Chapter 51

38 2 0
                                    

Lensy POV

Ilang bwan na ang nakalipas matapos ang issue sa akin , nang malinis ang pangalan ko tatlong araw nakalipas ay nagkita kami ni anne.

*Flashback*

Nandito kami ngayon sa rooftop ni anne dahil nagchat ito saakin na magkita raw kami rito

"Maswerte ka at may mga tumulong sayo" paunang sabi nito sa akin.

"Pwede ba anne tama na , pagod nako sa kaimmaturean mo." Walang kabuhay buhay na sabi ko rito

"Pero ako hindi pa pagod! Hate na hate kita alam mo ba yon? Lahat nang gusto ko meron ka! Samantalang ako pinaghihirapan ko pa bago makuha ang mga bagay bagay!!!" Galit na sabi nito saakin.

Napahawak naman ako sa sintido ko at tsaka ko ito tinignan

"Anne hindi ko kasalanan yung ganong bagay , masyado kana nagpapalamon sa insecurities mo! Maiintindihan ko kung nagkakaganyan ka dahil kay karl , pero sa ngayon mukhang hindi si karl ang dahilan nang mga pinag gagagawa mo. Wag ka mag palamon sa insecurities anne , tama na please pagod na ko pagod na pagod nako makipag away nang ganto. Kung gusto mo mag sapakan nalang tayo doon papatulan kita" totoo naman na pagod nako

Hindi ako mahilig sa gantong away , nasanay ako sa bugbugan at hindi sa gantong klaseng sigawan at siraan.

"Naiinggit ako sayo sa totoo lang , kitang kita ko kung paano ka mahalin ng mga nakapaligid sayo , kahit ano ka tanggap  ka nila samantalang ako magulang kona hindi pa ako kayang mahalin , yes nabibigay nila pangangailangan ko pero hindi ko naramdaman na may nagmamahal saakin na may magaalaga sa akin." Nakita kong may mga luhang tumulo mula sa mga mata nito

Nagtataka man ako sa bakit napunta sa gantong usapan ay pinakinggan ko nalang ito.

"Si karl ang kaibigan ko , si karl nagparamdam na mahalaga ako ramdam ko yung magiingat sa mga salita nya na wag ako masaktan na kahit gano kapangit ugali ko nag stay pa rin sya kahit na alam ko naman na dahil yun sa utang na loob , kaya nung nalaman kong may girlfriend na sya rito sinundan ko sya dito sa pinas at doon nakilala kita , una nagagalit ako sayo dahil inagaw mo si karl , si karl na nga lang yung nagbibigay pag asa saakin na may nagmamalasakit pa saakin aagawin mo pa ,nung una akala ko mahal ko si karl pero nung nakikita ko kayong magkasama wala akong selos na nararamdaman, kundi inggit , naiinggit ako kasi may mga kaibigan at boyfriend ka na nagmamahal sayo kaya galit na galit ako sayo dahil inggit na imggit ako , pero bakit sa kawalangyaan ko hindi mo pa rin nilabas yung video? Oo alam ko , sinabi sakin nang binayaran ko na may pumunta roon lalaki upang paaminin sya at wala syang choice kundi umamin at magpavideo , tatlong araw ko hinintay na ipost mo yun dahil sinabi mo diba na babawian moko? Pero bakit hindi? Alam mo ba bat ngayon ay galit na galit ako sayo? Naiinis ako sayo dahil sa kabila ng ginawa ko hindi mo parin hinayaan na mapahiya ako! Hindi mo pa rin hinayaan na magaya ako sayo. Naiinis ako sa sarili ko dahil bakit kailangan ko rin maranasan na humanga sayo? Na malaman ko yung dahilan bakit ka minamahal ng tao!" Tuluyan na itong umiyak

Nilapitan ko ito at hinagod ang likod nya.

"Shhh. Alam ko yung pakiramdam dahil nangyari na nga sakin diba? Diko hahayaan na mangyari rin sa iba yon at ako pa ang may kakagawan , iniingatan ka ni karl noon kaya papahalagahan din kita." Mas lalo naman itong napaiyak dahil sa sinabi ko.

"Ayan! Nakakainis ka alam mo ba yon?? Ang sama sama kona sayo pero inisip mo pa rin mararamdaman ko." Napangiti naman ako dahil sa sinabi nito sa akin.

"Tsk. Tumahan kana nga , konti na nga lang ganda mo mawawala pa dahil sa pag iyak mo!" Dahil sa sinabi ko ay napatigil ito sa pag iyak at nanlaki ang mata.

"Aba!" Aambaan sana ako nito sapakin pero nang magtama ang paningin namin ay natawa nalang kami pareho.

"Wag kana humingi ng paumanhin alam ko para sa kagaya mong konti lang ang ganda ay mahirap sabihin ang salitang sorry" natatawang sabi ko rito.

"Konti your face! Dyan kana nga che!" Pag tapos nya sabihin iyon ay tinalikuran na ako nito at dumeretso na kung saan papalabas ng rooftop

"Friends na tayo , sorry!" Mas natawa ako dahil sa pagkakasabi nya nito ay bigla nalang ito tumakbo pababa ng hagdan

Iling iling ko nalang ito tinanaw.

*End of Flashback*

Nakangiti kong pinagmasdan si karl pagkatapos ko maalala ang nangyaring paguusap saamin ni anne

Nandito kasi ako ngayon sa room ni karl dahil ako ang bantay nya ngayon at dito ako matutulog

"Kaki kamusta? Taon na ang nakalipas nakahiga kapa rin dyaan. Dimo ba ako namimiss? Mga kaibigan natin. Alam mo ba si anne ayun buti dumeretso na ang utak hahaha , marami nang nangyari kaki sa mga nakalipas na araw. Ilang araw nalang kaki gagraduate na ako bumangon kananaman dyan oh , graduation mo nakahiga kana dyan pati ba naman sa graduation ko nakahiga kapa rin? Bumangon kalang kaki pangako pag ka graduate na pagkagraduate ko ako mismo mag popropose sayo." Hawak ko ang kamay nito tsaka ko inilagay sa pisngi ko at ngumiti kay karl

"Ako magsusuot ng singsing dito gumising kalang" hinihimas himas ko ang daliri nya.

"Gusto mo ba bonggang proposal? Sure gagawin ko basta gumising at bumalik kalang saamin kuntento nako don , wala akong pake kung babae mag popropose , ganon kita mahal at ganon ko kagusto na gumising ka kahit ano gagawin ko." Kiniss ko ito sa noo bago ako humiga sa sofa

Magmula dito sa sofa ay hindi pa ako natutulog tinititigan ko lamang ang maamong mukha ni karl na natatamaan ng liwanag na nanggagaling sa lamp shade nito na nakapatong sa mesa na nasa gilid ng kama nya

Pinatay ko kasi ang ilaw dahil hindi ako sanay matulog nang maliwanag.

Maldita Meets Gangster(COMPLETED)Where stories live. Discover now