Lensy
Paano nga ba kung si karl at kaki ay iisa? Pero kung sya nga si kaki bat di nya sabihin sakin? Kilala nya naman ako
Sa aking pag iisip hindi ko namalayang nakabili na pala sila barbie ng aming makakain
"Oh girl maya na pag iisip ikain mo nalang muna yan" sabi ni barbie habang inilalapag sa harap ko yung chicken w/rice
"Alam mo sy kung si kaki at karl ay iisa sana una palang na malaman ni karl ang pangalan mo ay sinabi nya na agad sayo" si kaila naman ang nagsalita habang sumusubo ng spaghetti
"Tama. Kaya wag kana magisip ng kung ano ano dyan baka nagkataon lang na pareho sila ng nasabi" shane na ngayon ay humihigop ng soup
Buntong hininga lang ang sinagot ko sa kanila at kumain nalang din.
Tama si shane baka nga naman nagkataon lang na pareho sila ng nasabi wala naman magiging dahilan si karl para itago nya sakin na sya si kaki.
Habang kumakain kami ay napalingon si barbie sa pinto ng cafeteria at biglang tinawag si hannie na papasok sa loob
"HANNIEEEEE tara ditoo" sigaw ni barbie habang sumesenyas kay barbie na lumapit
Tinignan ko lang naman si barbie habang papalapit samin ngayon ko lang napansin na parang may kamukha sya diko lang matukoy kung sino
Pagkalapit nya sa amin ay ngumiti sya ay kumaway sa amin sabay sabing hello
"Ate barbie bakit po?" Tanong ni hannie habang nakatayo pa rin
"Maupo ka sumabay kana saamin kumain" may inabot si barbie kay hannie na pagkain "kainin mo nalang yan mukhang di gagalawin ni lensy yan" napalingon naman si hannie sakin dahil sa sinabi ni barbie
"Bakit ate? May problema ka po ba? Bakit ayan lang po kinakain mo?" Tanong ni hannie ng napatingin sya sa pagkain na nasa harap ko
"Nothing. May inisip lang. Btw binubully kapa rin ba ni sandra?" Tanong ko sa kanya na ngayon ay kumakain na
"Nako ate hindi na po pero minsan tinataasan nalang nila ako ng kilay hayaan mona sila ate" nakangiti nyang sabi sakin
Nginitian ko nalang din sya at kumain nalang din
Maganda si hannie pag inayusan nasisigurado ako dun dahil sa ngayon kung tititigan mo sya masasabi mong maganda na sya kahit na simple lang ang mukha nya
Ewan koba dito scholar sya dito sa school nato pero nakikita ko gamit nya mamahalin di naman sa talagang mamahalin pero alam mong mga branded.
Yung balat nya makinis kutis mayaman. Kaya nakakapagtaka na mahirap sya pero siguro biniyayaan lang talaga sya
Nawala ako sa aking pagiisip ng may biglang nagsalita sa aming harap
"Pwedeng makiupo?" Nakangiting tanong ni nathaniel ng mapatingin ako dito
Hindi ko ito sinagot at tinaasan lang ng kilay kaya naman si kaila na ang sumagot
"Bakit dito? Dina tayo kasya" tanong nya kay nath na ngumisi lang sa kanya at tinalikuran sya
Magsasalita na sana ulit si kaila ng biglang bumalik si nath na may dalang table na tinabi sa table namin at umalis ulit para namab kumuha ng bangkuan
"Edi ayan wala nang problema kasya na tayo" nakangiti nitong sab
"Lakas ng tama. Anong trip yan?" Si shane naman ang nagsalita at nagtanong kay nath
"Wala naman masama bang makipwesto sa inyo?" Lungkot lungkutang sabi ni nath na hindi naman namin pinansin kaya nagpatuloy nalang kami sa aming pagkain.
Maya maya lang ay bigla naman sumigaw si nath
"BWG tara dito kayo pumwesto bilisss" agaw pansin nya sa mga bagong dating na kakapasok palang sa pinto ng cafeteria
Nakita ko naman napapalapit na ngayon ang anim na kasali sa grupo ng BWG at pinangungunahan ng lakad ni karl ang mga ito
Kaya naman nag tilian ang mga kababaihan na nandito sa loob ng cafeteria dahil sa taglay na alindog ng mga ito kahit naba naglalakad lang.
"Ginagawa mo dyan nath? Nababakla kana ba at sumasama kana sa babae" pang aalaska ni felix na ngayon na naka lapit na
Napatingin naman ako kay karl na ngayon ay nakatitig sakin kaya naman umiwas nalang ako ng tingin dahil naiilang ako sa paraan ng pagtitig nya
"Gago. Nakikipwesto lang dahil ang daming mga babaeng lumalapit sakin dahil diko kayo mahagilap na anim kaya nauna nako at nakita ko sila kaya nakipwesto nalang ako atlis sila alam kong dinila pagsasamantalahan ang gwapo kong mukha hahaha " natatawang sabi ni nath na ngayon ay nag pogi pose pa
"Tarantado mahiya ka naman sa mga kasama mong babae" -dave na iniilingan nalang ang kahanginan ng kaibigan nila
"Dahil dito karin lang naman nakaupo edi dito nalang rin kami uupo" -james na ngayon ay pumwesto na sa tabi ni kaila na kaharap naman ay si nath
Bali ang lamesa kasi namin ngayon ay pahaba na na pinagdugtong na dalawang lamesa dahil nga sa kinuha ni nath kaya maraming pwesto ngayon pero kinulang pa kaya naman ang ibang lalaki at kumuha ulit ng iba ang lamesa at bangko at pinagdugtong ulit sa lamesa namin
Bali ang pwesto namin ay sa dulo ay si shane na kaharap si barbie at katabi naman ni barbie ay si hannie na kaharap ko at ang katabi ko naman ay si nath na kaharap si kaila at si kaila na katabi si james at ang iba ay kanya kanya ng pwesto
Kahit maingay sila ay diko nalang sila pinagpapapansin at nagpatuloy nalang sa naudlot kong pagkain nang may nagsalita sa likod ko
"Move" si karl na ngayon ay seryosong nakatingin kay nath habang ang dalawang kamay ay nakalagay sa parehong bulsa ng pants nya.
Dali dali namang lumipat si nath ng upusan kaya naman ngayon ay ang katabi ko ay si karl.
YOU ARE READING
Maldita Meets Gangster(COMPLETED)
ActionIsang babaeng mala anghel ang mukha Maldita pero mabait Palaban pero maramdamin At higit sa lahat marunong makipag basag ulo. Pero pag nasa mood ang daldal at ang kulit at ang lambing ****** Isang lalaking gwapo Suplado , mainitin ang ulo , tahimik...