Haeley’s P.O.V.
Nasa mall kami ngayon ni Ranze, naghahanap ng pangregalo para kay Micca. malapit na kasi ang 18th birthday nya eh. kanina nga inabutan pa kami ni Ranze ng invitation cards at pati sila mama at papa invited din. sana umattend man lang ang mama ni Micca ngayong 18th birthday nya siguradong matutuwa yun.
“ano may nahanap ka na?”
tanong naman sakin ni Ranze.“bakit? meron ka na bang nakita?”
tanong ko naman sa kanya pabalik. kanina pa nga ako dito pero wala parin akong napipiling panregalo para kay Micca. Ang alam ko lang naman na hilig non eh magbasketball, manood ng movie. oo tama CD na lang ibibigay ko sa kanya. pumuli agad ako ng mga action movie at kinuha ko yon lahat. siguro naman madali lang matatapos ‘to ni Micca.“Haeley ang dami naman nyan ah”
puna naman ni Ranze sakin. ito lang kase ang alam kong maireregalo sa kanya.“yaan mo ng madami pandagdag na lang sa collection nya.”
habang kumukuha pa ko ng mga CD may nakita akong isang CD at alam kong ayaw ni Micca ng love story kaya kinuha ko din yun para naman matry nyang manood ng ganong genre ng movie.“tara na, saka ano ba yang binili mo para kay micca?”
“relo, ito oh”
sabi ni Ranze at ipinakita sakin yung relo. at ang ganda sana ako din binilhan. ano ka ba Haeley edi bumili ka ng iyo!. sabi ko naman sa isip ko.“ang ganda naman nyan. sigurado akong magugustuhan yan ni Micca.”
pagkatapos naming mamili ng pangregalo para kay Micca ay pumunta naman kami sa boutique para bumili ng susuotin. Ang sosyal kase ng birthday party ni Micca, pero alam kong hindi sya ang nag plano nito, siguro relatives nya. dapat kase floral daw yung suot kaya ito naghahanap kami ni Ranze.
Pati nga yung invitation floral yung design tapos amoy Rose pa. pati invitation pinagkagastusan. syempre minsan lang ‘to kaya binonggahan na. hindi kami magkasama ni Ranze dahil magkaiba ang nagassist sa amin.
“Ma’am yan na po lahat ng design ng floral ang meron dito. Pili na lang po kayo and once na nakapili na po kayo. sabihin nyo lang po sakin.”
sabi naman nung nagaassist sakin.“Ok”
wala akong masabi ang gaganda ng designs. parang gusto kong sukatin lahat pero nakakahiya naman. Nakakaagaw pansin yung isang gown don sa sulok kaya tiningnan ko yon at wow ang ganda!. Lavender ang kulay nya at may design na mga bulaklak. agad ko naman tinawag yung ateng nagaassist sakin kanina.“Yes ma’am?”
tanong nya pagkalapit sakin.“pwede ko ba ‘tong sukatin?”
tanong ko sa kanya at itinuro yung gown“of course Ma’am, Punta na lang po kayo sa Fitting room ako na po magdadala nito don”
sabi naman niya pero parang gusto ko syang tulungan kase mukhang mabigat yung
gown eh.“Tulungan ko na kayo dyan”
sabi ko dun sa ate at pumayag naman sya, ang lawak ng fitting room nila, mga kasing laki ng kwarto ko.
Pagkasuot ko ng gown, humarap ako sa salamin.“ang ganda, bagay na bagay po sa inyo”
puna naman ni Ate.wala akong masabi dahil sobrang ganda parang ayaw ko ng hubadin. Ganto na lang kaya ako paguwi? ay sira syempre hindi pwede. Pagkatapos kong sukatin ay nagpalit na ko nang damit at sinabi ko na kay ate na yun na yung bibilhin ko.
nakaupo ako ngayon sa sofa dito sa loob parin ng boutique, hinihintay si Ranze, napakatagal kase. pero maya maya pa ay lumabas na din sya. tumayo na ko at kinuha ang binili kong gown.
