Lensy POV
Nagising ako sa sinag nang araw na nagmumula sa bintana malapit sa sofang hinihigaan ko
Wait? Sofa? Napabangon ako nang makita kong nasa sofa nga ako
Paano ako napunta dito? Ang alam ko ay nakatulog ako habang nakayuko ako sa gilid nang kama ni kaki
"Sorry i love you"
Bigla ko naman naalala ang narinig ko kagabi , totoo ba yon? Hindi ba iyon panaginip? Hashhh!
"Madam bakit mo sinasabunutan sarili mo?" Napalingon ako sa pinagmulan nang boses na yon
Si jonas iyong nagsalita habang sila kaki ay nakatingin lang sakin , kanina paba nila ako pinagmamasdan?
"Ah eh wala hehe , paano ako napunta dito? Ang alam ko doon ako sa gilid nang kama ni karl nakatulog" pag tatanong ko sa mga ito
Nagkibit balikat naman ang mga ito kaya napatingin ako kay karl pero tinuro lang nito si felix na tinanguan naman nito
Hays , akala ko naman si kaki ang nagbuhat sa akin
"Madam hindi kapa ba uuwi? Anong oras na at 1hour nalang ay magsisimula na ang graduation mo." Dahil sa sinabi ni james ay tinignan ko ang relong suot ko at nakita kong 10:30am na
"Darn! Bakit hindi nyoko ginising hashh." Tumayo na ako at kinuha ang bag ko
Papalabas na ako nang magsalita naman si felix
"Len baka hindi kami makapunta sa graduation mo , may kailangan kaming ayusin e." Dahil sa sinabi nito ay napastop ako sa pag bukas nang pinto
"Bakit ngayon pa?" Walang gana kong sagot
Nakakalungkot lang na hindi na nga makakapunta si karl hindi pa rin makakapunta ang mga ito.
"Sorry madam biglaan din e." Dahil sa sinabi ni dave ay ngumiti nalang ako nang pilit sa mga ito at tumango bago ako lumabas nang kwarto
Pag dating ko sa bahay ay walang kaganang gana ako nag ayos di ko iniisip kung malelate ako
Napabuntong hininga na lang ako at tinignan ang sarili sa salamin nang may kumatok
"Len pasok si kuya ah" sabi nang nasa kabilang pinto , hindi na ako sumagot nang bumukas ito at niluwa si kuya
Nakangiti itong lumapit sa akin at tsaka ako niyakap
"Hays big girl na big girl na talaga ang bunso namin , tandaan mo kahit magkapamilya kana ay nandito pa rin si kuya para sayo okay?" Sabi nito at hinawi ang buhok na tumatabig sa aking mukha
"Para naman ikakasal na ako kuya , hello? Graduation kaya ang pupuntahan ko tsk." Pag susungit ko rito pero tinawanan lamang ako
"Oo nga pala, pag tapos nang graduation mo ay hindi ako magtatagal hindi ako makakasama sa celebration." Dahil sa sinabi nito ay mas lalo akong nalungkot
"Pati ba naman ikaw? Tsk." Tinalikuran ko ito dahil sa sobrang inis
Dapat masaya ako dahil graduation ko pero bakit ganto? Tsk lahat sila may gagawin at tsempo pa talaga na graduation namin? Hays ang malds nalang ang makakasama ko mag celebrate pati ang magulang ko
Tinatawag na ngayon ang mga gagraduate at isa isa nang umakyat ang mga malds at pang huli ay ako
Wala naman ako masyadong ginawa dahil kinuha ko lang ito at picture lang ang ginawa ko dahil wala naman akong balak mag bigay pa nang mensahe
Nagpipicture picture kami ngayon ng mga malds nang lumapit sa amin ang mga magulang namin
"Congrats sa inyo mga iha , hiramin ko muna anak ko ah" sabi nang mommy ni barbie , nagpasalamat lang kami rito at nakipagbeso
Sunod naman ay ang magulang ni kaila ang nagpaalam na kakausapin ang anak nila at ganun din si shane
Lumapit naman sa akin sila mommy na nakangiti at sinalubong ako nang yakap
"Congrats my baby , nako ang baby ko ang laki laki na malapit nang iwan si mommy" maiyak iyak pa na sabi ni mommy
"Mom naman grumaduate lang ako , para ka naman si kuya e. Pareho kayong oa." Dahil sa sinabi ko ay napatawa naman si daddy
Lumapit ito sa akin at niyakap ako , naramdaman ko naman na hinalikan ako nito sa tuktok nang aking ulo
"Basta kung ano magiging desisyon nang bunso namin ay susuportahan namin." Napalayo naman ako dito
"Isa kapa dad e. Ang wiweird nyong lahat ngayon." Tawa lang ang isinagot nito sa akin , luminga linga naman ako upang makita si kuya pero wala ito
"Mom, dad si kuya nasaan?" Pag tatanong ko sa mga ito.
