Chapter 36

36 2 0
                                    

Lensy POV

Sobrang init na nang laban ngayon. At nagkakasakitan narin.

Minsan nakakalamang ang kalaban at minsan naman sila karl. Pero dahil marumi maglaro ang kalaban ay ngayong last quarter ay 30secs nalang at lamang ng dalawa ang kalaban.

Nasa kalaban pa ang bola kaya naman ay matatamlay ang mga tao ngayon rito sa court dahil imposibleng maipanalo pa nila ito, depende nalang kung maaagaw nila ang bola at maishoshoot ng 3 points.

Sa di inaasahan ay pag balik ng tingin ko kay karl ay naagaw na nito ang bola at 13secs nalang kaya naman ay tumayo ako

"3 POINTS IS EQUAL TO VICTORY KISS" di gaanong kalakas na sigaw ko rito

Nang makahanap ng pwesto ay tumalon ito at hinagis ang bola.

Pagkahagis nya nang bola ay tumingin ito sa akin at kumindat.

3.........2........ Shoot. 1......... Engggg

Naghiyawan ang mga tao sa loob ng court dahil dito.

Marami ang pumunta sa gitna upang lapitan ang team nila karl at nakisama ang mga malds dito na hinatak pa ako

Ngayon tuloy ay narito kami sa gitna nang court at kaharap ko na ngayon si karl na todo ngiti

"Congrats" nakangiting sabi ko rito.

"Where's my victory kiss?" Sabi nito at yumakap pa sakin

Kaya naman ngayon ay nasa gitna kami ng mga nakapabilog na tao at mga nakatingin na sa amin at mga nagbubulungan.

"Ha? Dit-" diko na natuloy ang sasabihin ko nang hinalikan ako nito.

Una ay di ako agad nakatugon pero ilang minuto lang ay hinalikan kona rin ito.

Napahiwalay lang ako rito nang mag ingay muli sa loob ng court at nang magsalita si barbie

"WAAAAAAAAAAAAH. i can't breathe." Nagtatalon pa ito na wariy mong kinikilig.

"Hahahahahahaha. Sobrang pula nang mukha mo len hahahaha" dahil sa sinabi ni nath ay nagtawanan ang ibang nakarinig.

"Shut up." Pinaseryoso ko ang mukha ko upang maitago ko ang kahihiyang ginawa ng unggoy na nasa tabi ko ngayon na ngiti ngiti lang.

"Tangina hindi ba ako nananaginip tol? Nakangiti ba talaga si bossing?" Tanong ni james kay jastin na binatukan naman ito

"Dika nanaginip gago. Tignan mo nga oh di mawala wala yung ngiti hahaha" pagkarinig ni karl nang sinabi ni jastin ay pinaseryoso na ulit nito ang mukha at tsaka ako niyakap.

"Tangina nyong dalawa. Bumalik sa pagka poker face tuloy ang mukha hahaha" sabi ni felix na ngayon ay lumapit ka shane

Hmm. May naamoy ako ah hahahaha.

"Love. I'm tired. Let's go to the bgw room" malambing na sabi nito habang nakayakap parin sa akin mula sa likod.

Tumango naman ako rito at sinenyasan ang mga malds at ang mga unggoy na mauna na kami umalis.

"Grabe no? Ngayon ko lang nakitang ngumiti si karl ang gwapo sis!"

"Ang swerte nang babae ang sweet sweet ni fafa karl sa kanya"

Habang naglalakad kami ay may naririnig akong bulong bulungan na di nalang naman namin pinansin.

Pag pasok namin sa loob at naupo agad ito sa mahabang sofa at isinandal ang katawan pati narin ang ulo at pumikit ito.

Tumabi naman ako rito kaya naman hinilig nya ang ulo nya sa balikat ko at yumakap sakin.

