ay bread at ang laman naman ng baso ay milk.
"Ano meron kuya at may pa breakfast in bed kapa?" Nakangiti ring tanong ko kay kuya at sinimulan ng kumain.
"Pambawi lang ni kuya mo sayo yan bunso dahil sa pag comfort mo sa akin kagabi" nakangiti paring sabi ni kuya.
Ngunit kahit nakangiti ngayon si kuya ay kita parin sa mata nya ang lungkot.
"Nako kuya tigil tigilan mo ako sa kabaitan mo ah. Nasan na yung kuya kong malakas mang inis? Yung isip bata?" Pang iinis ko naman sa kanya upang kahit papano ay mawal ang lungkot nya.
"Nako ikaw talaga bunso kahit kailan hahaha" tumatawang sabi ni kuya at ginulo ang buhok ko bago magsalita ulit. "Sige na bilisan mo na dyan at mag ayos kana dahil may half day class kapa"
"Aga aga pa kuya. Nako don kana nga pumasok kana sa office kuya para naman ganahang na magtrabaho ang mga tao ron dahil makikita nila yung mukha clown" pang iinis ko sa kanya at dinilaan ko pa sya.
"Okay lang clown atlis hindi mukhang annabele hahahaha" tumawang sabi ni kuya. Yung tawa nya ngayon yung tawa masaya sya kaya naman napangiti na lang ako.
"Sge na bunso papasok na ako. Yung sabi mo ah tutulungan mo ako kay karla" tumayo na ito at lalabas na ng kwarto.
"Oo na kuya. Sige na babye ingat" humabol muna ito ng kiss sa pisngi ko bago tuluyang lumabas ng aking kwarto.
Pag tapos ko kumain ay naisipan ko naman na tawagan si ate karla dahil maaga pa naman ay may oras pa ako para makausap sya bago ako pumasok sa half class namin today.
Sa pang apat na ring ay sinagot na ni ate karla ang tawag.
[Hello?]
"Hello ate karla si lensy ito." Pag papakilala ko rito. Matagal na akong may number ni ate karla pero ngayon ko lang sya makakausap sa cp kaya naman malamang hindi naka save ang number ko sa kanya.
[Ikaw pala yan lensy. Oh bakit ka napatawag?]
"Ano kasi ate karla gusto sana kita makausap kung okay lang? Pwede ka po ba ngayong 10am?"
[Tungkol saan? Oo pwede naman ako]
"Basta ate maya ko nalang sabihin. Sa coffee shop nalang tayo ni kaila magkita ate 10am okay? Babye" diko na sya hinayaang makasagot ay pinatay kona agad ang tawag.
7:30 palang naman ng umaga kaya naman mag aayos na muna ako upang makapunta nasa meet up place namin ni ate karla
****
Papunta na ako ngayon sa coffee shop ni kaila. Dahil nandon na raw si ate karla.
Pagpasok ko sa shop ay nakita ko na agad sya na nakaupo sa pinakadulong pwesto, dumeretso naman ako ron at tinawag sya.
"Goodmorning ate karla" nakangiti kong bati rito at nakipag beso sa kanya.
"Goodmorning rin. Ano ba gusto mo pag usapan?" Hindi ko muna sinagot sya sinagot
Tinawag ko muna si mika upang umorder. Nang nakaorder na ako ay tumingin na ulit ako kay ate karla.
"Di na ako magpapaligoy ligoy pa ate karla. Alam ko na tungkol sa inyo ni kuya" kita ko naman na nagulat sya sa sinabi ko at napaubo sya dahil umiinom sya ng milktea ng sabihin ko iyon.
"Sinabi sayo ng kuya mo?" Kunot noong tanong nya.
"Oo ate at pati ang gusto mong pag papalaglag sa bata. Deretsuhin kita ate karla , hindi ako sangayon sa binabalak mong pagpapalaglag" iknow wala akong karapatan pero baka madaan ko sya sa mga ganyang salitaan tss.
"Lensy dimo kasi maiintindihan. Hindi pa ako handa maging ina ayoko pa." Malungkot nitong sabi saakin.
"Sana inisip mo yan bago ka nagpatira sa kuya ko. Idadamay mo yung batang walang kamuwang muwang sa mundo. Ano? ang bata ang sasalo ng kasalanan nyo? Edi sana gumamit kayo ng proteksyon kung dika papala handa" diko na naitago ang inis ko. Kahit mas matanda sya sa akin ay nakakalimutan ko na yon dahil sa sinasagot nya saakin.
