Chapter 37

34 2 0
                                    

Lensy POV.

nandito kami ngayon nang mga malds at ni hannie sa parking ng R.U dito kasi namin napagusapang magkita kita.

Ngayon araw kasi na ito ay birthday ni barbie at pupunta nga kami sa elyu sa resort na pag aari ata ng pamilya ni jastin.

2am ang usapan namin dahil ilang oras ang byahe pero 3:23 na ay wala pa rin ang mga lalaki at tinawagan nanamin ang mga ito pero wala ni isa sa kanila ang sumasagot

"4 pag wala pa sila, sa ibang paraan nalang natin i celebrate bday mo barbs." Si kaila ang unang nagsalita sa amin.

Dahil mula nang magkita kita kami ay tahimik lang kami hanggang ngayon at mukhang nahahalata naman ng mga ito ang pagkabadtrip ko.

Ayoko sa lahat yung pinaghihintay. At ayokong masira ang plano para sa bday ni barbie tsk.

Nakasandal ako sa kotse ko at naka cross arms na nakatanaw sa gate kung saan pasukan ng mga sasakyan papunta rito sa parking.

Mayamaya lang ay may natatanaw na akong van na paparating sa pwesto namin at huminto sa harapan namin.

Pagbukas ng pinto ang unang bumaba  ay si jonas na sinundan ni james at doon sunod sunod na silang bumaba at ang huli ay si karl na papalapit na sakin na napapalunok pa.

"Love." Tawag nito sa akin pero diko ito sinagot at hindi gumagalaw sa pwesto ko.

Kung ano ang itsura ko nang bago pa ang mga ito dumating ay ganun pa rin ang itsura ko.

"Bakit ngayon lang po kayo?" Tanong ni hannie sa mga ito pero hindi ito mga sumagot kaya naman nagsalita si shane.

"E bakit van ang dala nyo? Akala ko ba kanya kanya?" Tanong ni shane sa mga ito na sinagot naman ni felix.

"Hindi na. Naisipan kasi ni karl na mas maganda kung iisang sasakyan nalang ang dala para sama sama tayo." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Lumingot ako kay karl at tinanong ito.

"What happened?" Umiling naman ito.

"Nothing. And I'm sorry kung late kami , nalate mga magising." Tinitigan ko ito pero hindi ko sya mabasa.

Ang hirap basahin ng mga mata nito, kaya tumango nalang ako kahit pakiramdam ko ay nagsisinungaling ito.

Bago ako magumpisa maglakad ay pinindot ko muna ang lock ng kotse ko bago ako pumasok sa loob ng van.

Pag pasok ko ay nag si pasukan narin ang mga ito, ang pwesto ko ay sa likod na tinabihan naman ni karl at si zack naman ang magda drive.

Kinuha ko ang airpods ko sa bulsa ko tsaka ito isinulpak sa tenga ko.

Naramdaman ko naman na umusog pa papalapit saakin si karl at tsaka nito kinuha ang kamay ko at pinagsaklop ito.

Hinayaan ko nalang ito, humarap ako sa bintana at tumingin nalang sa labas habang nakikinig ng music.

Maya maya lang ang may kumakalabit sa akin kaya nilingon ko ito at mukha ni karl na nakasimangot ang bumungad sakin.

Tinanggal nito ang isang airpod ko tsaka ito nag salita.

"Are you hungry?" Malambing ns tanong nito sa akin.

"No." Maikling sagot ko rito tsaka kinuha sa kamay nya ang airpods ko tsaka muling sinuot.

Hindi naman ito na ngulit pero hawak parin nito ang kamay ko na pinipisil pisil nya.

Maya maya lang ay umistop ang kotse sa harap ng jollibee at bumaba ang mga babae.

Tinanggal ko ang isang airpods ko nang nakita kong kinakausap ako ni hannie

"Ate dika sasama? Bili tayo foods. 3hrs na tayong bumabyahe wala pa po laman tiyan natin." Pag aaya nito sa akin.

