Ivan’s P.O.V.
Siguro kung araw araw dumadalaw dito si Ranze lagi yung may dalang pagkain para sa matakaw kong kapatid.
“Kuya..”
nilingon ko ang tumawag sakin ng kuya at aba mukhang may isa pang prinsipe ang dumating. Aba may dala ding pagkain para namang wala kaming pambili ng pagkain dahil sa dalawang to’“Asa taas si sweetie, kasama si Ranze. Anong meron at dumadalaw kayo dito samin?”
taas kilay kong tanong kay Rafael“Ito pala kuya… enjoy, puntahan ko lang po si Haeley”
Iniabot nya sakin ang mga pagkain na pinamili nya. Busog na kase ako kaya nilagay ko na lang sa ref.Bat kase ang ganda ni sweetie yan tuloy mukhang tataba ako sa pagkain na dinala nila.
“Hala yung mga baby ko”
tiningnan ko ang abs ko. Baka maging tabs. Kaya tinawag ko na si manang para ligpitin ang mga pinagkainan ko at pupunta muna ako sa gym.Ranze’s P.O.V.
Pababa palang ako ng hagdan ng makita ko si Rafael na kausap ang kuya ni Haeley kaya agad akong bumalik sa kwarto ni Haeley.
“Oh ang bilis mo naman ata?”
takang tanong ni Haeley“ah wala, nakita ko kase busy ang kuya mo eh”
Naririnig ko na ang mga hakbang ni Rafael paakyat dito kaya lumapit ako kay Haeley at hinawakan sya sa kamay .“Ano na naman bang ginagawa mo?”
“Hinahawakan ang kamay ng kamahalan..”
“Hi Hae--“
“Oh Rafael napadalaw ka?”
Tanong ni haeley at binitawan ako…“Ahmm sorry naabala ko ata kayo”
Talaga.“Hindi naman. so… nandito na din naman kayong dalawa, mabuti pa mag movie marathon na lang tayo”
Ano daw movie marathon? kasama si Rafael? I think its not a good idea.Tumayo na si Haeley at bumaba na, mukang sa baba kami manonood. Tiningnan ko ng masama si Rafael bago sumunod kay Haeley.
“Anong gusto nyong movie?”
tanong naman ni Haeley.“Horror!..”
sabay naming sabi ni Rafael. Bat ko ba nasabi yon?, hindi naman ako mahilig sa horror.“WOW, sabay pa kayo. Ang tinatanong ko ay anong movie hindi kung anong genre ng movie.”
"Annabelle na lang?"
Suggest ko"Wala bang iba?"
tanong naman ni Rafael."Wag mong sabihing natatakot ka sa manika?"
Asar ko naman sa kanya. Ayaw nya ba ng sinuggest ko?"Hindi ha... Sige yun na lang kung yun ang gusto mo"
Inis naman nyang sagot.Umupo na kami sa sofa at nagsimula na ang movie. Una palang kinakabahan na ko pero di ko pinapahalata kase baka isipin ni Haeley lalo na tong si Rafael na bakla ako.
Rafael’s P.O.V.
Napalunok ako ng magsimula na ang movie. Sh#t di ako mahilig manood ng horror. Baka mamaya paglumabas na yung si Annabelle, mahimatay ako dito.“Rafael, asan yung pagkain na binili mo?”
Nagulat ako kay Haeley nang tawagin nya ko, pano ba naman kase focus ako sa panonood tapos bigla nya kong tatawagin. Hinihintay ko kung anong itsura nung Annabelle eh para sa susunod na lalabas di na ko matakot.“Here”
iniabot ko sa kanya ang mga pagkain na binili ko na para naman talaga saming dalawa but I guess bibigyan din ni Haeley si Ranze.Haeley’s P.O.V.
Alam ko na malapit na magpakita yung nakakatakot na muka dun sa pinapanood namin, kaya excited na ko Makita ang magiging reaction na dalawang to’. Mukhang nabigla lang sila sa pagsabi nila ng papanoorin namin. Trying to impress me huh?. Nasapagitan ako ni Rafael at Ranze nakaupo.