"Usapan naman kasi namin ng kuya mo hindi nya ipuputok sa loob! Pero eto ano ngayon? Nakabuo kami dahil sa hindi nya pag ingat" naiinis narin nyang sagot sa akin.
"Oo may kasalanan si kuya pero may kasalanan karin at ang pareho nyong kasalanan ay wag nyo ipasa sa bata. Wag ang bata ang pagbuntungan mo ng katangahan nyo ni kuya! Tandaan mo laman at dugo morin yan kung ipapalaglag mo yang bata mas masahol ka pa sa mga murderer. Nandyan na yan ate karla tanggapin mo nalang dahil darating rin naman yung oras na mag kakaanak ka napaaga nga lang nagkasala na kayo ni kuya wag nyo nang dagdagan." nakita ko naman syang napaiyak dahil sa mga sinabi ko
kaya naman bago ako tumayo ay inabot kona sa kanya ang panyo ko at umalis na upang pumasok.
****
Nandito na ako ngayon sa room at wala akong sa mood makipag usap sa kahit kanino.
Napansin naman yun ng malds kaya naman hindi na nila ako kinulit dahil kilala nila ako pag wala akong sa mood gusto ko lang ay katahimikan.
"Congrats sa grupo 3 kayo ang pinaka maraming naibenta at natiman ko ang inyong luto hindi mapagkakailang masarap ito kaya naman kayo ang nakakuha nang pinaka mataas na score" naghiyawan naman yung lima dahil sa sinabi ng prof namin.
Napansin ko naman na wala si karl sa room pero sinawalang bahala ko nalang ito ano naman pake ko ron
Habang nag inaannounced ng prof namin ang mga score na binibigay nila sa amin ay naghihiyawan naman ang mga kaklase ko
Dahil sa naiingayan na ako bigla nalang ako tumayo at lumabas ng room hindi naman ako napansin ng prof namin dahil sa nagkagulo kong mga kaklase sya naka focus.
Habang naglalakad ako hindi ko alam bakit dinala ako ng paa ko ngayon rito sa rooftop kung saan ako dinala ni karl nung hinatak nya ako.
Pagpasok ko sa loob ng rooftop ay derederetso lang ako hanggang sa maupo ako sa gilid at sinandal ang aking ulo sa pader
Iniisip ko lang naman si kuya. Nasasaktan ako para sa kanya ilang araw ko na kasing hindi nakikita yung totoong ngiti ni kuya.
Sana naman matauhan si ate karla sa mga sinabi ko tss. Yung walang kamuwang muwang na bata pa ang ag bubungungan nya ng katangahan nila tss.
Nawala naman ako sa pagiisip ng biglang may nagsalita
"What are you doing here?" Nakita ko naman si karl na nakahiga habang yung kamay nya nakatakip sa mata nya
"Sinusundan mo ba ako?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Dahil sa tanong ko bigla itong umupo
Dahil sa pagupo nya nakita ko ngayon ang mukha nya yung buhok nya na magulo na mukhang bagong gising.
"Tss. Kanina pa ako rito. Baka ikaw sinusundan mo ako" nakangisi nitong sabi at lumapit sa akin.
"Asa kapal mo. Pwede ba wag ngayon wala akong sa mood" sabi ko rito at iniwas na ang aking tingin sa kanya.
Naramdaman ko naman na tumabi ito sa akin pero hindi sya nag salita.
Maya maya lang ay nakita ko na itong tumayo at lalabas na pero bago sya makalabas ay nagsalita muna ito.
"Everything will be alright" sa sinabi nito ay napatingin ako sa kanya nakita ko naman syang ngumiti sa akin bago tuluyang bumaba ng hagdan.
Natulala naman ako dahil sa pag ngiti nya. Yung ngiti nya na natural yung hindi ngisi.
Ang gwapo nya pala pag ngumiti hahaha pero hindi ko alam bakit biglang gumaan ang pakiramdam ko ng marinig ko yung mga salitang yon galing sa kanya.
YOU ARE READING
Maldita Meets Gangster(COMPLETED)
ActionIsang babaeng mala anghel ang mukha Maldita pero mabait Palaban pero maramdamin At higit sa lahat marunong makipag basag ulo. Pero pag nasa mood ang daldal at ang kulit at ang lambing ****** Isang lalaking gwapo Suplado , mainitin ang ulo , tahimik...