"Umalis na, nagmamadali nga e. Oo nga pala baby hindi natin maicecelebrate ang graduation mo dahil may biglang tawag ang client namin sa us need nanamin bumalik roon agad" malungkot na sabi ni mommy
"Pati ba naman kayo? Ano bang meron sa araw na ito at lahat kayo may gagawin? Hashh" inis na sagot ko rito
Ano bang meron ngayon? Graduation lang naman namin pero bakit parang ang lahat ay busy? Nakakainis
"Sorry bunso babawi nalang kami okay?" Si daddy naman ngayon ang nagsalita
"Hays fine, sila shane nalang ang isasama ko mag celebrate. Ingat kayo sa pag byahe mom , dad" sabi ko sa mga ito
Pagtapos namin magusap usap ay lumapit ang mga ito sa mga magulang ng mga malds at nagkwentuhan sandali bago nagpaalam sila mommy na aalis na
Ngayon ay kaming apat nalang nang malds ang naririto
"Tara bar tayo , wala naman celebration magaganap e." Sabi ko sa mga ito ngunit nagkatinginan lang sila
"Wag nyong sabihin na pati kayo ay may mga kanya kanya ring gagawin??" Inunahan kona ang mga ito sa pag tatanong
Mabagal na tumango tango ang mga ito kaya ay napabuga nalang ako nang hangin galing sa bibig
"Sorry." Sabay sabay nilang sabi.
Ipinikit ko ang aking mata at ikinalma ko ang sarili tsaka ako dumilat at nakangiting humarap sa mga ito
"It's okay. Mauna na ako sa inyo" diko na hinintay na sumagot ang mga ito tinalikuran kona ang mga ito tsaka nagsimulang maglakad
Umistop ako nang makakita ako nang beach at umupo ako rito.
Pinikit ko ang aking mga mata at nilanghap ang sariwang hangin na tumatama saaking balat
Pilit kong ikinakalma ang aking sarili upang huwag tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan
Bat ang lonely lonely ko ngayon? Bakit may mga bagay sila na gagawin na hindi ako kasama? Kung ayaw naman nila ako kasama pwede naman nila sabihin saakin
Hindi yung mga nagdadahilan pa sila na may mga gagawin sila eh halatang halata naman sa mga mukha nila na may tinatago sila sakin
Bakit ngayon pa? Ang wiweird nila ngayon. Sabay sabay silang lahat naging busy bakit itinapat pa nila sa graduation ko?
Hashh. Darn it! Nang makalma ko ang aking sarili tsaka ako tumayo at pinulot ang gown at cap ko na hinagis ko kanina sa sobrang inis ko
Pupuntahan ko nalang si karl sa hospital at kaming dalawa nalang ang mag cecelebrate sa malas na araw na ito.
YOU ARE READING
Maldita Meets Gangster(COMPLETED)
ActionIsang babaeng mala anghel ang mukha Maldita pero mabait Palaban pero maramdamin At higit sa lahat marunong makipag basag ulo. Pero pag nasa mood ang daldal at ang kulit at ang lambing ****** Isang lalaking gwapo Suplado , mainitin ang ulo , tahimik...