Chapter 11

53 2 0
                                    

Lensy POV

Naglalakad kami ngayon ng mga malds dahil vacant namin ngayon. 4mons na ang nakakalipas mula ng lumipat ako sa school na ito

Wala naman bago madalas parin ako mapaaway kay sandra nga lang dahil ayaw ako tantanan ng babae na yon dahil di parin sya makamove on nung first day ko rito.

Kung si karl naman ang iniisip nyo , ayun madalas parin kami magsungitan or magkasagutan pag tapos kasi nung nang yari sa rooftop ay mas naging masungit ito at epal.

Ngayon naman habang naglalakad kami palabas ng university ay nakakita kami ng mga taong tumatakbo.

"Bilisan nyo baka di nanatin maabutan yung gang war"

"Ano kaya pinagawayan nila?"

"Ngayon lang nag away ang dalawang gang na yon"

"Oo nga dahil alam naman natin na mas malakas ang BWG kesa sa WG kaya nakakapag taka na lumaban sila ngayon kala karl."

Wait tama ba yung narinig ko? Sila karl at jaiko may gang war? Para makasigurado ay hinatak ko yung babae.

Pag harap nito sa akin ay mukha natakot naman ito dahil bigla itong nanginig.

"Saan may gang war?" Seryoso kong sabi rito na itinuro nya naman agad habang nanginginig pa rin sya.

Hindi kona sya pinansin at humarap sa 3malds upang sensyasan silang sumunod saakin at puntahan kung nasaan man ang gang war na sinasabi nila.

Nang makuha nila yung gusto kong mangyari ay tumango silang tatlo sa akin at sumunod na sa pagtakbo papunta sa lugar na tinuro nung babae.

Pagkarating namin sa tinuro ng babae ay nakito sila karl at jaiko na magkaharap at nagsusukatan ng tingin.

"Bakit ba nangingialam ka ha? Hindi porket anak ka ng may ari ng school at ikaw ang nangunguna na malakas  na gang ay may karapatan ka nang mangialam sa gagawin namin" kitang kita sa mukha ni jaiko na nagpipigil ito ng galit.

"Eh tarantado ka pala e! Kung hindi mo pinasapak si lensy di naman tayo aabot dito" si felix ang sumagot kay jaiko at si karl naman ay nakatingin lang ng blanko kay jaiko

"Eh ano naman sa inyo? Tangina ayan ngang si karl lagi kong nakikita na kabayangan nya lagi iyon ngayon gumagawa kayo ng gang war ng dahil sa babaeng yon? Ha!" Tanong ni jaiko na hindi makapaniwala.

"Sy mukhang ikaw ang dahilan ng pinagaawayan nila" - shane

"At mukhang dahil ito sa nangyari sayo nung isang araw" -kaila

"Haba nang hair mo ah"- barbie.

*Flash back*

Nag lalakad ako ngayon mag isa dahil pinauna ko na yung 3malds sa cafeteria dahil may naiwan ako sa locker ko

Habang naglalakad ako biglang may dalawang lalaki ang sumapak sa akin

Sa sobrang bilis ng nangyari at dahil diko inaasahan ang gagawin nila ay hindi ako nakailag

Sa sobrang gulat ko ay hindi agad ako nakapag react pero nang matauhan ako ay bigla kong inikot yung paningin ko upang makita yung dalawang lalaking sumapak sa akin pero hindi kona ito nakita.

*End of flashback"

So si jaiko pala ang nagutos na sapakin ako? Tss. Siguro dahil nanaman ito sa sandra na yon.

Maldita Meets Gangster(COMPLETED)Where stories live. Discover now