Micca's P.O.V.
Naglalakad ako sa corridor ngayon dahil papunta ako sa locker ko para maglagay ng gamit.
Sa bawat paghakbang ko napapangiti ako, naaalala ko kasi yung kagabi. Di ko mapigilang ngumiti parang gusto ko na nga tumawa sa pagkahibang ko.
"Micca ang saya mo ngayon ah"
Di ko napansin na nasa tabi ko na pala si Haeley"Haha di naman, kanina ka pa dyan?"
Tanong ko sa kanya pero di pa rin naaalis ang ngiti sa labi ko"Di naman. San ka pala pupunta?"
"Sa locker ko maglalagay ng gamit"
"Ah sige mauna na ko sa classroom may kukwento pa ko kay Liane eh"
Pagpapaalam ni Haeley ng madaanan na namin ang classroom."Kwento mo din sakin yan ha"
Sabi ko kay Haeley at sinundot sya sa tagiliran"Haha ano ka ba di na kailangan"
Nagtaka ako bakit naman di pwede sakin?Pumasok na si Haeley sa room kaya nagpatuloy na ko sa pupuntahan ko.
Pagbukas ko ng locker ko may nakita akong Violet carnation which is favorite flower ko. Lumingon ako sa paligid, nagbabakasakali na nasa paligid lang ang naglagay nito pero may kutob na agad ako kung sino.
I picked it up. It's very fragrant.
Carnation is scientifically known as Dianthus caryophyllus. With its scientifically name Dianthus roughly translating to "flower of love".Kaya favorite ko. Nong bata pa ko, kasama ko pa si Mama lagi kaming namimitas ng ganto sa malaki naming garden noon. Pero....
"Do you like it?"
Nagulat ako ng marinig ang isang boses ng lalaki sa likod ko."Yes, thank you kurt"
"Your welcome. Hatid na kita sa room mo"
Alok sakin ni Kurt."Sure"
Naglakad na kami papunta sa room at hinawakan ni Kurt ang kamay ko. Hindi ako sanay na ganto ka-sweet si Kurt pero siguro masasanay din akoPagdating namin sa harap ng room ay di pa rin ako binibitawan ni Kurt.
"Ahhmm Kurt?"
"Hmm?"
Nakatitig lang sya sakin"Pwede mo na ba bitawan ang kamay ko?"
Tanong ko"Bibitaw lang ako kung ikaw ang unang bibitaw"
Saad nya na di ko masyadong maintindihan"So pauyuhan talaga tayo sa pagbitaw ng kamay?"
Nakataas kilay na tanong ko kay Kurt.Ilang segundo lang ay binitawan na nya ako pero niyakap naman nya ko
"Kuri alam mo napaka OA mo di naman ako mawawala eh magaaral lang naman tayo kaya magkikita pa tayo"
Biro ko sa kanya"Sige na pumasok ka na sa loob at magaral ka ng mabuti"
Paalala sakin ni Kurt at saka umalis.Papasok pa lang ako ng pinto ng makita ko si Haeley at Liane na nasa gilid ng pintuan. Mukhang nakikinig at pinapanood ang ginagawa namin ni Kurt.
"Ikaw kailangan mo mag explain!"
Saad ni Haeley at kinurot ako sa tagiliran"Ano na naman? Sasabihin ko naman sa inyo kaso mamaya na lang labasan"
Napakunot ang noo ko. Kaasar."Ok class sit down!"
Sabi ni Sir habang hinahampas ang table kaya nagsiupo na kami at tumahimik."Haaayyyy kakaantok sa klase ni Sir!"
Reklamo ko habang naglalakad kami papunta sa school garden"Di ka naman kasi nakikinig eh kaya wala kang naiintindihan"
Natatawang puna ni Liane sakin
