Chapter 9

56 2 0
                                    

Lensy POV

Sa ngayon ay nandito kami sa tabi ng puno dito namin naisipang pumwesto upang hindi masyadong mainit. Naglagay lang kami ng mesa at doon namin pinatong ang mga paninda namin

Ilan palang ang nabebenta namin dahil sa parang natatakot lumapit ang iba dahil sino nga naman ang hindi matatakot kung tatlong lalaking nakabusangot ang mukha at grupo ng Black Wish Gang ang nandito.

Kaya naman ngayon ko gagawin ang kanina ko pang naiisip*smirk*

"Shane sumigaw ka ng kung sino bumili ng tatlo libreng kiss sa tatlong to at picture na rin" pabulong kong sabi.

"Ha? Eh baka naman magalit yung tatlong yan sa atin?" Kumakamot pa ito sa ulo

"Hindi yan. Akong bahala Go!" Bago sya sumigaw ay tumingin muna sya sa tatlong lalaki at napabuntong hininga.

"GUYS KUNG SINO BUMILI NG TATLONG PIRASO NG CUPCAKES AND SPAGHETTI AY MAY LIBRE KISS AT PAPICTURE SA TATLONG LALAKI NA ITO" at tinuro nya ngayon yung tatlong lalaki na mukhang gulat na gulat naman sa sinabi nya.

"The heck?" Si karl ang unang nakapag react.

"Wait? Teka wala sa usapan yan" -felix

"Oo nga. Sabi nyo magtitinda lang kami" -nath na ngayon ay nakanguso pa.

"Magsi tigil nga kayo wag na kayo maarte kiss nyo na sila at magpapicture ayan oh haba na ng pila" turo ko sa mga babae ngayong nakapila na para magpapicture sa kanila

Bumili muna sila bago sila magapicture sa tatlong lalaki nato na ngayon ay nakabusangot ang mga mukha hahahaha ang cucute nila.

Habang busy kami sa pag lagay sa paper bag ng mga binibili nila ay narinig ko naman nagsalita si karl

"Damn. Don't.touch.me" blankong sabi nito mukhang natakot naman yung babae kaya bigla itong napalayo kay karl.

"Ah eh miss dun ka nalang sa dalawa. Hindi na pala kasama si karl sa libreng kiss at picture" pekeng ngiti ng binigay ni barbie dun sa babae dahil natakot din ata sya sa awra ngayon ni karl.

Pinagpatuloy ko nalang ang aking ginagawa at dina sila pinansin.

***

"Ayoko na!" Biglang sabi ni nath at bigla nalang hinilata ang kanyang katawan sa sopa.

"Kawawa ang gwapo kong mukha sa mga babae na yon hays" si felix na ngayon ay tumabi narin kay nath

"Okay lang yan atlis naubos paninda natin" -barbie

"For sure mataas grades natin neto hihi" - kaila na ngayon ay ngiting ngiti.

Nandito kasi kami ngayon sa tambayan ng mga BWG bigla nalang kami hinatak ng tatlong ito nang matapos namin gawin ang mga dapat gawin.

Sa nakikita ko ngayon mukha pagod na pagod yung dalawa. Sino ba naman hindi mapapagod? Maghapon lang naman silang nakatayo dahil sa rami nang nagpapapicture sa kanila at yung iba di talaga umaalis hanggat walang kiss na natatanggap hahaha

Ilang minuto naring tahimik ang mga ito siguro sa sobrang pagod kaya naman nagsalita ako.

"Magpahinga na kayo. Uuwi na kami salamat sa inyo" pag sira ko sa katahimikan.

"Wait. 5mins hatid ko na kayo"si felix na ngayon ay humihikab pa.

"Dina. May sasakyan kami. Pahinga nalang kayo bye." Diko na sya hinayaang mag salita at hinatak nalang yung tatlo na mukhang wala pang balak tumayo sa mga pwesto nila.

Pag dating namin sa parking lot ay nagpaalam na kami sa isat isa at sumakay na sa kanya kanyang sasakyan.

Pag uwi ko sa bahay ay dumeretso na agad ako sa kwarto dahil wala ngayon sila mommy nasa ibang bansa dahil may trabaho silang kailangan ayusin doon.

****

Sa sobrang pagod ko kanina ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako ng hindi pa nakakapag palit ng pambahay.

