Rafael's P.O.V.
Pinilit ko si Mama kagabi na pumayag na sa plano namin kaso ang sabi nya ay junior at senior high lang pwede, bawal ang elem. at college pero ok lang naman daw dahil nasabi ko na kanila Liane.
Nasabi narin sa lahat ng junior at senior na ngayon ang simula ng practice dahil kaninang umaga ay diniscuss na ng mga teacher ang tungkol dito. Nasabi ko na din kay Ivan na huwag papasukin si Haeley kung maaari ay pagbakasyunin muna sya sa ibang lugar. Para di nya malaman ang tungkol sa surprise.
Kaya nandito kami sa field sa harap ng school. Para magpractice.
"Ok.... Attention everyone.."
Sabi ko gamit ang mega phone."Start na ng practice natin ngayon sana naman maging maayos ito dahil ilang araw lang 'to. Inaasahan ko ang cooperation ng bawat isa. Wag kayong mag alala di mababawasan o baba ang grades nyo bagkus ay tataas pa dahil sa pagtulong nyo dito."
Paliwanag ko naman sa kanila at mukhang masaya sila sa narinig dahil naghiyawan sila at nagyakapan sa mga kaibigan nila."Ok fall in line at magsisimula na tayo!"
Sabi ko naman ulit sa kanila.Si Liane at Ivan ang nasa taas ng building para tingnan kung ayos ang pagpo-form namin ng SORRY habang si Kurt at Micca naman ang assign sa mga kamag aral kung anong kailangang gawin.
Pero minsan tumutulong din kami ni Ranze.Maaga kami nagpractice dahil baka maluto kami dito kapag tanghali at pahapon na kami nagpractice kaya 5:30 to 8 lang kami. Medyo bitin sa oras pero dapat kayanin.
Di na kami nagbreak time dahil ilang oras lang naman. Pwede naman siguro pagkatapos na lang. Nababagot ako, wala kase si Haeley eh. Wala akong maasar.
Ivan's P.O.V.
Nasa bintana kami ni Liane ngayon dahil pinapanood namin ang ginagawa nila. Tatawag na lang kami pag may mali. Nasa classroom kami parehas at simula nang pumasok kami dito, wala kaming imikan ni Liane. Napakatahimik. Nakakabingi. Kaya magtatanong na lang ako nang kung ano-ano kay sa kanya.
"Hoyy...."
Tawag ko sa kanya na nakatingin lang sa labas ng bintana."Liane.."
Sabi naman nya sakin. Oo na sa pangalan mo na kita tatawagin."Liane sino Crush mo?"
Tanong ko naman sa kanya. Wala naman sigurong masama diba? Curious lang din ako."Bakit gusto mong malaman?"
Seryosong tanong naman nya pabalik. Bat nga ba naitanong ko?."Wala lang, sagutin mo na lang kasi"
Sabi ko naman sa kanya."Secret yun walang dapat makaalam."
At talagang may pasecret secret pang nalalaman."Kung ayaw mong sagutin tanong ko, ako na lang sagutin mo"
Pagbibiro ko naman sa kanya. Pero tiningnan nya lang ako nang masama. Bat ganon? Ang hirap nyang patawanin? Kailangan ko na naman bang magpakacorny mapatawa ko lang ulit sya?"Isip ka Ivan ng banat kahit corny...."
Bulong ko naman sa sarili ko."Liane Panganib ka ba?"
Sana may effect hahaha."Bakit?"
Nyaaa hahahaha sumagot.. Chance ko na 'to mga par."Kasi bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nandyan ka"
Napangiti naman si Liane. Galing ko talaga!."Wow ha."
Sagot naman nya. Hahaha bat ganon crush ko naman sya ah. Masungit nga lang."Ako naman may banat din ako sayo"
Sabi naman nya ulit sakin."Ano yun?"
Tanong ko naman pero di ako nagpahalata na excited ako sa sasabihin nya."You make my Heart melt faster than a marshmallow in a mug of hot chocolate."
Tumingin sya sakin at ngumiti ng bahagya.
