Lensy POV
"Hoy barbie ng bagal mo naman" pag angal ni shane kay barbie
Kasalukuyan kami kasi ngayon naglalakad papunta sa cafeteria at yung tatlo ay nagbabangayan na ngayon kaya naman hindi ko na lang sila pinansin at nauna nang maglakad
Habang naglalakad ako ay iniisip ko parin yung kagabi. Yung mga salitang binitawan nya hindi mawala sa aking isipan.
"Hoy lensy" pang gugulat sakin ni kaila.
"Problema mo?" Si shane naman ngayon ang nagsalita habang paaupo na sa nahanap naming pwesto.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah? Kanina kapa ganyan sa room palang." Si barbie na nilalagay na ngayon ang gamit nya sa ibabaw ng mesa.
"Ha? Wala naman. Wala lang akong sa mood , order na kayo pa sabay nalang ako. Chicken w/rice lang akin" dahil sa sagot ko ay sabay sabay nila ako pinaningkitan ng mata
"Sabi na nga ba e may problema to" -shane
"Oo nga, chicken and rice lang? Tae baka sa lalamunan mo pa lang yon" -barbie
"No secrets diba?" Seryosong sabi ni kaila sakin.
Napabuntong hininga naman ako at kwinento sa kanila ang nangyari kagabi sa akin at ang mga sinabi ni karl saakin.
"Imposibleng si karl at si kaki ay iisa. Sabi mo nga diba mabait si kaki?at palangiti. Eh tignan mo nga si karl lagi busangot ang mukha" -barbie
"Posibleng si karl at kaki ay iisa. Ilang taon na nakalipas barbie malamang nagbabago rin ang tao"-shane
"Pero kung si kaki at si karl ay iisa bakit hindi nya ito sinabi sayo? At nasaan ang kwintas? O baka naman nagkataon lang na pareho sila nang nasabi?"-kaila
Tama nga naman si kaila paano kung nagkataon lang talaga na pareho sila nang nasabi? At kung sya nga naman yon bakit di nya sabihin saakin? Alam nya naman ang buong pangalan ko kung bakit man ano naman ang magiging dahilan nya? Ashhh!
"Ano gagawin mo pag si karl at kaki ay iisa?" Tanong ni barbie at nangalumbaba pa.
"Matutuwa kaba na yung kinaiinisan mo simula palang first day at yung kababata mo na tagapag tanggol mo ay iisa?" Si kaila naman ngayon ang nag tanong.
"Syempre matutuwa ako. Kasi nasa harap ko na si kaki at una kong gagawin ay magpasalamat sa kanya magpapasalamat parin ako kahit bigla na lang sya nag laho na parang bula pero nang dahil naman doon ay naging matatag at naging palaban ako salamat narin sa voice recorder nya na lagi ko pinapakinggan para palakasin nito ang loob ko"
YOU ARE READING
Maldita Meets Gangster(COMPLETED)
ActionIsang babaeng mala anghel ang mukha Maldita pero mabait Palaban pero maramdamin At higit sa lahat marunong makipag basag ulo. Pero pag nasa mood ang daldal at ang kulit at ang lambing ****** Isang lalaking gwapo Suplado , mainitin ang ulo , tahimik...