Chapter 1

165 10 4
                                    

Haeley's P.O.V.

RING!!!

"Ok class goodbye and see you on next meeting"

"Goodbye Ma'am thank you for sharing your expertise"

Labasan na naman ang bilis talaga ng oras, ay oo nga pala may pupuntahan pa nga pala kami, kailangan ko ng mag madali. Tumakbo na ko papunta sa parking lot ng bigla kong mabangga ang isang mistisong lalaki.

"Oh f**k bulag ka ba?"

Tiningnan lang nya ako at hindi manlang tinulungan, sinipa pa ang gamit ko bwisit.

"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo ng wala ka ng mabangga, kainis"

Nainis ako ako sa mga sinabi nya, tumayo ako at binato ko sa kanya ang hawak kong libro wala akong pake kung masira yun, marami naman libro dito at marami din akong pambili kaya nga dito ako pumasok sa G.R.A. at wala rin akong pake kung pagusapan kami ng mga estudyanteng nakatingin samin.

"How dare you!"

Aktong lalapitan na niya ako ng humarang sina Micca at Liane kaya naman nakaligtas ako sa gagawin ng lalaking toh

"Gusto mo ng sapakan?"

Matapang na pasigaw na tanong ni Micca habang ang lalaki ay nakatingin lang sakin ng masama parang sinusumpa ako at parang sinasabing sa susunod na kami magtutuos

"LEAVE!!"

Sigaw ni Liane na wala man lang emosyon, di ko alam kung pano nya yon nagagawa.

"Ok ka lang ba?"

May pag-aalalang tanong nina Micca at Liane habang tinutulungan akong kunin ang mga gamit ko.

"Oo, ok lang ako, Let's go?"

Naglalakad na kami papunta sa parking lot para kunin ang kotse namin, Oo may lotse na kami at may license na din kami kaya pwede na kami magdrive. Nagsabi kasi kami sa mga magulang namin na kami na lang ang magda-drive para sa sarili namin para hindi na kami magaabalang maghintay ng driver para sunduin kami sa school kaya ikinuha na lang nila kami ng license.

"San nga pala tayo pupunta?"
Tanong ko

"Sa cafeteria kung san tayo palagi"
Sagot naman ni liane

"Ok tara na"

Nagdrive na kami papunta sa cafeteria at nangunguna na naman sa pagmamaneho si micca ginagawang race car ang kotse nya hahahaha. Nang makarating kami sa cafeteria naghanap kami ng table marami kasing mga estudyante sa cafeteria ngayon ewan ko kung anong meron.

"Banda don na lang kayo maghintay at ako na ang oorder"

Wala pa ring emosyon na pagkakasabi ni liane sobrang tahimik talaga ni liane pero mabait naman sya.

"Sige, hintayin ka na lang namin"

Pumunta na kami sa table at umupo. At habang naghihintay kami ni Micca nakita ko yung lalaki na nabangga ko kanina at agad naman yung nakita ni Micca.

"Haeley diba yun yung lalaki na umaway sayo?"
Tumango lang ako.

"Pupuntahan ko lang ha, bibigyan ko lang ng example kung pano magka black eye yung walang hiyang yun napatol sa babae!"

Pasigaw na pagkakasabi ni Micca na agad ko naman hindi sinangayunan.

"Micca wag na kung titingnan, ako naman may kasalanan"
Natigilan si micca

"Bakit ano bang kaseng nangyare?"

"Nabangga ko sya kasi nagmamadali ako pumunta ng parking lot kaya yun nabangga ko sya tapos sinabihan nya ko ng kung bulag ba ko tumingin daw ako sa daan syempre nainis ako hindi naman ako bulag ahh nagmamadali lang kaya yun binato ko sya ng libro ko, yun nagalit sya, saka kayo dumating"

Pagkwekwento ko sa kanya

"HAHAHAHA"

Tumawa ng malakas si Micca hindi ko alam kung bakit wala namang nakakatawa, baliw talaga to'

"Bakit ka tumatawa?"
Pagtatanog ko

"Wala, wala"
dumating na si Liane dala ang inorder at umupo na sa tabi namin

"Kumusta ang amin president?"

Tanong ni Micca. Sa aming tatlo kasi si Liane lang ang naging president. President sya sa music club, ako naman top student lang si Micca napipilitab lang sya magaral kasi gusto ng papa nya na makapagtapos sya ng pagaaral pero ayaw talaga ni Micca.

"Ok lang naman"

Nakangiting sambit ni Liane. Hindi nga namin alam kung bakit sya naging president ng music club hindi pa kasi namin naririnig na kumanta si liane pero nakita na namin syang tumugtog ng mga instruments siguro magaling din siyang kumanta nahihita lang.

Ilang minuto na ang lumipas at tapos na kaming kumain. Nagpaalam na kami sa isa't isa para umuwi mag pa-5:00 pm na kasi.

"Bye, see you tomorrow guys"

Pagpapaalam namin sa isa't isa at saka umalis. Habang nasa daan ako pauwi mag nakita ako pauwi may nakita akong lalaking nakahiga sa kalsada hindi ko maiwasang hindi tulungan kaya bumaba ako sa kotse at tinulungan ang lalaki hindi ko maaninang ang mukha nya kaya inakay ko na lang sya papunta sa loob ng kotse at dinala sa apartment ko. Pagdating namin sa apartment, hiniga ko sya sa sofa nang maihiga ko na sya sa sofa nagulat ako kung sino ang lalaking tinulungan  ko.

"IKAW??!!"

Natigilan ako at walang maisip kung anong gagawin ko parang gusto ko siyang ibalik kung san ko sya nakita pero ang layo nun dito ano nang gagawin ko ngayon?!, nagulat ako ng magsalita ang lalaki hindi ko pa din alam ang pangalan nya.

"Hoy!! Anong ginagawa mo sa bahay ko?! Get out, leave me alone!"

Aba ang lakas ng loob na palayasin ako sa sarili kong apartment sya na nga ang tinulungan.
Maya maya pa ay nagsalita na naman ang mokong.

"Baby don't leave me please?"

Nagulat ako sa sinabi nya at nagulat din ako ng hilahin nya ako papalapit sa kanya. Ano nang gagawin ko??!!! HELP ME!!

"Stop it, you're drunk let me go"
Pagpupumilit ko sakanya dahil sobrang higpit ng pagkakahawak nya sakin

"Baby I'll do anything for you, I'll buy anything for you, just don't leave me hanging, I love you so much"

Nakakunot noo nyang sabi. Alam ko na kung bakit nagpakalasing ang lalaking toh, Broken hearted, pero kailangan nya ba magpakalasing ng ganito?. Napansin ko na namumula at namamantal ang kanyang balat at mainit na rin sya allergy yata to' sa alak, kumalas ako sa pagkakayakap nya sakin at tumayo kumuha ako ng towel at maligamgam na tubig at dinala papunta sa kanya. Kinuha ko ang towel at binasa sa maligamgam na tubig at pinunasan ang kanyang mukha.

《Few moments later》

Tapos ko na syang punasan. Binanlawan ko na ang towel para ilagay sa kanyang noo ng magsalita ulit sya.

"Baby thank you for taking care of me"

Nakangisi nyang sabi at inilagay ko na ang towel sa noo nya at kinumutan para hindi sya lamigin. Napagisip-isip ko na ibang klase din tong lalaking to' matapos akong palayasin sa apartment ko saka sabihing wag ko syang iwanan, maka ngiti parang bata.

Save me Where stories live. Discover now