Haeley's P.O.V.
Pauwi na kami galing sa camping at bukas liga na nila Ranze at Kurt. OMG hindi ko alam sa sarili ko basta excited ako magbukas. Nagliligpit na kami ng mga ginamit namin sa camping at pagkaayos ilalagay na lang sa bus na sinakyan namin di na kami naligo ng mga kaibigan ko hahaha paguwi na lang baka kase maiwanan pa kami eh, mga kaibigan ko di sanay maiwan.
"Oh tapos na ba dyan wala ng naiwan?"
Tanong ni Ranze"Wala na, ok na lahat. Dalhin na lang natin sa bus"
Tugon ni Micca"Sige buhatin na natin ang mga toh"
Sambit ko habang dala dala ang mga ginamit namin kawali at kalderong mauling.
Naglalakad na ko malapit sa bus at nakayuko na ko para ilalagay sa luggage ang kaldero at kawali ng sanggiin ako ng isang lalaki at napadikit sa muka ko at puting damit ko yung mauling na kaldero."Ay walang joh naman!"
Sigaw ko"Ay sorry miss sinasadya ko"
Abay talagang sinusubukan ako nitong lalaking toh
"Baka gusto mo ng black eye?"
"Ay di na po black na po yung eye ko eh salamat na lang po sa alok nyo"
Abay napaka pilosopo po pa pigilan nyo ko ay, Oo nga pala wala akong kasama. Habang naglalagay si Rafael sa luggage ng bus ay may naisip akong kalokahan. Umalis ako at ibinababa ang sarado ng Luggage at naipit si rafael
"AAAARRRRAAAYYY!!!"
Sinubukan nyang itaas ang pinto ng luggage pero di nya kaya kasi tinutulak ko hahaha
"Ohh ano ka ngayon letche ka"
Asar ko sa kanya habang tinutuunan parin ang sarado ng Luggage"Miss tamana nasasaktan na ko"
"Dapat lang yan sayo tingnan mo ginawa mo sa itsura ko pinagmuka mo kong taong uling"
Agad kong binuksan ang pinto ng luggage dahil parating na ang mga kaibigan ko at iba pang mga istudyante
"Aray ko miss ha gantihan talaga??"
"Abay oo"
"Haeley magkakilala kayo?"
Tanong ni Liane"Ahh yang mokong na yan bat sino ba sya?"
Pagkokunwari na di ko sya kilala"Haeley anak sya ng principal"
Wika ni liane"Huh?"
Gulat na gulat ako sa sinabi ni Liane
Pero parang wala lang sakin dapat di ako magpaapekto, yang bwesit na mokong na yan never akong magso-sorry dyan"Ahh ganun ba, pake ko?"
Sabay akyat sa bus at pinagtitinginan ng mga estudyanteng naka upo na, pinagtatawanan pa nila ako habang isang istudyante ang nagsenyas na madumi muka ko. Nga pala naulingan muka at damit ko kaya agad agad akong yumoko papuntang likod.
"Sorry po sa ginawa ng kaibigan namin sana po mapatawad nyo sya"
Nakita ko sa bintana na humihingi ng paumanhin sa ginawa ko si Ranze. Gusto kong pigilan pero alangan naman bumaba pa ko?. Umakyat na din sila. Sa likod kaming lima umupo at nakiepal pa si Rafael. Maya maya lang ay nagsidatingan na ang mga iba pa namin mga kasama at umalis na din agad. Nagulat ako ng biglang lumapit si Ranze sakin.
"A-ano ginagawa mo??"
Tanong ko habang papaatras"Wag kang malikot"
Pinupunasan nya ang uling sa muka ko."Ang dugyot mo na"
Sweet moment na sana eh pero sinabihan ako ng dugyot.
"Siguro naman wala ng uling sa muka k-"