“nasan ang binili mo?”
tanong ko kay Ranze. gusto ko lang makita yung binili nya eh.“wag na sa party mo na lang tingnan ang kapogian ko habang suot yon”
pinaningkitan ko siya ng mata sa sinabi nya, masyado syang confident na pogi talaga sya. halos parehas na parehas sila ni Kurt.“Hay nako ewan ko sayo”
naglakad na ko palabas ng boutique. at nakasunod naman sakin si Ranze.“Tara kain muna tayo, gutom na ko eh. ikaw gutom ka na ba?”
tanong naman nya pero tatangi na sana ako ng pangunahan ako ng tyan ko.“gutom ka na nga, sige kain muna tayo. san mo gustong kumain?”
tatanggi pa ba ko edi hindi na!, saka gutom na din ako eh.“Kahit saan basta libre mo”
sabi ko kay Ranze habang nakangiti at nakatingin sa kanya.“Oo na, libre na kita.”
hanggang tenga na naman ang ngiti ko dahil libre na naman ako ni mokong. Gustong gusto ko talaga yung libre eh. May pera naman ako kaso iba pa rin pag libre.Kumain kami sa Jollibee!! Hahaha wala lang, gusto ko lang sa jollibee. gusto nga ni Ranze sa Inasal pero syempre ako panalo.
“So… san tayo pupunta pagkatapos nating kumain?”
nagsisimula pa nga lang kumain aalis na agad. atat? atat?“Tara sa park…”
aya ko sa kanya. malapit lang naman park dito at saka gusto ko lang mag SWINGGGG!!! favorite ko din kaya yun. Minsan na nga lang ako nakakapagswing kase wala akong kasama saka busy sa school.“Sige, alam ko namang gagawin mo lang akong tagatulak mo sa swing eh”
saad ni Ranze. At pano nya nalaman ang plano ko?, mind reader ba ‘tong si Ranze?“hehehehe sige na plss?”
nagpuppy eyes pa ko.“oo na, ikaw pa?! matiis ko?, nako ang lakas mo kaya sakin.”
HAHAHA wag kang ganyan kinikilig ako..pagkatapos naming kumain ay dumiretso agad kami sa Park. Ang daming tao. Pati sa swing ang daming bata. Kaya naupo na lang ako sa bench nagiintay kung kelan aalis yung bata sa swing. pero anong oras na di pa ko nakakapaglaro.
“oh bakit ka naman malungkot?”
tanong naman ni Ranze na naka upo lang sa tabi ko. Napatingin sya sa mga batang nags-swing. tumayo sya bigla at papunta sya sa mga batang naglalaro. Hala baka harasin ni Ranze yung bata… patay na..
tumayo ako at agad pinuntahan si Ranze.“Oh yan na. Mag swing kana bilis. Baka mawala ako sa mood di na kita itutulak.”
sabi naman sakin ni Ranze. at yung batang naglalaro don kanina. pumunta na sa nanay nya at may dalang ice cream siguro binigyan ni Ranze.“nyaaa Thank youuu”
lagi talaga akong pinapasaya ni Ranze. Gagawa at gagawa sya nang paraan para mapasaya ako. Habang nags-swing ako parang nakita ko si Rafael kaya sabi ko kay Ranze bantayan muna yung swing ko at may titingnan lang ako sandali.pagpunta ko don wala na si Rafael, baka naman guniguni ko lang yun?,. pumikit muna ako at huminga ng malalim bago bumalik sa swing ko.
“ano nakita mo?”
tanong nanam ni Ranze na tinutulak parin ako sa swing.“Ah wala namalikmata lang yata ako.”
wika ko, hindi ko na masyadong inisip yon at nagenjoy na lang sa pags-swing.
natapos kami ni Ranze ay hapon na, kaya napagpasyahan namin na umuwi na. Ang saya talagang kasama nitong ni Ranze kahit minsan loko-loko.