Lensy POV
Nandito kami ngayon sa loob ng kotse nya at dipa nya pinapaandar.
"The hell masha? Bakit ba bigla bigla ka nalang sumusulpot?!! Pano kung napahamak ka ron?!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw neto pero ang mas ikinagulat ko ang pag tawag nya saking 'masha' napatingin naman ako sa kamay nya ngayon na nakahawak ng sobrang higpit sa manobela
"Di naman ako nasaktan diba? Halos mapatay mo na nga yung lalaking papalo sakin e" mahinanong sagot ko dahil pag sinigawan ko sya alam kong wala nanaman pupuntahan tong away namin
"Dahil walang pwedeng manakit sayo!!" Humarap sya ngayon sakin at hinawakan ako sa magkabilang braso.
"Do you remember what i say last we talk? I mean it. From now on you are mine." Seryosong sabi neto habang nakatitig sa mga mata ko.
Di agad ako nakareact dahil sa mga sinabi nya kaya naman ay inumpisahan nya nang paandarin ang sasakyan
Totoo ba narinig ko? Bakit parang may mga lumilipad na butterfly saloob ng akin tiyan? Takte bakit ako kinikilig?
Dinako nagabalang kausapin pa sya dahil baka kung ano ano nanaman lumabas sa kanyang bibig.
Tinanong ko lamang sya kung saan kami pupunta at nang sinabi nyang sa hospital ay dinako sumagot don na ang huli naming paguusap.
Pagkapark nya nang kotse ay lumabas agad ako hindi kona sya hinintay at dumeretso na agad ako sa loob at lumapit sa nurse
"Miss anong room nung apat na sinugod ditong mga lalaki?" Pagtatanong ko rito ngunit bago pa sumagot ang nurse ay may nagsalita na sa likod ko at hinawakan ang kamay ko at sabay hinatak nanaman ako.
Bago nya ako mahatak ay nakita ko pa ang nurse na yumuko kaunti upang magbigay galang na ipinagtaka ko.
"Let's go." Huminto kami sa harap ng elevator nagpindot sya ng up habang yung isang kamay nya naman ay nakahawak pa rin sakin.
"Teka! Dipa nga natin alam kung ano room nila." Pag pipigil ko rito na papasok na ngayon ng elevator
"Tinext sakin." Yan lang ang sinagot nya sakin at sinabay nako sa pagpasok sa elevator
Marami ang sakay ngayon ng elevator kaya naman dikit na dikit ako ngayon kay kiel nang biglang may bumunggo sakin kaya naman ay napayakap sakin si kiel at ang aking kamay naman ay nasa kanya dibdib
"Ay miss sorry na out of balance kasi ako" sabi nang babaeng sa tingin ko ay kaedaran ko lang rin na ngayon ay sa tingin ko nagpapacute kay kiel.
Tumango nalang ako at umayos ng tayo nang lalayo ako konti kay kiel ay bigla naman neto hinihpitan ang yakap sakin kaya naman ngayon ay dikit na dikit kami.
Ang bilis ng tibok ng puso ko para bang lalabas na ito. Bakit ba parang ang bagal ng oras?
*ting* 3rd floor
Pagbukas ng elevator ay kumalas nako sa yakap ni kiel at naunang maglakad kaso naalala ko hindi ko nga pala alam kung anong number ng room nila kaya no choice ako kundi bumalik sa kanya
"Ano number ng room?" Taas kilay kong tanong sa kanya.
Gusto ko magsungit upang dinya mahalata na kinakabahan ako sa tuwing magkalapit kami nagsusungit ako upang maibsan ang kabang nararamdaman ko.
"Follow me." Pagkasabi nya nyan at nilagpasan na ako.
Etong lalaking to dimo maintindihan napakaikli magsalita o sumagot galitin ko kaya to lagi? Para lagi mahaba ang sinasabi hahahaha.
Pag dating namin sa room ng apat na kaibigan nya nakita kong nakaupo sa sofa sila kaila habang sila felix naman ay naka injan seat sa lapag.
Malaki itong kwarto at may lima na kama na kung saan nakahiga ang apat na sugatan nilang kaibigan.
"Akala namin wala na kayong balak pumunta dito" pang aalaska ni jonas samin pagkapasok na pagkapasok palang namin.
"Ano sabi ng doctor?" Tanong ni kiel na hindi pinansin ang pang aalaska ni jonas at ngayon ay nahiga don sa isang kamang bakante.