3…2…1…
Biglang napabalikwas si Ranze ng biglang lumabas ang nakakatakot na itsura sa malaking screen ng TV habang si Rafael naman ay hindi makagalaw sa kanyang kinauupuan.
“Huy, Ok lang?”
tanong ko sa kanya pero hindi pa rin sya kumikibo and he’s holding his chest. Napansin ko din na Hirap syang huminga.“Ranze tulungan mo ko, Ano bang nangyayare kay Rafael? Dalhin na natin sya sa hospital”
Taranta kong turan kay Ranze. Agad inalalayan ni Ranze si Rafael papunta sa kotse. Nasa likod ako kasama si Rafael habang si Ranze naman ang nagda-drive.“Sorry Rafael, di mo naman kase sinabi na di ka nanonood ng mga horror movie. Napahamak ka tuloy dahil sakin. Sorry talaga.”
bulong ko sa kanya at nagbabadya ng pumatak ang mga luha ko.Pagkadating namin sa Hospital ay agad namang may nagassist kay Rafael at may Doctor na din na agad tiningnan si Rafael. Kaya naghintay na lang kami ni Ranze Hanggang sa tawagin kami ng Doctor.
“Doc, kamusta po si Rafael?”
Tanong naman ni Ranze na di ko inaasahan, nagaalala din naman pala sya kay Rafael kahit magkaagaw silang dalawa.“Ok naman sya. Based on his situation right now. He have a pediophobia, which is fear of dolls or sa horror movie na kadalasan ay mga manika ang Kadalasang makikita. Ano bang ginawa nya bago sya magkaganon?”
So may Phobia pala si Rafael, Tapos ang pinanood naming movie ay Annabelle.“Ahmm, nanonood po kasi kami ng Annabelle kanina bago sya magkaganyan.”
sagot ko naman sa doctor.“next time ay alam nyo na naman ang dapat gawin para di sya mahirapang huminga at manikip ang dibdib. Wag nyo syang payagang manood ng mga ganoong palabas. So maiwan ko na kayo ha. At may nagaantay pa sakin.”
“Salamat po doc.”
paalala naman ng doctor at umalis na, habang ako naman ay dumiretso na sa loob ng silid ni Rafael at naabutan namin syang tulog.“Rafael, I’m so sorry di mo naman kase sinabi na may phobia ka yan tuloy tingnan mo nagyare sayo”
I felt so guilty, ng dahil sakin muntik na syang mapahamak.“Don’t worry I’m fine”
Saad naman ni Rafael na nagising na.“Sira ka talaga di mo sinabi na may phobia ka sa mga manika tapos nanood pa tayo ng anabelle”
sermon ko naman sa kanya at sabay nagcross arm.“wag mong sisihin ang sarili mo dahil sa nangyare sakin ha?. Ako naman may kasalanan at saka wag mo na ding ipaalam kay mommy ang nangyare sakin”
pakiusap naman ni Rafael habang hawak ang kamay ko.“pero..”
“Please?”
“Fine.
Bigla ko namang naalala si Ranze na nakaupo lang sa couch malapit sa pinto at nang tingnan ko sya ay ang sama ng tingin nya samin ni Rafael.Kanina alalang alala sya kay Rafael tapos ngayon kung makatingin daig pa ang kakain ng tao.
“Ano uuwi pa ba tayo?”
ramdam ko ang pagkainip at pagkainis sa boses ni Ranze kaya naman wala na kaming nagawa ni Rafael. Nakahawak parin sya sa kamay ko, gusto ko ng bawiin ang kamay ko pero ang higpit ng pagkakahawak nya.tiningnan ko sya sa mata na parang nagsassabi ng bitawan nya na ang kamay ko at mukhang nakuha naman nya ang nais kong iparating kaya binitawan na nya ako.
