Chapter 46

38 2 0
                                    

Lensy POV

Ngayong araw ay ang graduation ng mga BGW kaya naman ay maaga akong naligo upang masaksihan ko kung papaano gumaraduate ang mga lokoloko baka kasi nananaginip lang ako.

Pagkababa ko ng hagdan ng bahay namin ay nakita ko ang tatlong malds na nakaupo sa sofa at mga kumakain pa ito ng cookies

"Ang bagal mo len." Sabi ni barbie na ngayon ay sinusubo ang last na pirasong cookies

"Tara na baka dipa natin masaksihan kung paano mabigyan ng diploma ang mga unggoy" sabi ko sa mga ito na ikinatawa naman nya.

Pagkarating namin sa school ay marami ang nga tao ngayon nandito rin ang mga magulang ng mga gagraduate syempre mga proud

Kahit ang mga magulang ng bgw ay nandito mga proud na gagraduate ang mga anak nila kahit mga siraulo ito hahaha

Isa isa nang tinawag ang mga ito at nang si nath na ang tinawag pag kaakyat nito sa stage ay biglang may tumugtok na 'doggie song' kaya naman ay nagulat ang mga tao at natawa dahil biglang sumayaw si nath hahahaha

Nang sumunod ay si james na ngayon ang sinasayaw ay 'mariki dance' , ano kaya pumasok sa mga kokorte ng mga ito at naisipan nitong mga ito sumayaw hahaha

Halos lahat kami ay tumatawa dahil sa kabaliwan ng mga ito nang pangalan na ni karl ang next ay tumayo na ako upang ako.

Ako kasi ang kukuha ng diploma nito dahil ito ang request nila tita upang maging masaya daw ang anak nila kahit wala ito rito.

Nakita ko naman na vinivideohan nila ako naiilangman ay dumeretso parin ako para naman ito kay karl

"Etong diploma na ito ay para ito sa taong mahal na mahal ko , hindi man sya ang nakatayo rito ngayon upang kunin ito pero nandito naman ako para kunin ito para sa kanya , ipinagmamalaki ko ang boyfriend ko na iyon na kahit suplado , masungit , at masyadong tahimik pero may tinatago palang kasweetan , masaya ako na kahit gago sya tarantado sya still naka graduate pa rin sya at sa mga taong nagmamahal sa kanya maraming salamat sa inyong lahat"

Nanghiyawan naman ang mga tao at nagtawanan dahil sa sinabi ko, wala naman talaga dapat na speech pero eto raw ang request ng mga tao kaya naman napasalita ako sa harapan.

Bababa na sana ako ng stage nang sumigaw si nath

"Teka madaaaam , wag ka munang bumaba kailangan mo sumayaw" ngumiti ito nang nakakaloko saakin.

"Are you serious?!" Nanlalaki ang matang tanong ko rito na tumango tango naman ito.

"SASAYAW NA YAN! SASAYAW NA YAN!"  Sigaw nang mga BGW kaya naman ang ibang studyante na gagraduate din ay nakisigaw narin.

Napahampas nalang ako sa noo ko at tinignan ng masama ang mga ito tsaka muling bumalik sa gitna nang stage.

"Wala akong naihandang kanta pang sayaw para dito!" Medyo gigil na sabi ko kay nath

"Don't worry madam kami na ang naghanda hahahaha" kumindat pa ito sa akin at nagtawanan sila kaya naman wala akong nagawa.

Bigla nalang tumunog ang kanya at napamura nalang ako dahil dito , kinginang yan ang hinanda nilang kanta at gangnam style na mashup sa spaghetti dance!

Sinayaw ko nalang ito at nang matapos ay nagpalakpakan ang mga tao.

"TANGINA MADAM MAY TINATAGO KA PALANG TALENT!" - jonas.

"SAYANG WALA SI BOSSING RITO HAHAHAHA" -nath

"Mga gago!" Pinagbabatukan ko ang mga ito nang makababa ako ng stage

"Sino nakaisip nang kalokohang ito?" Pinaseryoso ko ang mukha ko upang matakot ang mga ito.

Gusto kong matawa nang magturuan ang mga ito.

"Hahahaha para kayong mga tanga, niloloko lang kayo nyan ni lensy masyado kayong mga nerbyoso hahahaha" natatawang sabi ni kaila sa mga ito.

"Hay, tara na nga madam puntahan na natin si bossing at doon tayo mag celebrate." Tumango ako sa mga ito at nagpaalam muna sandali upang lapitan ang magulang ni karl

"Lensy , thankyou so much alam kong magiging masaya ang anak ko dahil sa ginawa mo ngayon." Sabi ni tita sa akin.

