Lensy POV
"Lensy tara kain na nagluto si shane ng pagkain" pag gising sakin ni barbie na diko namalayan na nakaidlip na pala ako
"Dipa ako gutom" sagot ko rito at inikot ang aking katawan paharap sa sandalan ng sofa
Hindi nanaman ito nagpumilit pa dahil alam naman nila na kanina pa ako walang sa mood
Sinilip ko naman ang relo ko at tinignan kung anong oras na. 12:30 na pala kalahating oras rin pala ang naitulog ko
Sunod ko naman na chineck ay ang aking cellphone pero wala pa rin syang reply , kanina ay tinext at tinawagan ko sya pero nakapatay ang cp nya. Sa inis ko ay inoff ko nalang ang aking cp at natulog nalang ulit dahil 3:00 pa naman ang next na klase namin.
*******
Third Person POVPagkatapos maligo ni karl ay kinuha nya agad ang cellphone nya kahiy hindi pa sya nakakabihis , inopen nya ito at ang tumambad sa kanya ay 13messed call galing kay lensy at may isang text, dali dali nya naman itong binuksan.
*My masha🖤*
Kung nasaang lupalop ka man ng mundo dyan ka nalang! Wag kang magpapakita sakin karl kiel!!! I hate you!
Yan ang tinext ni lensy kay karl upang magreply agad ito ngunit ngayon lang nabasa ni karl
Tinawagan naman ni karl si lensy pero patay ang cp neto kaya naman ay nagmadaling nagbihis ito at kaba ang kanyang nararamdaman
Pagkabihis nya ay bumaba agad ito at lumabas ng kanilang bahay at sumakay sa kotse at pinaandar agad nya ito
Ring ring ring ring
*Felix*Accpet/decline
Pinindot naman ni karl ang accept ng makita nyang tumatawag ang kanyang best friend
[Yow bro otw na kami sa school kita kita nalang tayo BWG room]
"Fuckyou! Stop talking nonsense." Inis na sabi ni karl kay felix dahil iniisip parin neto si lensy at inakala nyang si lensy ang tumawag tapos wala naman palang kwenta ang sasabihin ni felix.
Si felix naman at ang apat na kasama neto ay natawa dahil sa pagbaba ni karl ng tawag, naka loudspeaker kasi ito dahil balak lang talaga nilang inisin.
Pag karating ni karl sa school ay saktong dating rin ng limang BWG kaya naman nilapitan agad sya ng mga ito
"Bro akala ko kanina kapa naririto" -jastin
"I need to see lensy. Damn! Im doomed." Di mapakaling sagot neto sa mga ito at di nya na hinintay na manginis pa ang mga ito ay tumakbo na ito papuntang room nila lensy ngunit walang tao roon
Kaya naman ay sinunod nya namang puntahan ay ang cafeteria ngunit wala rin ito roon kaya naman pumunta na ito sa BWG room dahil ayun nalang ang iisang di nya pa na pinupuntahan na pwedeng tambayan ni lensy
Pagpasok nya sa loob naabutan nya ang mga mokong na nandoon na at nakikikain narin kasama ang mga kaibigan ni lensy
Nilibot nya ang paningin nya at dumako ito sa sofa kung saan mahimbing na natutulog ang mahal nya.
"Kanina pa walang sa mood yan" -barbie
"Di pa kumakain yan" - kaila
"Mainit ulo nyan kaninang umaga pa"- shane
"Patay ka." Sabay sabay sabi ng mga lalaki
"All of you get out!" May diing sabi nya dahil hindi sya makasigaw dahil baka magising si lensy
Pero parang walang narinig ang mga ito at kumain nalang ng tahimik at ang iba ay kunwaring may kinakalikot sa kung saan saan
Sinawalang bahala nalamang ito ni karl at lumapit kay lensy
Pag lapit nya rito ay hinawi nya ang buhok na humaharang sa magandang mukha ni lensy
Mga ilang minuto nang tinititigan ni karl si lensy ng bigla ito nagising at sa kanya agad tumama ang paningin neto
May pagkagulat sa una ang nakita nya sa mga mata ni lensy pero bigla itong nagbago at naging blanko nalamang ito kaya naman mas lalong kinabahan si karl
"Love." Pag tawag nya rito ngunit pinagkunutan lamang ito ng noo ni lensy
"What are you doing here?" Seryosong tanong nya kay karl na nakakunot parin ang kanyang noo
"Because this is BWG room and of course imissyou that's why." Paglalambing ni karl dito pero hindi umepektado
"Go to hell." Pagkasabi nyan ni lensy ay tumayo ito at dumeretso ng cr kaya naman ang mga babae ay tumingin kay karl
"Matagal tagal na suyuan nanaman ata ang gagawin mo karl" ngising sabi ni shane na ngayon ay inilalagay sa lababo ang pinagkainan nya.