Pagkapalit ko ng damit ay bumaba ako dahil nauuhaw ako.

Pag kababa ko ay patay na ang lahag ng ilaw pwera nalang sa kusina. Pag pasok ko sa kusina nakita ko si kuya na umiinom ng alak.

Hindi nya napansin na nandito ako dahil nakatulala lang ito sa hawak nyang baso

"Kuya?" Napatingin naman ito saakin na may gulat sa mukha.

"Oh bunso bakit gising kapa?" Tanong nito sa akin ng makabawi sya sa gulat

Pero bago ko sya sagutin ay kumuha muna ako ng tubig sa ref. Pagkakuha ko ng tubig sa ref ay tumabi ako sa pwesto ni kuya

"Kuya? Ayos kalang ba talaga? Pwede mo naman ishare sa akin kung may problema ka talaga. Diba sabi mo no more secret?" Pagkukumbinsi ko kay kuya na magsabi saakin ng problema.

Napabuntong hininga naman si kuya ng dahil sa aking sinabi. Hinawakan muna ni kuya ang aking kamay bago ito may salita.

"Bunso kasi may problema si kuya e. Natatandaan mo ba yung anak ni tito mike? Naka one night stand ko kasi sya bunso." Pagkwento nito sa akin at binitawan na ang aking kamay at lumagok ulit ng alak.

"Anak ni tito mike? Si ate karla? Wait let me guess. Nabuntis mo si ate no?" Pabg huhula ko sa sinabi nya.

Naka one night stand daw e. Ayon lang naman possible na magiging problema nya ron.

Pero kahit alam ko nanaman ay hindi ko parin maiwasang magulat ng makita kong tumango si kuya bilang pag sang ayon sa hula ko.

"Oh? Ano naman problema ron kuya? Nasa tamang edad kana naman para maging ama" naguguluhan lang talaga ako. 22 na si kuya kaya naman legal na sya maging ama.

"Oo nga bunso kaso bunso gusto nya ipalaglag yung bata hindi pa raw sya handa maging ina. Ang pinoproblema ko pano ko sya mapipigilan sa gusto nya. Ayokong ipalaglag nga yung bata dahil wala naman itong kasalanan." Napayuko naman si kuya at bigla ulit tong nagsalita

"Bunso 3months na syang buntis at ngayon nya pa naisipang ipalaglag ang bata. Hindi ko na alam gagawin ko para mapigilan sya , ayokong mawalan ng anak bunso" bigla namab napaiyak si kuya sa huli nyang sinabi.

Niyakap ko naman si kuya dahil ang tagal na nung huli kong makitang umiyak si kuya.

"Tutulungan kitang kumbinsihin si ate karla na wag ipalaglag ang bata kuya" hinagod ko naman ang likod ni kuya dahil hindi pa rin sya tumitigil sa pag iyak.

Hindi na nagsalita si kuya pero nakayakap parin sya saakin.

Napaisip naman ako paano ko kaya makukumbinsi si ate karla hays. Kawawa naman yung bata kung magkataon na ipapalaglag nya.

Nasa 30mins nang nakayakap si kuya saakin at parang bumibigat si kuya kaya naman sinilip ko ang mukha ni kuya at nakita ko namang tulog na.

Hay nako kuya kung wala ka lang problema sinapak na kita. Matulog raw ba habang yakap ako.

Ako pa papahirapan nito sa pag akyat sa kanya. Tinanggal kona ang pagkakayakap sakin ni kuya at nilagay ko yung braso nya sa balikat ko upang akayin sya paakyat.

Naihiga ko na si kuya sa kama nya. Napatitig naman ako kay kuya.  Gwapo si kuya at alam kong babaero yan pero once na mag mahal yan si kuya loyal yan.

Kumuha naman ako ng maligamgam na tubig at bimpo at ngayon ay pinupunasan ko ang braso at mukha ni kuya para mahimasmasan sya konti dahil sa pag kalasing

Pag tapos ko punasan si kuya ay iniayos kona ito ng higa at kinumutan kiniss ko muna si kuya sa pisngi bago ako lumabas ng kwarto nya at dumeretso na sa kwarto ko at natulog.

Maldita Meets Gangster(COMPLETED)Where stories live. Discover now