Chapter 17

49 3 0
                                    

Lensy POV

Tapos na kaming kumaing mga babae at ang mga lalaki ay kakasimula palang dahil kakarating lang ng inorder nila

Patayo na sana ako upang ayain na umalis ang mga kababaihan ng pigilan ako ni karl at pinaupo ulit.

"Stay. eat this." seryosong sabi nya habang nilapag sa harap ko ang kanin na may kasamang adobong baboy

"Ha? Pero tapos nako kumain" takang tanong ko sa kanya at pinagkunutan ko sya ng noo.

"Tsk. Just eat." Seryosong sabi parin neto na ngayon ay nakatitig nasakin.

"Lakas ng tama mo sabi na ngang tapos nako kumain! Anong trip yan kiel?" Tila natigilan naman ito sa aking sinabi na parang may sinabi akong nakakagulat

"What did you call me?" He ask. Ano nanaman kaya trip neto? Kanina pinapakain ako ngayon naman tinatanong kung ano tinawag ko sa kanya

"Yung totoo kiel naka shabu kaba? Kung mantitrip ka wag ako wala akong sa mood" tatayo na sana ulit ako ng hawak nanaman sya ako at pinaupo

"Kainin mo sabi yan e! Nabusog kaba sa kinain mo kanina ha? Chicken w/ rice na iilang kutsra!" Nagulat naman ako sa bigla nyang pagsigaw at natulala ako dahil ngayon lang ata na mahaba ang sinabi nya

Kaya naman di nalang ako nakipag talo at kinain nalang yung binigay nyang pagkain dahil gutom pa rin naman ako

Nung nakita nyang kumakain na ako kumain narin sya.

Nakita ko naman mga tingin sa akin ng mga kaibigan ko at mga nakangiti pa na nangiinis inirapan ko nalang sila

At ng muli ako tumingin kay kiel ay nakita ko naman itong titig na titig kay hannie kaya naman dinako nakatiis ay nagtanong na ako

"May problema kaba kay hannie? Kung makatitig ka para mong lalamunin ng buo" dahil sa sinabi ko ay naagaw pansin ko ang mga taong tahimik na kumakain sa lamesa naito

"Tsk." Yan lang ang sinagot nya saakin at tumingin ulit kay hannie. kumunot naman ang noo ko dahil sa ginawa nyang pag abot ng pagkain dito.

"Here. Eat this woman" titig na titig parin sya kay hannie habang sinasabi yan.

"Ah eh nako kuya karl wag na po hehe kahiya po" naiilang na tumingin saamin si hannie na seryoso ko lang naman tinignan

Ang mga reaction naman ng mga babae ay nagtataka samantalang ang mga lalaki ay parang wala lang sa kanila ang ginawa ni keil

Masamang tingin lang ang isinagot ni kiel kay hannie kaya naman ay napilitan itong kunin at kainin.

Nang matapos na kaming lahat ay sabay sabay na kaming lumabas ng cafeteria at pumasok sa room.

Nagtataka ako bakit HRM ang mga kurso ng mga to samantalang di naman marurunong magluto at walang alam sa kusina.

Habang nag didiscuss ang prof ay biglang tumunog ang aking cellphone kaya naman napalingon saakin ang mga kaklase ko at aking prof

"Ms. Sebañya any problem?" Tanong ng prof sa akin

"Can i excuse for a while?" Tanong ko sa prof namin na tinanguan lang naman ako kaya naman lumabas na ako upang sagutin ang aking cellphone

"Kuya?" Sabi ko pagkasagot ko ng tawag

[Hi hello] sagot nang nasa kabilang linya. Tinignan ko ulit kung sino ang tumawag nakita ko naman ay number ni kuya pero bakit iba ang boses ng sumagot?

"Ah hello bakit nasayo phone ni kuya?" Takang tanong ko sa kanya

[Eh miss may nakaiwan kasi ng wallet and phone dito sa restaurant and number mo una kong nakita sa call log's kaya ikaw ang tinawagan ko para sana maibalik sa may ari ] Pag papaliwanag nito sa akin

"Ah ganon ba. Okay pakisend nalang saakin yung address ng restaurant daanan ko nalang mamaya pagtapos ng klase ko thankyou"pagkasabi ko non ay nagpasalamat lang ulit ako at binabaan kona sya

Mayamaya lang ay may nagtext saking number lang at adress ng restaurant ang laman ng text message kaya naisip ko na baka ito na ang pinang gamit na text dahil may password cellphone ni kuya

Pumasok na ako sa room at nakinig nalang sa sinasabi ng aming prof.