Hinayaan ko nalang ito dahil mukhang napagod talaga dahil malamang ang mga katawan nito ay bugbog dahil sa mga pasiko siko sa kanila ng kalaban na di naman sinusuway ng referee.

Maingay na nagsipasukan ang mga unggoy at malds tsaka nag kanya kanyang pwesto narin.

Ang iba ay pumunta sa ref at kumuha ng tubig na malamig.

"Marumi man silang mag laro ay hindi pa rin sila nananalo" nakangising sabi ni jonas.

"Gago kaya pala talsik ka kanina boy hahahahaha" dahil sa sinabi ni dave ay hindi na nakapag salita si jonas

"Pero si lensy talaga ang nakapag panalo satin hahaha" napalingon naman ako kay zack nang idawit nito ang pangalan ko.

"Hahahaha. Ang ganda nang pagkakasigaw nya ron panong hindi mananalo hahahahaha" humagalpak ng tawa si kaila pagkatapos nya iyang sabihin.

"Tigilan nyoko." Pag susuway ko sa mga ito pero tumawa lang sila.

Maya maya ay may nag ring na cellphone ay cellphone iyon ni karl na nakapatong sa mesa.

Nilingon ko naman si karl at medyo tinapik tapik ito sa pisngi dahil nakatulog na pala ito

"Hmm." Ungol nito nang tapik tapikin ko pa rin ang pisngi nya.

"May tumatawag sayo sagutin mo muna." Sabi ko rito. Pero mukhang antok na antok ang mokong dahil ayaw idilat ang mata.

"Hannie paabot nga cellphone ni karl." Suyo ko rito dahil sya ang malapit sa mesa

Tumayo naman ito at inabot saakin ang cellphone nang tignan ko ang tumatawag ay si joseph kaya naman ako na ang sumagot rito

[Bossing naguump-.] Natigil ito nang magsalita ako.

"Si lensy to. Importante ba sasabihin mo?" Pag tatanong ko rito

[Oh ikaw pala yan madam, oo e importante kailangan ko nang nasabi agad e.] Seryoso ang boses nito kaya naman sinabi kong sandali lang at gigisingin ko si karl.

Ang mga nandito naman sa loob ay tahimik lang at nakamasid lang sa akin na mga nakikinig sa pinaguusapan namin.

"Karl. Importante raw bumangon kana muna dyan" dumilat naman ito at nagunat sandali bago kunin ang cellphone na inaabot ko sa kanya.

"Speak." Maikling sabi nito at hindi na muling masundan hanggang sa matapos ang tawag.

"Love. Dave drive you home. May aasikasuhin lang muna kami nila felix." Seryosong sabi nito.

"Alin?" Tanong ko rito dahil mukhang may problema dahil sobrang seryoso ng awra nito

"I'll tell you tomorrow." Tinanguan ko nalang ito at ikiniss naman ako nito sa noo bago sa labi

"Be safe okay?ikaw na bahala kay hannie" bulong nito saakin at kumiss ito muli sa labi ko bago tumayo.

"Kaki. Umuwi agad ah. Maaga pa alis natin bukas." Pag papaaalala ko rito na may alis pa kami bukas.

"Yes boss." Humarap naman ito kay dave .

"Take care of her. Or else." Tumango tango naman ito kaya naman ay sinensyasan na ni karl ang ibang bgw at tsaka sila lumabas ng room.

Ang natira nalang rito at kaming mga babae at si dave.

" Tara na madam. Baka mabugbog pako si bossing pag di kita naiuwi agad haha" pagbibirong sabi nito pero hindi pa rin ako tumayo.

" Ano kaya meron no? Ang seryoso sobra ng mukha ni karl." Tanong ni barbie saamin na ipinagkibit balikat ko lang.

Tumayo na ako at inaya na ang mga itong umuwi. Si hannie ay isinabay ko nalang samin ni dave at hinatid muna namin ito bago ako ihatid ni dave.

Maldita Meets Gangster(COMPLETED)Where stories live. Discover now