Liane's P.O.V.
Nasa music club ako ngayon at nagpapractice para sa school festival kasi naisip ko kung harana booth nalang ang gagawin naming mga officers ng music club. Di ko naman inaakala na papasok si ivan at pinalakpakan pa ako.
Aamini ko na may crush na ako kay Ivan nung una palang syang pinakilala ni Haeley samin. Totoo pala ang love at first sight, nasabi ko lang kasi natamaan ako hehe.
Palabas na ako ng club at nakasalubong ko si Ivan.
"Uyy Liane!"
Tawag nya sa pangalan ko kaya nilingon ko sya."Bakit, anong kailangan mo?"
Walang emosyon kong tanong sa kanya. Ganto lang dapat ako lagi, dapat walang mababago sa ugali ko kahit nandyan si Ivan baka kasi maghinala mga loka kong kaibigan."Pauwi ka na ba?"
"Oo"
"Pwede bang sabay na tayong bumaba papuntang parking lot?"
Tanong nya na sinangayunan ko naman"Sigs"
Tugon koNaglalakad kami ng magkasama papuntang parking lot at ang wala man lang samin nagsasalita kaya tatanungin ko na lang sya kung san syang club sasali.
"Ahmm Ivan?"
Pagbasag ko sa katahimikan sa paligid"San ka palang club sasali? Meron na ba?"
Sabi ko ulit sa kanya"Actually wala pa eh"
"Eh kung sa music club ka na lang sumali"
Napatingin sakin si Ivan. Nagmukha tuloy ako ewan.."Sorry di naman sa dinidiktahan kita kung saang club ka sasali nagsusuggest lang ako"
Sabi ko na diretso lang ang tingin sa daan. Nahiya ako eh haha."Pagiisipan ko"
Sambit nya"Ahh sige "
Hanggang sa makarating na kami sa parking lot at nagpaalam sa isa't isa
"Sige Ivan una na ko"
At tumango lang syaSumakay na ko sa kotse at iniisip ang ka bobohan kong pinagsasabi.
"Haysssttt"
Napaubob na lang ako sa manibela ng sasakyan at tatlong beses pinukpok ng malakas ang busina. Tumunhay na ko at nagdrive na pauwi.Haeley's P.O.V.
Nauna na akong umuwi kay kuya dahil may gagawin pa sya sa library. Habang ako naman ay nag-gagawa ng assignment sa math pero nakakainis kasi di ko matandaan ang gagawin kung pano isolve. Di naman kasi lahat ng top students ay magaling sa lahat ng bagay. Mamaya ko na nga toh tatapusin papagawa ko nalang kay kuya Ivan.
"I'm home"
Gumuhit ang isang malaking ngiti sa aking labi ng marinig ko ang boses ni Kuya Ivan"Kuya Ivan!"
Pagsalubong ko sa kanya"Oh why sweetie?"
"Can you do my assignment in math?"
Nag papuppy eyes na ko para mapapayag ko sya nagawin ang assignment ko."No"
Sagot nya"Bakit naman po hindi?"
Kunwari paiyak na ko para maawa sakin si kuya pero walang epekto"Gawin mo yan ng sarili mo lang kung di mo matandaan may libro naman browse it para malaman mo kung pano sagutan"
"Hmmmpp..."
Nakasimangot akong umalis sa harap ni kuya at kinuha na ang aking libro para basahin"Sweetie?"
Tawag nya sakin pero di ako lumilingon"Nagtatampo ka na naman ba?"
Tanong nya habang papalapit sakin