Nilingon ko naman si karl na ngayon ay tulog kagaya ng iba pang lalaki. Halata mo sa mga ito na walang nga tulog ang mga ito nung dumating sila kanina.

Tumango nalang ako kay hannie at dahan dahan bumaba para hindi magising ang mga ito pero pababa na ako ng may humawak sa kamay ko.

"Where are you going?" Tanong sa akin ni karl na halata mong inaantok pa dahil hindi pa nito maidilat ng maayos ang mata nito

"Bibili lang. Matulog kana lang muna dyan." Tinanggal ko ang kamay nya na nakahawak sa kamay ko tsaka nagumpisang maglakad.

Pagpasok naming lima sa loob ng jollibee ay pumunta ang mga ito sa pila kaya naman ay sumunod ako rito

"Ano bibilin natin sa mga yon?" Pag tatanong ni kaila.

"Ano kayang pinag gagagawa ng mga iyon at parang puyat na puyat" pag tatanong rin ni barbie na pinagkibit balikat lang namin.

"Chicken spag , fries and burger nalang bilin nyo sa mga yon. Sakin 2burger , regular friest at 3pcs peach mango pie lang." Sabi ko sa mga ito na tinanguan naman ni shane dahil sya ang oorder.

"Sakin ate shane. Kagaya nalang kay ate len." -hannie

"Me too"- kaila/barbie.

"9pcs chicken spag , 17pcs regular burger , 13pcs reg fries lahat ng drinks gawing cokefloat" pag oorder ni shane at nag abot dito nang 3 thousand

"The total is 2,161 and i received 3 thousand ma'am, your change is 839. This is your number please wait."

Inabutan naman ito nang number at sinuklaan , kaya naman ay nag hanap kami ng pwesto at nakakita kami malapit sa pinto kaya roon kami pumwesto.

Tanaw ko kung sino ang mga pumapasok nang makita ko si karl at felix na pumasok at palinga linga na may hinahanap.

Nang dumapo ang paningin ni karl sa akin ay naglakad ito palapit sa akin , pagkalapit nya ay kumuha ito ng bangkuan at tsaka ito idinikit sa pwesto ko at naupo ,  sa kabilang mesa sya kumuha na wala namang nakapwesto.

Ganun din ang ginawa ni felix.

"Why are you so long?" Tanong ni karl sa akin na ngayon ay humihikab pa

"Kita mo naman oh haba nang pila." At tinuro ko rito ang mahabang pila.

"Are you mad?" Napalingon naman ako rito dahil sa tanong nya.

"Bakit naman?" Balik na tanong ko rito.

Hindi naman ako galit. Nainis lang ako tsaka nawalan ng sa mood pero siguro mamaya babalik rin naman ito

"You're ignoring me" simangot na sabi nito.

"Nah. I'm not." Nangalumbaba naman ito sa lamesa at tumingin saakin.

"Look ,Your cold." Tumingin ako kala barbie na ngayon ay nakatingin lang kay karl at mga nakanganga pa ito

"Pasukan ng langaw bunganga nyo." Sabi ko sa mga ito na agad agad naman sinarado ang mga bunganga

"Ang cute mang lambing ni karl" nakangiting sabi ni kaila.

"Nawawala talaga yung nakakatakot na awra ni karl pag ikaw ang kaharap len" dahil sa sinabi ni barbie ay napaayos ng upo si karl at pinaseryoso nanamn ang mukha.

Wala nang nagsalita saamin nang dumating ang crew ng jollibee dala ang order namin.

Pagbukas namin ng van ay tulog pa rin ang mga unggoy kaya naman ay hinarap ko si karl

"Ano ba pinag gagagawa nyo kagabi?" Inis na tanong ko rito.

"Wala. Malay ko sa mga iyan." Hindi ito tumingin sa mata ko , napa tsk nalang ako tsaka na pumasok sa van.

Si felix na ngayon ang mag dadrive dahil tulog si zack nang pagbalik namin.

Maldita Meets Gangster(COMPLETED)Where stories live. Discover now