Lensy POV
Pinagmamasdan ko ngayon ang nakapikit pa ring karl na hanggang ngayon
Ang mga malds ay nasa school at ako ay nandito sa hospital , hindi ako pumasok dahil nagsasawa na ako sa mga paulit ulit na naririnig ko sa mga tao sa school
Hindi gaya rito ay peaceful lang at kasama ko pa si karl kahit na wala itong malay
Busy ako sa paghihiwa nang apple nang tumawag saakin si shane.
[Len pumasok ka ngayon sa school bilis] bungad na sabi ni shane pag kasagot na pag kasagot ko nang tawag nya
"Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong ko rito , tatlo silang may alam na ayoko munang pumasok ngayon kaya nakakapag taka na pinapapasok ako nito ngayon
[Basta pumunta kana lang rito sa school bilisss] Hindi na ako nito hinintay makasagot at pinatay na ang tawag
Pinag patuloy ko nalang ang paghihinay at hindi pinansin ang sinabi ni shane
Maya maya lang ay pumasok si hannie rito sa room ni karl na hingal na hingal
"Ate , ate hah hah hah" habol na hingi nito kaya sinenyasan ko ito ng relax lang sya
"Ate kailangan mo pumunta sa school ngayon , ako na muna magbabantay kay kuya" sabi nito nang makabawi sa pagkakahingal
Kinunutan ko naman ito nang noo at tsaka tumango nalang at tsaka na ako umalis
Pagkapark na pagkapark ko palang nang kotse sa loob ng University ay lumapit na agad ang tatlo na mukhang kanina pa ako hinihintay
"Teka nga , ano ba talaga nangyayari?" Takang tanong ko sa mga ito
Ngunit parang mga tanga lang ito na nakangiti.
"May goodnews kami sayo , taraaaa" pag kasabi ni kaila nyan ay hinatak na ako ng mga ito papunta sa court.
Pag pasok namin sa court ay maraming tao na ngayon ay nakatingin na sa amin
Pumunta kami sa gitna kung saan may apat na upuan , ayoko sanang umupo nang sapilitan ako iupo ni barbie at naupo narin silang tatlo sa tabi ko
"Ano ba talagang nangyayari?" Bulong na sabi ko kay shane dahil ito ang nasa kaliwa ko
"Panoorin mo nalang." Nakangiti nitong sabi saakin
Napatingin ako sa harap namin nang biglang mag si luhod ang lahat at nakayukong nagbibigay galang sa akin , napauwang ang bibig ko nang dahil sa ginawa nila
"TEKA! BAKIT KAYO NAGSISILUHOD??" sigaw na sabi ko upang marinig ng mga tao rito sa court.
"Humihingi kami ng kapatawaran sa nagawa namin sayo Lensy , ipagpaumanhin mo ang aming nagawa sa iyo." Sabi nang babaeng may hawak pa na mic
"Wala naman kayong kasalanan ah? Mag si tayo nga kayo." Dahil sa sinabi ko ay nagsitayuan naman agad ang mga ito
Tumingin ako sa mga kaibigan ko na nagtatanong na tingin pero nag kibit balikat lamang ang mga ito
"Humihingi kami nang kapatawaran sa paghusga sa inyo , sa pananakit sayo sa pag pupukol sayo ng mga itlog. " Nag ingay naman ang mga tao sa court at nagsisisigaw ng salitang 'Sorry'
"Oo nasaktan nyoko pero hindi nyo kailangan mag sorry sa ganyang pamamaraan! Hindi ako diyos para sambahin nyo nang ganyan sa pag hingi lamang ng kapatawaran. Tsaka pano nyo nalaman ang totoo?" Tanong ko sa mga ito.
"Grabe mali talaga sayo nang pagkakahusga sa kanya"
"Akala ko sobrang sama nya pero hindi naman pala"
YOU ARE READING
Maldita Meets Gangster(COMPLETED)
ActionIsang babaeng mala anghel ang mukha Maldita pero mabait Palaban pero maramdamin At higit sa lahat marunong makipag basag ulo. Pero pag nasa mood ang daldal at ang kulit at ang lambing ****** Isang lalaking gwapo Suplado , mainitin ang ulo , tahimik...