Chapter 42

22 4 0
                                        

Haeley’s P.O.V.

Isinama ako nina Mama at Papa ngayon sa business trip nila sa Cebu. Nalulungkot ako kase di ko pwedeng isama si Ranze. Si kuya naman di ko na din pinasama para may kasama si Liane. Puno ng problema tropa ko ngayon tapos saka pa ko aalis. Ewan ko din kung bakit ako sinama ni Mama papuntang Cebu pero si Papa ayaw nya, wag na daw akong isama at wala nga naman daw akong gagawin don pero mapilit si Mama kaya in the end nakasama ako.

Gabi na kami ng makarating sa Cebu kaya dumeretso na kami sa hotel na tutuluyan namin. Dalawang room ang binook ni Papa para daw sakin yung isa at yung isa naman ay para sa kanilang dalawa ni Mama. Pagpasok ko sa silid ay ayos naman, maganda. Nahiga ako sa malambot na kama at nagcellphone. Una kong tinawagan si Kuya.

-Hello kuya
-nakarating naba kayo sa Cebu?
-Opo, kamusta po kayo dyan?, kumain na po ba kayo?
sunod sunod kong tanong kay kuya .
-Of course, kasabay ko si Liane.
-at panong?
-Nasa kanila ako, pinababantayan sya sakin ng mga magulang nya kaya guard ako ngayon.
-Siguraduhin mo lang kuya ha.
-Yes ma’am!, ok bye na at tinatawag na ko ni señorita.
-Ok, bye. Good night po
-Good night love you sweetie.
-love you too

Ibinaba ko na at hinanap naman ang contact no. ni Ranze. Ang tagal na nagriring pero di nya sinasagot. Busy ata to’. Nang tingnan ko ang phone ko at may text si Ranze.

>Hi Haeley, di ko masasagot tawag mo. Nasa labas ako ng Hotel na tinutuluyan nyo ni Tito at Tita. Puntahan mo naman ako dito, miss na kita agad e’, di ko kaya na wala ka. >_<

<hintayin mo ko papaalam lang ako.

Tumayo agad ako at pumunta sa kwarto na tinutuluyan nila Mama at  Papa. Kumatok ako ng tatlong beses. At si Mama ang nagbukas ng pinto.

“Ma, lalabas lang po ako sandali.”
pagpapaalam ko.

“Why darling?”
Si mama nagtanong pa.

“Please?, madali lang po”
Pakiusap ko kay Mama na alam kong din na naman ako papayagan.

“oh sya sige basta magiingat ka ha.”
Tumango na lang ako at nagmadaling lumabas. Pagkalabas ko ay hinanap ko si Ranze pero wala naman akong makita na Ranze dito. Bigla na lang may Van na tumigil sa harapan ko at hinila ako papasok.

“Ano ba? Nampaprank ka ba Ranze?, pwes di nakakatuwa!. Manong itigil nyo tong sasakyan.”
Napansin ko na ang tahimik nilang lahat. May masama ba akong nasabi?.

“Tumahimik ka na lang kung ayaw mo pang mauna sa langit!”
Sigaw naman nung lalaki sakin na sa tingin ko ay si Ranze, nagiba lang ng boses.

“Kurt ikaw kasabwat ka pa ng kaibigan mong si Ranze, mga sira ulo talaga kayo!”
Sabi ko naman sa dalawang lalaki ng nakahawak sakin. Nagulat na lang ako nang tutukan nila ako ng baril.

“Kayong dalawa ha, d-di na nakakatuwa yang pinaggagagawa nyo sakin.”
Nagsimula na kong manginig dahil mukhang totoo yung baril na nakatutok sa ulo ko.

“Miss hindi kami ang mga kaibigan mo ok?, Kidnapper kami at kinidnap ka namin”
Paliwanag naman nung lalaki na nasa kaliwa ko.

“So bakit nyo ko kinidnap mga hangal?”
Sarkastiko kong tanong sa kanilang dalawa kahit sa loob loob ko ay takot na takot na ko sa pwedeng gawin ng dalawang to’.

“Pwede bang wag kang madaldal?, nabibingi na ko sa boses mo”
iritadong sagot naman nung lalaking nasa kanan ko. Bigla ako napasubsob ng biglang magpreno ang driver ng Van.

“Ano ba yan kuya dahan dahan naman, gusto mo na ata kaming patayin e’"
Reklamo ko naman sa Driver nang sinasakyan naming Van. Tiningnan nya lang ang mga kasamahan nya at sinenyasan na patahimikin ako.

