Haeley's P.O.V.
Umaga na naman kailangan ko na magprepair, malalate na ko. Pumunta na ko sa C.R. at nagshower habang naliligo ako naalala ko yung lalaking tinulungan ko kagabi kaya nagmadali akong maligo at agad agad nagbihis para tingnan ang lalaki pero pagtingin ko sa sofa wala na ang lalaki. May naamoy akong pagkain galing sa kusina.Hmmm bango. Pumunta ako sa kusina at nakita ko sa mesa ang mga pagkain at may napansin akong sulat sa sulok ng mesa kinuha ko yun at binasa....
Dear Ms./Mr.
Salamat po sa pagpapatuloy sakin kagabi at sa pagaalaga sakin, pasensya na po kung ano man ang nagawa o nasabi ko kagabi lasing po kasi ako wala rin po kase akong masyadong matandaan. Tanggapin nyo po sana ang mga niluto ko bilang kapalit sa pagtulong sakin but don't worry pinamili ko po yan wala po akong kinuha sa refrigerator nyo. Umalis na din po ako kasi po nakakahiya hindi na rin po ako nakapagpaalam ng maayos. Maraming salamat po ulit.
Ranze
Aba marunong rin naman pala magpasalamat ang mokong na yun, so Rance pala ang pangalan nya. Tinikman ko na ang niluto nya at masarap....Oo sobrang sarap nyaaaa. Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ko sa parking lot at sumakay ng kotse ng mag ring ang phone ko- Si mama tumatawag.
"Hello po ma?"
"Darling san ka natulog? Nagaalala ako sayo kagabi pa ko tumatawag ah"
Malambing na nagaalalang tanong ni mama sakin. Ganyan talaga si Mama sobrang protective sakin nagiisa kase akong anak wala akong kapatid pero gusto ko may kapatid ako.
"Ahh sa apartment ko po ma"
Sagot ko"Sige, papasok ka na ba?"
"Opo"
"Sige ingat ka sa pagda-drive ha"
Pagpapaalala ni mama sakin"Sige po bye love you"
"Bye, love you too darling"
Nagpatuloy na ko sa pagda-drive papunta sa school pagdating ko sa school pinarada ko na sa parking lot ang kotse ko at natanaw ko na nakaupo sa bench sina Micca at Liane, halatang hinihintay ako.
"Micca, Liane"
Tawag ko sa kanila at nagmamadaling pumunta sa kanila.
"Good morning"
Bati sakin ni Micca"Good morning din"
"Tara pasok na tayo late na din"
Wika ni LianePumasok na kami sa aming mga klase kaya magkakahiwalay na naman kami.
"San nga pala tayo pupunta mamaya?"
Tanong ko"Sorry hindi ako makakasama may practice kasi kami mamaya sa music club"
Sagot ni Liane"Ako din si ako makakasama, may lakad kasi kami nila daddy at mommy kaya hindi rin ako makakasama once in a blue moon lang kase to' eh kaya Haeley sorry ha" Sagot naman ni Micca
"Ano ba kayo ok lang"
Sagot ko habang nakangiti"Ah sige dito na room ko, pasok na ko ingat kayo, bye"
Pagpapaalam ko sa kanila at pumasok na.Pano yan may lakad sila wala akong kasama mamaya magbabasa na lang siguro ako sa may gymnasium. Pagkatapos ng klase ko ay pumunta muna ako sa library para manghiram ng libro at pupunta na rin ako sa gymnasium, mamaya pa naman ang next class ko. Pagpunta ko sa gymnasium merong mga naglalaro ng basketball mga varsity yata. Umupo na ko sa isang sulok at sinimulan magbasa ng may marinig akong sumigaw...
"WATCH OUT!!"
Di ko napansin ang bolang tatama sakin dahil natuliro ang isip ko di ko alam kung anong gagawin. Ang sakit, natamaan ako ng bola sa ulo tumayo ako para tanungin kung sino ang nakatama ng bola sa ulo ko pero nahihilo ako kaya natumba ako at naramdaman ko na lang na may sumalo sakin bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Kurt's P.O.V.
Binuhat ko sya papunta sa clinic para makapagpahinga, napalakas yata yung tama ng bola sa ulo nya. Kainis.
"Nurse Jean pakitulungan naman ako dito"
"Ano bang nangyare sa kanya"
"Natamaan kasi sya ng bola sa ulo hindi ko naman sinasadya tapos yun nawalan sya ng malay"
Paliwanag ko kay nurse Jean"Ahh sige gagamutin ko lang ang bukol nya sa ulo at pahinga lang ang kailangan at magiging ok na din sya."
"Sige po maraming salamat"
Sana naman magising na sya para makahingi ako ng tawad sa ginawa ko
"NASAN SI HAELEY!!!"
Nagulat ako ng may biglang sumigaw"IKAW!!IKAW BA MAY GAWA NITO?!"
Sigaw nya sakin habang dinuduro ako"Micca kalam ka lang pwede?"
May dalawang babae ang dumating siguro mga kaibigan nya to' pero ang cute nilang tatlo.
"Hi, let me introduce my self may name is Kurt De Chavez, varsity player of basketball and vice president of music club"
Pagpapakilala ko"EHH? So magkakilala kayo ni Liane?!"
Gulat na tanong nya"Yup"
Sagot ni Liane"Sor--"
Naputol na ang sasabihin nya ng magsalita ako"No need, I'm the one who accidentally throw the ball to your friend, I'm sorry"
Paghingi ko ng tawad sa kanila"Ok lang ba sya?"
Tanong ni Liane"Ok lang naman sya sabi ni nurse Jean pahinga lang daw ang kailangan, Sige una na ko may practice pa kasi kami sa basketball paki sabi na lang sa kaibigan nyo sorry saka nasa gymnasium pa pala yung kanyang mga gamit, Sorry ulit"
Paulit ulit akong nagsorry nakakahiya naman kasi.
Umalis na ko at bumalik sa gymnasium para magpractice pero dinala ko muna yung gamit nang kaibigan nila.
"Bro ayos lang ba yung binato mo este yung tinamaan ng bola?"
Nakangising tanong ni Ranze"Oo ayos na at ikaw sinabihan na kita pag yang lagnat mo bumalik bahala ka di ka makakapagpractice at baka di ka pa isama sa liga eh halata pa nga yang mga pantal mo eh"
Pagsesermon ko ulit kay Ranze na Ikinatahimik nya
"Sige una na ko"
Pagdating ko sa clinic palabas na rin sila nagmadali ako at ibinigay ang gamit niya at humingi ng paumanhin
"Nga pala Sorry pala Miss dun sa kanina"
"Ok lang di mo naman sinasadya diba?"
Tanong nya"Yes its accident, thank you for forgiveness"
Pagpapasalamat koUmalis na ko at bumalik sa gymnasium ano ba tong nararamdaman ko kapag nakikita ko sya?? What a strange feeling.