Lensy POV
"Ano ba nangyari len? Bakit mo sinipa yung dala nang matanda?" Pag tatanong saakin ni barbie
"Kilala ka namin len , hindi mo gagawin yon nang walang dahilan." Pag dugtong na sabi ni shane kay barbie
Bumuntong hininga muna ako bago ako mag salita at ikwinento sa kanila ang nangyari
*Flashback*
Papunta ako sa flowers shop para ibili si karl bago ako dumalaw sa kanya
Pag baba ko nang sasakyan may nakita akong bilihan ng takoyaki sa di kalayuan bigla ako nagcrave kaya naisipan kong bumili muna
Dahil sa hindi naman ito kalayuan naisip ko na lakarin nalang ito , yung kalsada kasi na iyon ay pababa ang flower shop nasa taas yung takoyakihan nandon sa pababa
So habang naglalakad ako tsaka ko naman nakita yung matandang may tulak tulak na kariton may lamang mga prutas hindi ko sana ito papansinin nang makita kong may bata na mababangga nito
Dahil sa pababa nga iyon ay hindi agad agad maiistop ng matanda iyon kaya ginawa ko ay sinipa ko nalang
Sakto naman tumawag saakin si kaila at sinabing nagkakagulo ang mga doctor dahil sa pag hina ng tibok ng puso ni karl
Dahil sa sinabi mo ay hindi ko nang nagawang tulungan ang matanda kaya naman inabutan ko nalang ito ng pera, tumakbo ako papuntang sasakyan ng may makasalubong akong dalawang binatilyo pinakiusapan ko sila na tulungan yung matanda dahil nagmamadali ako at inabutan ko nalang rin sila ng pera.
Bago pa ako makaalis ay nakita ko naman tinulungan ng mga binatilyo ang matanda kaya napanatag na ang loob ko at dumeretso na sa hospital kahit na hindi na ako nakabili ng bulaklak.
*End of flashback*
"Ganon naman pala ang nangyari" tango tangong sabi ni kaila matapos kong ikwento sa kanila ang nangyari
"Pero bakit kailangan may video?" Nagtatakang tanong ni barbie
"Sa tingin ko may gusto manira kay len at doon sya nakahanap ng chempo." Sabi ni shane na nakakunot pa ang noo
Napaisip naman ako sa mga sinabi nila , oo nga naman bakit may video? May mga sumusunod kaya sakin? May gusto ba talaga manira sakin?
"Tandaan mo ito lensy! Ipapakita ko sa lahat ng tao kung gaano kasama ang ugali mo!"
Bigla naman pumasok sa isipan ko ang mga huling sinabi sakin ni anne nang dumalaw ito sa hospital
Napailing nalang ako sa aking naiisip , wala na talaga sa katinuaan ang babae na iyon tsk.
"Bakit len? ?"tanong sakin ni shane nang makitang napapailing ako
"Mukhang alam kona kung sino may pakana nito tsk." Dahil sa sinabi ko ay nagkunutan ang mga noo nito
"Sino?" Tanong ni barbie.
Hindi ko ito sinagot at pinagkibit balikat ko nalang.
Ayaw ko na silang magalala pa at baka pag nalaman nila kung sino ay baka bigla nalang nila ito sugurin
Wala kaming sapat na ibidensya upang akusahan agad sya.
Naglalakad kami ngayon dahil break time nanamin , papunta kami sa cafeteria nang may bigla nalang namukol saakin ng itlog
Hindi nagtagal ay nagsunod sunod ito , kaya ginawa ko ay pinalayo ko ang malds sa akin tabi upang hindi sila madamay.
"Yan nababagay sayo! Dimonyo ka oati matanda dinadamay mo pa!"
"Naghahanap buhay yung tao gaganunin mo!"
"Wala kang puso"
"Mamatay kana sana"
"Nang dahil din sayo kaya hanggang ngayon wala paring malay si karl!"
"Akala mo porket girlfriend ka ni karl matatakot na kami sayo ngayon?"
"Dina dapat binubuhay mga kagaya mo!"
