Lensy POV
Pauwi na ako galing sa school at ngayon ay nag dadrive ako ng biglang mag ring ang cellphone ko.
Si kuya ang tumatawag kaya naman kinonek ko muna ang airpods ko sa cp bago sagutin nag tawag ni kuya.
"Hello kuya" paunang sabi ko pagkasagot ko ng tawag nya.
[Anong oras ka uuwi bunso? Ate karla mo kasi gusto ka nanaman makita] sa tingin ko ay nakabusangot nanaman ng mukha nito ni kuya hahaha
"Pauwi na. Malapit nako wait nyo nalang ako sige na babye" pinatay ko na ang tawag at nag focus nalang sa lag dadrive
Diko pa nga pala naikekwento sa inyo na ayos na si ate karla at kuya. Nung araw na kinausap ko si te karla ay hindi ko alam na nakasunod pala sakin si kuya
Kwinento lang sakin ni kuya na makita nyang nakaalis na raw ako ay nilapitan nya raw agad si ate karla
Pag lapit nya raw kay ate karla subalit na magulat ito dahil nandon sya ay sya pa daw nagulat ng bigla nalang raw syang yakapin nito at paulit ulit ng sorry kaya nung araw na yon nagkaayos sila
At isang buwan lang ang nakalipas ay nagpakasal na sila dahil gusto ni ate karla kahit di nya pa gaanong kamahal si kuya ay maikasal na sya rito hanggat dipa raw malaki ang tiyan nya syempre yung kuya ko naman sobrang saya.
Syempre masaya rin ako dahil masaya na si kuya ngayon sa bago nyang pamilya kahit na minsan ay wala na syang oras sa amin okay lang as long as masaya sya masaya narin ako para sa kanya
Kakapark ko lang ng kotse ko sa garahe namin pagkalabas na pagkalabas ko palang ng kotse nagulat ako ng biglang may humatak sakin at pinagkukurot ang pisngi ko
"Ouch masakit ano ba" sa sobrang gulat ko at diko namalayan na nasigawan ko pala si ate karla.
Nakita ko naman si ate karla na ngayon ay nabigla sa pagsigaw ko at maluha luha na ang mata.
Patay yari! Sensitive nga pala ito magbuntis.
" Bunso! Bat sinigawan mo ate mo?" Si kuya na ngayon ay lumapit na kay ate karla at niyakap to. Dahil sa ginawa nya ay tuluyan na talaga umiyak si ate.
Hindi ko naman pinansin si kuya at lumapit nalang kay ate.
"Ate sorry nabigla lang ako wag kanang umiyak akala ko kasi kung sino lang yung nangurot sa akin e" pag hihingi paumanhin ko rito upang tumigil na s pag iyak
Arghh. Sana naman pag nagbuntis akl hindi ako maging ganto ka sensitive tss.
"Hindi mo na ba kami mahal ng anak ko len? Sinisigawan mo na ako huhuhu" damn! Mas lalo pang lumakas ang iyak nito. Diko na alam ang gagawin kaya isa nalang ang naiisip ko para mapatahan to.
"Ate kurutin mona ako. Hindi ako aaray promise dirin ako sisigaw" bigla naman nagliwanag ang mukha nito at ngumiti sakin ng pagkalaki laki
"Talaga? Payag ka kurutin ko pisngi mo?" Kumikislap pang sabi nito. Tumango nalang ako bilang pag sang ayon sa sinabi nya
Dali dali naman nitong hinawakan ng pisngi ko at pinang gigilan kahit nasasaktan ay tiniis ko nalang. Ano ba naman tong pisil sa pisnge kumpara sa ilang beses na nataganggap ko tss
Nakita siguro ni kuya na sobrang pula na ng pisngi ko kaya naman inawat nya na si karla.
"Hon tama na na yan tignan mo oh sobrang pula na ng pisngi ni lensy. Sige ka baka sa susunod hindi na mag papisil sayo yan" dahil sa sinabi ni kuya ay napatigil naman ito sa pang gigigil sa akin
Kaya naman ginalaw galaw ko ang pisngi ko upang mawala ang sakit.
"Hala sorry lensy masakit ba? Ito kasing si baby gusto yung pisngi ng tita nga e" ngusong sabi ni ate kaya naman napangiti ako at sinabing okay lang.
"Pag yang anak natin naging maton dahil kay lensy mo pinaglilihi nako sinasabi ko sayo hon- " sinamaan naman sya ng tingin ni ate lensy dahil nilalait ako nito kaya kamot kamot ulo si kuya habang tinuloy ang sinabi.
"Sinabi ko sayo hon maganda yang anak natin mana sa tita diba lensy" pag hingi na nito ng tulong sakin dahil di parin inaalis ni ate yung masama nyang tingin kay kuya
"Hindi ate. Si kuya oh nilalait ako" pinalungkot ko pa yung mukha ko kaya naman si kuya yung mukha nya ay dimo alam kung natatae oh ano hahahhaa
kaya naman nag paalam na ako kay ate karla na papasok na muna sa loob at sya na bahala kay kuya hahahaha
"Bye kuya yari ka hahahaha" bumulong muna ako kay kuya at binelatan to bago ako pumasok sa loob
***
7pm na nang maisipang kong bumaba upang sumabay sa kanila ng hapunanDahil dito raw maghahapunan sila kuya bago umuwi sa bahay nila na regalo ni tito mike sa kanila
Pag baba ko ay nakita ko na nakaupo na silang lahat at ako nalang ang kulang. Si mommy ang unang nakapansin sa akin
"Oh lensy buti at bumaba kana ipapatawag na sana kita kay manang e" sumandok naman si mommy ng ulam at nilagay ito sa pinggan ni daddy. Napangiti naman ako sa aking nakita
Ganon din si kuya kay ate karla kita mo na alagang alaga nya talaga si ate.
"Kuya bakit hindi nalang kayo rito matulog ni ate? Gabi na kung uuwi pa kayo pag tapos natin kumain , baka mahamugan pa yung magina mo" sabi ko rito na hindi tumitingin dahil busy ako sa kinakain ko.
"Oo nga naman renz tama kapatid mo dito na kayo matulog" dahil sa sinabi ni mommy ay wala nang nagawa si kuya at ate.
Si daddy naman ay nagkibit balikat lang. Pag tapos namin kumain ay umakyat na ulit ako at ganon rin sila kuya.
Hindi naman namin ginagalaw ang kwarto ni kuya kaya kahit kailan nilang gusto matulog rito ay may matutulugan sila.
Nakaupo ako ngayon sa kama at naisip ko yung sinabi ni karl na kung ano ba yung kailangan ko malaman soon? Na kucurious ako kung ano ba yon.
Sa sobrang pag iisip ko ay hindi kona namalayan na nakatulog na pala ako.
YOU ARE READING
Maldita Meets Gangster(COMPLETED)
ActionIsang babaeng mala anghel ang mukha Maldita pero mabait Palaban pero maramdamin At higit sa lahat marunong makipag basag ulo. Pero pag nasa mood ang daldal at ang kulit at ang lambing ****** Isang lalaking gwapo Suplado , mainitin ang ulo , tahimik...