Chapter 19

26 8 1
                                    

Haeley's P.O.V.

                Abala na ang lahat para sa gaganaping school festival. Ang iba ay walang klase dahil walang mga guro dahil abala din para sa program. Wala akong magawa sa classroom kaya lumabas ako at hinanap ang room ni Micca para yayain na puntahan si Liane sa gym.

Magkaiba kami ng room ni Liane dahil english ang klase ko ngayon at Math naman ang kay Micca. Habang naglalakad ako sa hallway nakita ko si Kurt na madaming dala pababa ng building para siguro sa S.F. yun.

"Tulungan na kita"
Sambit ko

"Ah wag na may pupuntahan ka pa yata kaya ko na toh"
Pagtangi ni kurt sa tulong ko

"Ano ka ba wag ka ng mahiya, akin na yung iba dyan"

"Ahh sige ito na lang dalhin mo"
Binigay nya sakin yung mga poster na hawak hawak nya at di ko napigilang tingnan yun

"Wow! Ang ganda naman nito sino gumawa?"
Tanong ko

"Ahh si Rafael"
Nagulat ako sa pangalang sinabi nya

"Si Rafael? Marunong din pala sya gumawa ng ganito ha"
Di talaga ako makapaniwala na ang monggoloid na yun ang maggagawa ng posters ng music club.

Habang naglalakad kami nakasalubong namin si Micca na napayuko na lang .

"Micca!!"
Tawag ko sa pangalan nya at kita kong nakangiti lang si kurt

"B-bakit Haeley?"
Nauutal nyang tanong

"Pwede mo ba kaming tulungan ni kurt? Ang dami kasi naming dala eh"
Pagpapalusot ko para magkasama silang dalawa kahit alam kong awkward para kay Micca

"Sige akin na ang dadalhin ko"
Iniabot ni kurt ang dadalhin ni Micca at nagkahawak sila ng kamay para namang nakuryente si Micca kaya nabitawan nya ang binigay ni kurt

"Eehhhheemmmm ehemmm"
Kunwari ay nauubo ako
Sabay pa nila pinulot ang mga nahulog na gamit kaya naman parang kamatis na sa sobrang pula si Micca

"Ok....ito na lang dadalhin ko bye"
Pagpapaalam ni Micca at nagmadaling tumakbo pababa

"Anong meron kay micca may sakit ba sya?"
Tanong ni kurt sakin

"Ewan ko lang"
Ang alam ko lang inlove si micca

"Sige punta na tayo sa baba baka hinihintay na tayo ni liane baka magalit pa yun satin"

Naglakad na kami pababa at ang daming mga studyante na nagtatayo ng tindahan para sa S.F.
Nakita ko si Liane at iba pang officer na nagtatayo ng kanila gagawin para sa S.F.

"Hi Liane"
Pangangamusta ko sa kanya

Hinila nya si Kurt papalayo at halatang may pinaguusapan sila

"Bat mo sinama si Haeley?!, edi malalaman na nya ang gagawin natin"
Narinig ko ang sinabi ni Liane, oo nga pala its a surprise pero alam ko na ang gagwin nila "HARANA BOOTH"

"hayaan mo na kaibigan naman natin si haeley"
Wika naman ni Kurt

At lumapit na ulit sila sakin

"Haeley wag mo sasabihin ha kahit kaninong studyante kasi dapat sa kaorasan palang nila malalaman kung anong gagawin ng music club ha"
Nakikiusap na sabi ni liane

"Bakit sa kaorasan pa?"
Tanong ko

"Basta mamaya na lang tayo magusap sa cafe. kita tayo mga 3:00 pm

"Oh sige, pero nakita mo na bang dumaan dito si Micca?"
Hindi ko pa kasi sya nakikita mula nung dumating kami ni kurt pero nauna na sya samin kanina

Save me Where stories live. Discover now