"Nako wala pa po iyon kumpara sa nagawa sakin ng anak nyo" nakangiting sabi ko rito.

Ngumiti sakin si tito at niyakap ako.

"Ngayon alam kona kung bakit ayaw ka talaga pakawalan nang anak ko hahaha" dahil sa sinabi ni tito ay nag tawanan kaming apat kasi nasa tabi nila si hannie na niyakap rin ako.

Nagkaayaan na kami na dalawin na si karl dahil wala itong kasama.

Isang bwan na mahigit magmula nang macomatose ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito gumigising.

Pinauna kona muna sila tita na pumunta sa room ni karl dahil bibili muna ako ng cake rito.

Nilakad ko nalang ito dahil malapit lang naman ito sa hospital.

Pagkatapos ko bumili ay bumalik na ako sa hospital at naabutan ko ang mga unggoy na nagiingay ay may mga hawak pa itong alak.

Kinuha ko ang paperbag na kung saan nakalagay ang togang kaninang sinuot ko nung umakyat ako sa stage.

Dinala ko ito sa nurse na lalaki , ito kasi ang nagpapalit ng suot ni karl araw araw.

Inabot ko rito ang paper bag at sinabing isuot ito kay karl , ngumiti naman ito saakin at tskaa sumabay na saakin papuntang room ni karl

"Mga unggoy labas muna tayo. Papalitan lang nila si karl" sabi ko sa mga ito kumunot man ang mga noo neto pero sumunod pa rin.

Pagkalabas ng nurse sa room ni karl ay kanya kanya nang pasok ang mga ito at ako ay nagpasalamat muna sa nurse at sinabing bumalik sya mga 1hr ago para palitan muli si karl

"Tangina ang pogi ni bossing kahit na tulog ito" -james

"Bagay pala kay bossing ang toga sana yan nalang lagi suot nya" sabi ni nath kaya naman binatukan ko ito hahaha.

Pumasok naman ang magulang ni karl at si hannie dahil umalis raw ang mga ito sandali sabi nila felix nung bumalik ako.

"Wow. Ang pogi ni kuya" namamanghang sabi ni hannie.

"Tita,tito pwesto po kayo sa tabi ni karl picturan ko po kayo." Nakangiting sabi ko rito.

Dali dali naman itong lumapit kay karl at pumwesto na upang picture-an ko

Nang natapos ay pinasama ko na rin si hannie upang may family picture sila.

"Len si jonas ang pagpicture-in mo at sumama ka samin dito" sabi ni tita kaya naman inabot ko kay jonas ang camera tsaka pumwesto sa tabi ni karl.

Bigla naman may bumukas ang pinto at niluwa nito sila mom and dad.

"Mom , dad ginagawa nyo po rito?" tanong ko sa mga ito , 2weeks na ang nakakalipas nang dumalaw sila kay karl dahil busy rin sila sa business namin.

"Syempre graduation ng mahal ng anak namin kaya kailangan nandito rin kami." Dahil sa sinabi ni mom ay napangiti ako , na touch ako dahil napaka supportive nila saakin.

"Oh tito pwesto na rin po kayo ron para happy family na talaga haha" dahil sa sinabi ni shane ay nagtawanan kaming lahat

Pumwesto narin naman sila daddy sa tabi ko tsaka kami kinuhanan ng picture , pagkatapos namin ay ang mga lalaki naman

Muli nilang sinuot ang mga toga nila tsaka sila lumapit kay karl at tsaka namin pinicturan.

"Bro gumising kana dyan, masyado kanang nasasarapan dyan" natatawang sabi ni felix pero kita sa mata nito ang kalungkutan.

Hindi rin naman nagtagal ang magulang ko ay umuwi rin ito agad pagtapos namin magkainan dito , sila tita naman ay ibinilin nalang saakin si karl at hannie dahil kailangan narin sila sa kumpanya

Habang ang mga unggoy naman at malds ay naglatag ng mga maninipis na kama dahil dito nila naisipang natulog.

Si hannie ay sa sofa nila pinapwesto upang tulugan nito , ang sofa kasi na naririto ang pahaba at malapad kaya hindi mahihirapan si hannie.

Kahit mga puro kalokohan ang mga nasa isip ng mga ito mga gentleman pa rin naman ang mga ito , napangiti nalang akong pinagmamasdan silang lahat.

Maldita Meets Gangster(COMPLETED)Where stories live. Discover now