Nagulat ako nang bigla nilang itali ang kamay at paa ko, nilagyan din nila ng tape ang bibig ko kaya din na ko makapagsalita. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may hawak silang gunting at ginugupit ang suot kong blouse. Ghad this is not a joke anymore. Naririnig ko ang mga nakakalokong tawa nila habang patuloy pa rin sila sa paggupit sa blouse ko. Bigla na namang napapreno ang driver kaya dumaplis sa balat ko ang matalas na gunting na ginagamit nila.

“Brad… Mag drive ka naman ng maayos.”
Angal naman nung dalawang lalaki.

“Sensya na brad.. daming tanga sa daan e’”
Nang matapos silang magusap ay tinuloy na nila ang ginagawa nila sakin. Sh#t. Anong gagawin ko? Pano ko makakawala sa mga bastos na to’?

Napaiyak na lang ako ng maalis na nila ang suot kong blouse at naka Bra na lang ako.

“Tingnan mo Brad, ang kinis oh”
napapikit ako dahil hahawakan sana ako nung isang lalaki pero tumigil na ang sinasakyan naming Van.

“Tigilan nyo na yan. Nandito na tayo.”
Sabi naman nung Driver.

“Ano ba yan kung kelan naman…”
Salamat at din na nila naituloy ang gagawin nilang kamanyakan sakin.

“Ipasok nyo na yan sa loob at kanina pa yang inaantay ni Madam.”
Madam? At ano naman kayang atraso ko sa kanya? Binuhat ako nung isang lalaki na parang sako sa balikat nya papunta sa loob. Feeling ko mapupunta lahat ng dugo ko sa utak.
WTF! MY SHOES!

Ibinaba nila ako sa isang kwarto na ang sang sang nang amoy… May lamesa sa harap na nababalutan ng puting tela na walang bahid ng kahit na ano. Ikinadena nila ang paa ko kaya hindi ako makaalis sa kinaroroonan ko na napakabahong lugar.

“Pakawalan nyo nga ako dito!, Ano ba kaseng kailangan nyo?!”
Sigaw ko sa dalawang lalaki na kumidnap sakin. Pero di nila ako nilingon at lumabas na sila sa silid kung saan nila ako kinadena.

“BUMALIK NGA KAYO!, WAG NYO KONG IWAN DITO! LANGYA NAMAN!”
sigaw ako ng sigaw pero walang bumabalik para pakawalan ako. Halos masuka na ko sa amoy. Iginala ko ang aking paningin sa buong paligid at nakakatakot ang lugar na ito.. wala man lang ilaw. Liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag upang makaaninag ako ng mga bagay bagay.

Basag basag din ag bintana ng silid kaya pumapasok ang malamig na hangin. Hindi pa ako kumakain kaya nagugutom ako. Natatakot na ako… Wala bang nakakapansin na nawawala ako? Lord, tulungan nyo po ako.

Napalingon ako sa Pituan ng silid. May naririnig akong mga footsteps na papalapit saakin, sa silid na kinalalagyan ko.

“Oh hello dear… I know you know me.”
Kinilabutan ako nang Makita kung sino ang aking nakita. Hindi ako makapaniwala na magagawa nya to’ sakin. Pinagkatiwalaan ko sya at iginalang tapos magagawa nya to sakin?.

Lhea’s P.O.V. (Haeley's mother)

“Hon, bumalik na ba si Haeley?”
Tanong ko sa asawa ko.

“Hindi pa hon e’. Bakit saan daw ba sya pupunta?”
Tanong nya…

“Nako Hon, samahan mo ko tingnan natin sya sa labas.”
Agad akong bumango at nagsuot ng jacket. Pagdating naming sa labas ay may naapakan akong kung ano kaya tingnan ko kung ano yun.

“Oh Hon, Anong nakita mo?”

“Hon, Nawawala ang anak natin!”
natataranta na ko, baka kung ano pang mangyare kay Darling nagiisa na nga lang naming syang anak tapos mawawala pa sya.

“Ok I’ll call the police”
Sabi ng asawa ko. Bigla akong nakaramdam ng malamig na pawis at hirap na din akong huminga.

“Hon ok ka lang?”
Hindi na ko nakasagot at natumba na lang ako bigla.

Please Lord, save my Daughter.

Save me Where stories live. Discover now