Lensy POV.
8am na at bumabyahe pa rin kami. Mga isang oras nalang siguro ay nandon na kami sa resort nila jastin
Gising na ngayon ang mga unggoy ay nilalantakan na ngayon ang ibinili namin sa kanila kanina.
Dahil sa mga gising na nga ang mga ito kaya maingay ngayon sa loob ng van
"Ano ba yan. Sino ba yang pangit na nag dadrive ang bagal bagal." Dahil sa sinabi ni james ay napapreno si felix
Kaya naman ngudngod ang mga ito sa mga hawak nilang pagkain. Buti nalamang ay nabalanse ko ang katawan ko kaya hindi tumama sa unahang upuan pero dahil si karl ay tulog ayun na untog kaya naman napamura ito
"Fuck!" Sigaw nito , pag angat nang ulo nito diko mapigilang matawa dahil sa namumula nitong noo hahahaha.
"What's funny?" Kunot noong tanong nito nang nakitang bumubungis ngis ang iba dahil sa pag pipigil ng tawa.
"Hahahahaha. May bukol ka kasi sa gitna ng noo mo hahahahaha" natatawa ko pa ring sabi.
Tumawa muna si felix bago nito ulit paandarin ang sasakyan.
Kung kanina ay namumula lang ang noo nito ay ngayon nagkabukol na ito , napalakas ata ang pagkakauntog kaya nagkabukol hahaha.
Hinawakan naman nito ang noo at napangiwi nang madiinan nya ang bukol.
Kumuha ako limang piso sa wallet ko at ihinarap ko sakin ang mukha ni karl at tsaka inilagay ang limang piso sa parteng may bukol at tsaka ko ito diniinan.
"Ouch , ouch love dahan dahan." Nakangiwi nitong sabi.
"Eto lang nasasaktan ka? Eh pag nga nakikikipagbugbugan ka ni di kita marinig na umaray tsk." Nanahimik naman ito dahil sa sinabi ko at tiniis nalang ang sakit.
Maya maya lang nang matapos ako ay nagtawanan nanaman ang nasa loob ng van pati na rin ako ay nakitawa hahahaha.
"Hahahaha bossing bat may limang piso ka sa noo" tanong ni zack dito habang tumatawa, kaya naman sinamaan ito ng tingin ni karl.
Yung limang piso kasi na idiniin ko sa noo nya ay bumakat kaya mukhang may limang piso ito sa noo hahahaha.
"Stop laughing." Seryosong seryoso ang boses nito kaya naman napatigil na kami sa pag tawa.
"Oo mamaya na yang inisan nyo. nandito na tayo." Sabi ni felix na ngayon ay ginagarahe na ang van sa loob ng resort
Isa-isa naman kami nag babaan tsaka namin kinuha ang sari sarili namin mga gamit.
Pagpasok namin ay may kinausap si jastin na isang babae na mukhang dito nagtatrabaho.
Maya maya lang ay lumapit na muli sa amin si jastin na may dala ng susi at inaabot sa amin ang susi ng aming kwarto ng mga babae
Papunta na kami ngayon sa kwarto namin at si karl ang may dala ng gamit ko kaya sumama ito.
Pagkarating namin ay ipinasok lang ni karl ang gamit ko saka ito nagpaalam na pupunta muna sa kanilang kwarto
Lima ang kama dito sa kwarto kaya sakto sa aming lima , sa magkabilang gilid ay may tagisang double-deck at sa gitna naman ay may isang single bed.
Sa kanan na double deck ang pumwesto ay si shane at barbie , si shane ang sa taas at si barbie ang sa baba
Sa kaliwang double deck ay ako at si kaila , ako sa baba si kaila sa taas at si hannie ang nahiga sa single bed.
Pagkatapos namin mamili ng aming pwesto ay inaayos na namin ang kanya-kanya namin gamit
Maya maya lang ay nag text si jastin kay barbie na nasa baba raw silang mga lalaki , kaya naman pagkatapos namin mag-ayos ay bumaba na rin kami at hinahanap namin ang restaurant na sinabi jastin na kung saan kami mag almusal.
pagkakita namin sa mga ito ay mga nag umpisa ng kumain na akala mo ay hindi ito mga kumain kanina bago kami makarating dito.
Pagkakita sa amin ni karl ay tumayo ito at chaka ako pinag hatak ng bangkuan na inupuan ko naman.
Meron dito sinangag , butter shrimp , menudo , steak at sinigang na baboy.
Nag umpisa na kami kumain at saka kami nag usap usap tungkol sa una naming gagawin.
"Infairness jastin maganda itong resort nyo"sabi ni barbie na ngayon ay isinubo ang binalatan ito ng hipon
"True and i like the view" si kaila naman ngayon ang nagsalita
"Matagal na itong resort na ito dahil minana pa ito ni mommy at daddy sa lolo at lola ko" proud na proud na sabi ni jastin, tumango tango naman si barbie at si kaila rito
"I think maganda nating unang gawin ang surfing , sino sa inyo ang marunong mag surfing?"tanong ni jastin saming mga babae.
"Lahat kami marunong ewan ko lang kay hannie."sagot ni shane dito.
"Cool"ang sabi ni jonas.
Napatingin naman ako kay karl nang ilagay nito sa plato ko ang mga binalatan nitong hipon
"Kumain ka ng marami"sabi nito sa akin pagkatapos niyang ilagay lahat ng hinimay niya sa plato ko
"Maghugas ka muna ng kamay bago ka ulit kumain, dahil baka atakihin ka na naman ng allergy mo." Allergic kasi ito sa hipon kaya ko ito pinag huhugas ng kamay.
"Yes madam"pagka sabi niya iyan ay tumayo na ito at pumunta sa sa area ng hand washing, pagbalik nito ay nagsimula na itong kumain
*********
Ngayon ay nag susurfing kaming lahat pwera lang kay hannie , hindi kasi ako marunong
Nilapitan naman ito ni jonas atsaka ito hinatak upang turuan, noong una ayaw pa nito pero dahil nakulitan ito kay jonas ay pumayag na lang ito.
"Love"tawag sa akin ni karl.
"Um?" Sagot rito.
"Come here, dalawa tayo sa sakay dito sa surfing board." Tinignan ko naman ito nang hindi makapaniwala.
"Are you crazy?" Umiling iling naman ito.
"Trust me." ipinatayo na ako nito surfing board habang siya ay naka lusong sa tubig upang isulat ang board
Nang medyo nasa malalim na kami at malapit na ang alon sa amin ay sumampa na ito sa surfing board
Buti na lamang ang na ibalance ko kaya hindi kami nahulog , hawak ako nito sa mag kabilang balikat at saka namin sabay na ibinabalance
Tawa kami ng tawa ng makahahon kami , kaya kami tawa ng tawa kasi sumalpok kami sa malaking alon , magkaiba ng direksyon ang ginagawa namin kaya nahulog kaming pareho.
Naupo kami sa buhangin , isinandal ko naman ang aking ulo sa kanyang balikat at pinulupot naman nito ang kanyang bisig sa aking bewang saka namin pinanood ang mga kaibigan naming nag enjoy sa pag susurfing
Hindi muna ako magtatanong ngayon kung ano ba talaga ang nangyari , gusto ko muna mag enjoy kami parepareho.
YOU ARE READING
Maldita Meets Gangster(COMPLETED)
ActionIsang babaeng mala anghel ang mukha Maldita pero mabait Palaban pero maramdamin At higit sa lahat marunong makipag basag ulo. Pero pag nasa mood ang daldal at ang kulit at ang lambing ****** Isang lalaking gwapo Suplado , mainitin ang ulo , tahimik...