××××××

Pagkatapos ng klase ay binalingan ko ang 3malds

"Mga maldita mauna na ako dadaanan ko pa sa restaurant yung naiwan ni kuyang cellphone at wallet" pag papaliwanag ko sa kanila.

Tumango naman sila at isa isang bumeso sakin at nagpaalam na ako sa kanila

"Una na ako, ingat kayo sa pag drive okay babush" diko na hinintay pa na makasagot sila ay tuluyan nakong lumabas ng class room at dumeretso sa parking lot

Pasakay nako ng kotse ng makita ko si kiel na may kausap na babae napatigil ako sandali at pinagmasdan sila ngunit di ako natutuwa sa nakikita ko dahil ngumingiti si kiel dun sa babae na diko makita ang mukha dahil nakatalikod pero parang pamilyar yung likod nya

Diko nalang pinansin at sumakay nako ng tuluyan ng kotse dahil baka tuluyan lang masira ang mood ko pag nagtagal pa ako ron.

Habang nag dadrive napaisip naman ako bakit nga ba ako naiinis? Bakit nga ba masisira mood ko. Ano naman kung may kausap syang babae at napapangiti pa sya? Bakit nga ba hays

Pagkarating ko sa restaurant ay nagpark lang ako at pumasok na sa loob.

"Hello ma'am, reservation po?" Magalang na tanong saakin ng babae

"No. Hmm may kukunin lang sana ako na naiwan ng kuya ko saan ko kaya pwede to kunin?" Pagtatanong ko sa kanya dahil diko naman talaga alam kung saan o kanino ko kukunin

"Ano po ang naiwan ma'am?" Magalang na tanong pa din nito sa akin.

"Wallet and phone. May tumawag saking lalaki at kunin ko nalang daw dito" nangunot naman ang noo nya ng sinabi kong may tumawag saking lalaki.

"Lalaki ma'am? Wait ma'am pagtanong ko lang po ah" ngiti lang ang sinagot ko dito at umalis naman ito upang siguro magtanong

Maya maya lang ay bumalik na ang babae na nakangiti sa akin.

"Dun nalang daw po sa office room ma'am, this way po" sinundan ko nalamang sya upang matapos na dahil gusto gusto ko nang umuwi.

"Sir nandito na po si ma'am na kukuha ng naiwan na phone at wallet" bungad nito sa lalaking nakayuko pagpasok na pagpasok palang namin

"Okay anna thankyou" tumingin na ito ngayon sa amin at ngumiti sya dun sa tinawag nyang anna na sa tingin ko ay kinilig dahil sa pag ngiti nito

"Okay sir work na po ako hihi" kinikilig pang sabi nito bago umalis. Napailing nalamang ako dahil sa kilos nya.

Diko naman sya masisisi gwapo naman kasi itong sir na tinatawag nya na sa tingin ko at may ari nitong restaurant dahil sa kanya ayos at pananamit.

"Pwede kona ba makuha ang gamit ng kapatid ko?" Seryosong sabi ko dahil wala talaga akong sa mood at gusto konang umuwi.

"Yeah sure. Eto oh" nakangiti nyang inabot saakin ang gamit ni kuya kaya naman ngumiti na maliit na balik ko sa kanya.

"Thankyou so much. Can i go now?" Tanong ko dahil ang rude naman kung aalis nalang ako bigla pagtapos nya ibalik gamit ni kuya.

"Sure miss?" Nakangiting tanong nya. Ang sayahin naman netong tao na to panay ngiti.

"Lensy. I have to go , again thankyou." Ngumiti lang ako at tumalikod na at umalis na.

Pagkauwi ko nang bahay ay wala nanaman sila mommy kaya si manang ang sumalubong sa akin nag mano lang ako at dumeretso na sa kwaro upang makapag pahinga na.

Maldita Meets Gangster(COMPLETED)Where stories live. Discover now