Mga naririnig ko habang pinupukol ako nang itlog at kamatis, nakatayo lang ako at pumikit , hinahayaan ko lang sila sa ginagawa nila ngayon
Wala akong lakas ngayon upang lumaban , hindi ako yung taong magpapaliwanag upang maintindihan ng karamihan dahil alam ko naman na hindi rin nila ako papakinggan
Nang dumilat ako nakita kong halos mangiyak ngiyak ang mga kaibigan ko kaya naman ay nginitian ko ang mga ito upang sabihing ayos lang ako
Nang mapagod ang mga tao ay tumigil na ang mga ito tsaka nagsi alisan na pero bago sila umalis at tinitignan muna nila ako nang masasamang tingin
Agad agad naman lumapit saakin ang mga kaibigan ko upang alalayan akong tumayo dahil hindi ko namalayang napaluhod na pala ako
"Len ayos ka lang ba?" Pag aalalang tanong ni barbie.
Tumango naman ako rito at ngumiti.
"Tara dalhin natin sa hospital." Seryosong sabi ni shane pero kita ko sa mga mata nya ang pag aalala kaya naman napangiti ako.
"Tangina nang mga yan eh! Kung nandito si karl ni isa sa kanila walang maglalakas loob na ganunin ka-" napatigil naman si kaila magsalita nang tignan sya nang masama ng dalawa
Nawala ang ngiti sa aking mga labi dahil sa sinabi ni kaila.
Kung nandito lang sana si karl sana walang gantong mangyayari, sana kaya ko silang sabayan lahat
Nasaan na yung tapang mo lensy? Nasaan na yung pagiging maldita mo? Bat hindi mo ngayon magamit yung ilang yrs na pinag aralan mong martial arts?
Pagkatapos magamot ang ilang mga galos ko ay dumeretso ako sa kwarto ni karl , pinauwi kona si hannie at mga kaibigan ko
Una ay nagtanong pa si hannie kung ano ang nangyari sa akin pero ngiti lang ang naisagot ko rito
Ayaw pa sana nila ako iwan rito magisa pero sabi ko okay lang ako at gusto ko lang makasama si karl , kaya ay umuwi narin sila.
Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kamay ni karl ay hinawakan ko ang kamay nya.
Pinagmasdan ko ang kabuuan nya , nangayayat na sya pero nandoon pa rin yung matipuno nyang katawan
Hinaplos ng mga daliri ko ang mahahaba nyang pilikmata yung matangos nyang ilong yung medyo makapal nyang kilay at ang labi nya na dati ay kay pula pula ngayon ay namumutla.
Gwapo pa rin ito kahit na ganoon.
"Kaki wake up please miss na miss na kita, namin. Alam mo ba ang daming nagmamahal sayo sa school sinisisi na nga nila ako dahil hanggang ngayon nakaratay ka pa rin dito e pero tama naman sila kung hindi mo sana sinalo yung bala para saakin sana wala ka rito sana ako yung nandyan edi sana kung ako nandyan walang magagalit."
Pinunasan ko ang tumulong luha mula sa aking mga mata tsaka muling nagsalita
"Kaki gising ka nanaman oh. Ang hirap lumaban magisa e, hindi kapaba napapagod sa kakahiga? Miss na miss kona yung pagsusungit mo yung panlalambing mo miss na miss kona ang lahat sayo , ang hirap sa araw araw na nakikita kitang gantong kalagayan , masyado ka naman nasasarapan dyan e! Nakakainis kana masyado kang nagpapamiss di na ako natutuwa kaki."
Sunod sunod tumutulo ang luha ko kahit na pinupunasan ko ito.
"Sabi mo dati lagi mo ako ipagtatanggol? Bakit ngayon nakahiga kalang dito halos inaaway nako ng karamihan ang daya mo naman e bumangon kana dyan para ipagtanggol moko sa kanila, hihintayin ko pag gising mo kaki kahit gano pa yan katagal. Iloveyou so much my kaki."
Sa sobrang pagiyak hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nakayuko at hawak ang kamay ni karl.
YOU ARE READING
Maldita Meets Gangster(COMPLETED)
ActionIsang babaeng mala anghel ang mukha Maldita pero mabait Palaban pero maramdamin At higit sa lahat marunong makipag basag ulo. Pero pag nasa mood ang daldal at ang kulit at ang lambing ****** Isang lalaking gwapo Suplado , mainitin ang ulo , tahimik...