Ako naman ay tumabi nalang kala kaila dahil parang gusto ng sumandal ng likod ko
"Stable naman daw ang condition nilang apat. Masyado lang daw napagod kaya mga nawalan ng malay swerte ang mga gago at yan lang ang natamo." Pag papaliwanag ni james kay kiel na tinanguan lang neto at ngayon ay nakapikit na habang ang kamay nya ay nakatakip sa mga mata nya.
"Hey guys hindi ba tayo mapapagalitan o papalabasin dito? Ang dami natin dito oh, eh diba isa o dalawa lang ang pwedeng magbantay sa pasyente." Biglang sabi ni barbie kaya naman ang mga kalalakihan ay napatingin sa kanya
Nagulat naman kaming apat ng humagalpak ng tawa si jonas.
"Tangina baka magsasalita palang sila tanggal na sila sa trabaho hahahahahaha" tawa parin ng tawa si jonas habang sinasabi yan.
Pinagkunutan lamang namin sya ng noo dahil ano naman nakakatawa sa sinabi nya?
"Hahaha. Gago ka jonas nauna pa tawa mo bago paliwanag tignan mo mukha ng nga girls hahaha" si felix naman ngayon ang tumatawa dahil ata sa itsura naming apat
"Okay okay sorry hahaha. May naalala lang kasi ako. Itong hospital na to ay isa sa pag mamay ari nila karl." Tumango tango naman kaming apat
"Grabeng yaman naman pala nila karl no? May University na may hospital pa san kapa lensy" nagulat naman ako ng isamay ni kaila ang pangalan ko
Kaya naman tinaasan ko ito ng kilay. Problema ng babae nato? At dinamay pako.
"Pero ano nakakatuwa sa sinabi mo? At parang ang saya saya mo?" Takhang tanong ni shane sa kanya.
"Hahahhaha ganto kasi yon nung time na mahospital kasi ako dito silang pito lahat nandito sa loob nagbabantay sakin nang may biglang pumasok na lalaking nurse at pinapalabas kami at si karl pa ang sinabihan nya non kaya naman dahil sa mainitin nga ang ulo nyan nagpakilala sya at nang magpakilala sya sa sobrang takot nung lalaki naihi kaya naman subalit mainis kaming pito sa pagpapaalis nya samin humagalpak nalang kami ng tawa" tawa parin sya ng tawa habang nagkekwento at ang iba naman ay nakitawa narin.
"Yun na yon? Happy kana ron?" Nakita nyang seryoso akong nagtatanong kaya naman napatigil ito sa pagtawa.
"Tangna! Bagay nga talaga kayo ni bossing! Ang seryoso nyo masyado sa buhay hahahahhaa" tumawa nanaman ito.
"Fuckyou!" Narinig naming sabi ni kiel na tinawanan lang naman nila.
May mga sayad ata itong mga magkakaibigang ito e. Eto na ba yung kinakatakutang gang sa school? Eh parang mga takas naman ito sa mental e.
Napatigil silang lahat sa pagkekwentuhan ng tumunog ang sikmura ko. Lahat sila ngayon ay nakatingin na sakin at kahit na si kiel na kaninang nakapikit ngayon ay nakatingin na saakin.
"Tsk. What do you want to eat?" Nagpipigil na ngiti netong tanong sakin habang ang iba naman ay natawa dahil sa pagkalam ng sikmura ko.
"Ngumiti kana pinipigilan mo pa eh tss." Irap kong sabi rito. Pero subalit na ngumiti ito ay mas sineryoso nalamang nya ang mukha nya at may kinalikot sa cellphone mayamaya ay tinapat nya sa kanyang tenga.
"8box pizza , 12pcs pasta , 5litre coke and-" sabi nya sa kausap nya na mukhang umoorder bigla naman ako natakap sa burger kaya sumingit ako.
"Burger please" tumango lamang ito at muling nagsalita.
"8box pizza, 12 pasta , 5litre coke , 20pcs burger thats all" at binaba na nito ang cellphone at muling nahiga.
YOU ARE READING
Maldita Meets Gangster(COMPLETED)
ActionIsang babaeng mala anghel ang mukha Maldita pero mabait Palaban pero maramdamin At higit sa lahat marunong makipag basag ulo. Pero pag nasa mood ang daldal at ang kulit at ang lambing ****** Isang lalaking gwapo Suplado , mainitin ang ulo , tahimik...