Magsasalita sana si felix ng biglang lumabas si lensy sa cr na seryosong seryoso
"Explain." Umupo si lensy sa harap ng inuupuan ni karl dahil ayaw nya tumabi rito hanggat hindi ito nakakapag paliwanag sa kanya
"Nothing love. Napasarap lang tulog ko at lowbat cp ko." Pagsisinungaling neto pero dahil si lensy ang kaharap nya ay hindi nya ito maloloko
"Tell the truth or i'm going to leave you here." Seryosong sabi ni lensy na ngayon ay naka cross arms pa
Dahil sa sinabi neto ay napalunok nalamang si karl wala syang magagawa kundi ang sabihin ang totoo kahit na ayaw nya na malaman pa ito ni lensy ayaw nya ito pag isipin pa ng kung ano ano.
"Fine. Someone trying to hurt you............." At doon na nya kwinento ang lahat na nangyari
Kahit na maganda naman ang dahilan neto ay dipa rin sya tinabihan ni lensy dahil naiinis parin sya rito
"Sa ilang oras nyong hinihintay na maging yung lalaki ni dimo man lang naisip na itext ako?" Okay nanaman kay lensy ang lahat pero wala lang trip nya lang pagtripan to kabayaran sa pang bibwiset sa kanya
"I'm sorry. Kating kati lang ako malaman kung sino gusto manakit sayo" malumanay na sabi ni karl na ngayon ay lumapit na kay lensy at kinulong ito sa mga bisig nya at inamoy amoy ang leeg neto.
"I miss you love. Sorry na." Panunuyo ni karl kay lensy, di naman kumibo si lensy dahil nasisiyahan sya sa ginagawang panlalambing sa kanya ni karl
Samantalang di alam ng dalawa na napatigil sa pagkain ang walo dahil sa pinanood nalamang sila.
"Tangina pre iba talaga ang isang lensy tignan mo naman si bossing akala mo maamong tupa" -jastin
"Iba talaga nagagawa ng pag-ibig" naiiling iling na sinabi ni felix
"Sus inggit ka lang e." Pang aalaska ni shane kay felix
"Manahimik ka dyan tomboy!" Pikon nitong sabi.
"Tomboy your face sa ganda kong ito mukhang tomboy? Ulol bakla." Ganting sabi nito
"Bakla? Sus luma na style mo, gusto mo lang halikan kita e. Sorry di kita type" dahil sa sinabi nito ay nainis si shane lumapit ito rito at sinipa sa bayag
"Halikan ng bayag mo ang paa ko." Pag kasabi nya nito ay dumeretso na ito sa room ng malds dito sa bahay nato.
"Gago. Pag ako nabaog di na tayo magkakaanak"
"Ulol tuluyan kana sanang mabaog" at doon nagtatapos ang kanilang war hahahah
Napailing na lang ang mga iba dahil sa bangayan ng dalawa.
YOU ARE READING
Maldita Meets Gangster(COMPLETED)
ActionIsang babaeng mala anghel ang mukha Maldita pero mabait Palaban pero maramdamin At higit sa lahat marunong makipag basag ulo. Pero pag nasa mood ang daldal at ang kulit at ang lambing ****** Isang lalaking gwapo Suplado , mainitin ang ulo , tahimik...