Lensy POV
Kasama nanamin ni karl ang walong BGW , wala dahil may kasama pa silang isa na ipinakilala nila saking si joseph ang taga pamahala daw ng mga ibang myembro na kung baga mga back up.
Pero sinabi ni karl na dina sila kailangan isama ayos na na kami nalang daw.
Ngayon ay nandito kami sa harap ng gate ng hideout out nila na kung maididikta ko ay parang bahay lang ito na may pangalawang palapag
Walang bantay sa labas kaya naman naisip ko na mukhang inaasahan na ng unggoy na yon ang pag dating namin
Nang buksan ni zack ang pinto ay hindi nga ako nagkakamali dahil pag bukas na pag bukas nang pinto ay bumungad saamin ang naka upong si jaiko at sandra na may mga nakatayong mga grupo ng kalalakihan sa likod neto at nakaharap dito sa pinto kung saan kami pumasok
"Ang tagal nyo naman." Nakangising sabi saamin ni jaiko
"Tsk." Ang sinagot ni karl. Tumingin naman ako rito at nakita kong walang kahit ano ang mababakas na emosyon sa mga mata neto
"Hi lensy. Long time no see, dati nagagandahan ako sayo pero ngayon ko lang narealize panget ka pala hahahaha" pang iinis sakin ni sandra kaya naman nginisian ko to.
"Atlis ako gumanda sa paningin mo, e ikaw? Gumanda kaba sa paningin ko?" Dahil sa sinabi ko ay sinamaan ako nito ng tingin. Diko na ito pinansin at tinignan ko naman ngayon si jaiko
"Nice view. Mukha kayong mga hari at reyna kaso nga lang ng mga palaka hahahaha." Dahil sa sinabi ko ay napatawa naman ang mga kasama ko miski narin mga kasama nila sandra ay napatawa kaya naman sinamaan ni jaiko ng tingin ang mga ito kaya mga naging seryoso.
"Di ko kayo hinitay para makipag asaran-" dina nito naituloy ang sasabihin nya nang sumingit ako
"Bakit? Sino ba nagsabi sayong makikipag asaran kami sayo? Gago." Hinawakan naman ni karl ang kamay ko upang pakalmahin ako pero ngayong nasa harap ko si sandra at jaiko mukhang di ako mapapakalma neto tsk.
"Kalma love." Bulong nito sa akin.
"Alam mo karl bat di natin try magpalit? Kahit isang gabi lang mukhang masarap pa naman yang jowa mo" dahil sa sinabi nito ay binitawan ni karl ang kamay ko at mabilis na lumapit kay jaicko at sinapak ito.
Dahil sa ginawa nito ay sumugod narin samin ang mga kasamahan ni jaicko
Napailing nalang ako. Sya nagsabi nang kalma sya naman pala itong mapipikon.
"Gago! Mamamatay ka muna bago mo mahawakan balat ni masha!!!" Rinig kong sabi ni karl kay jaicko na ngayon ay pinagsasapak na ito pero nakakabawi ito
Dahil sa nakalingon ako kala karl ay diko namalayang nakalapit na pala sakin si sandra at hinatak nito ang aking buhok.
"Tangina mo! Masyado kang malandi pati si jaiko ay inaakit mo hayop ka! Malandi kang babae ka!!!" Hatak parin neto ang buhok ko at feeling ko ay makakalbo nako
Kumuha ako ng lakas ng katawan at pinulupot ko ang kamay ko sa kamay nya at tsaka ito inikot at sinipa ang likod ng tuhod nya kaya naman ay napabitaw ito sa buhok ko at napaluhod
Ngayon ay ako naman ang may hawak ng buhok nya at apak apak ko ang paa nya
"Tarantado ka! Ano karapatan mong hawakan buhok ko? Alam mo bang mas importante pa buhok ko kesa sa buhay mo?!" Dahil sa gigil ko rito dahil sa pag gulo ng buhok ko ay sinapak ko ito kaya naman dumugo ang labi at ilong nito at nawalan ito ng malay
"Sandraaaa!" Naitulak ako ni jaiko na ngayon ay lumapit kay sandra at si karl naman na lumapit sakin ngayon
"Are you okay?" Tinanguan ko ito at napatingin sa ibang kasamahan namin na ngayon ay napatumba na ang halos 30 kasamahan nila sandra
YOU ARE READING
Maldita Meets Gangster(COMPLETED)
ActionIsang babaeng mala anghel ang mukha Maldita pero mabait Palaban pero maramdamin At higit sa lahat marunong makipag basag ulo. Pero pag nasa mood ang daldal at ang kulit at ang lambing ****** Isang lalaking gwapo Suplado , mainitin ang ulo , tahimik...