Chapter 36

19 7 1
                                    

Haeley's P.O.V.

Nakakainis talaga kahit kelan yung Ranze na yun!, Kung bakit ko ba naman kase pinayagang manligaw eh. habang naglalakad ako nakasalubong ko si Rafael na may hawak na wine.

"Uyy Haeley, ang ganda mo ngayon ah."
bati naman sakin ni Rafael. Bakit ko ba sya kinakausap eh parehas din naman sila ni Ranze na mahilig mangasar. Nabwibwisit ako sa kanilang dalawa.

"Aasarin mo rin ba ko? kung aasarin mo lang din naman ako uuna na ko"
ano ba yan pati tuloy 'to nasususngitan ko na minsan na nga lang nya kong kulitin. Letse, hindi ko naman gusto na kulitin ako neto diba?

"Relax, hindi naman ako mangaasar NGAYON"
sabi nya sakin at diniinan talaga ang pagkakasabi sa word na "NGAYON".
Habang naguusap kami ni Rafael biglang tumugtog ng sweet... ohh no..

"Ehem...Ehem.... magandang binibini pwede ka bang maisayaw ng isang katulad ko?"
sabi ko na nga ba, eh pano na lang pagkain ng mga yun?, tama magdadahilan na lang ako.

"Sila Micca kase nagpapadala ng pagkain sa roof deck kaya mauna na ko"
aalis na sana ako ng hawakan nya ko sa braso.

"hindi ka naman nila utusan kaya tatawag na lang ako ng waiter para magdala ng pagkain sa kanila."

wala na tayong ligtas self. Ambobo mo magdahilan. Kahit kelan talaga....

"Sige na. payag na ko. Baka maglupagi ka pa dyan kapag di ako pumayag."
ibinaba ni Rafael ang iniinom nyang wine at hinawakan ako sa bewang. Pinipigil ko ang sarili ko na hindi tumawa dahil nakikiliti ako.
Nagsimula na kaming magsayaw pero hindi ako makakilos ng ayos.

"what's wrong?"
luh.. ano sasabihin ko dito. Sige isip ka na naman ng dahilan...

"Ahhmm wala naman, hehehe"
pagpapalusot ko pero mukhang hindi nakalusot dito kay Rafael. Sabi ko nga ambobo ko.

"Wag kang mailang, kung nakikiliti ka pigilan mo kase hindi talaga tayo makakasayaw nyan"
Hayy nako sabi na at aasarin lang din ako nitong lalaking 'to!.

Nagulat naman ako ng bigla nya kong hatakin papalapit sa kanya kaya napasandal ako sa dibdib nya. At yung...yung puso ko parang nalaglag... kainis!

Rafael's P.O.V.

Bigla kong hinila si Haeley papalapit sakin dahil nakit ko si Ranze na mukhang hinahanap si Haeley. 1 point for me stupid. HAHA.
Nakita ko ang inis at selos sa mukha nya na nakapagpangiti sakin.

"Ano ok ka na ba sa ganito?"
tanong ko naman kay Haeley ginawa ko din naman yun para kay Haeley kasi ang baliw nakikiliti, ang tanda tanda na may kiliti parin.

"O-Ok lang. Much better"
tugon naman nya at nagpatuloy na kami sa pagsasayaw.

Nang matapos ang tugtog ay nagpaalam na din si Haeley na babalik na sa mga kaibigan nya. At ako naman pinagbabantay ni Mama kay Ruby. Nakikipagchikahan kase sa mga kumare nya.

Ranze's P.O.V.

Lumabas muna ako sa mansion nila Micca at pinagsusuntok ang poste na katabi ko. Nakakainis!. Kaya pala sya na lang ang kukuha ng pagkain kase makikipagsayaw lang sya dun sa hinayupak na Rafael na yun! tapos may payakap yakap pang nalalaman!. sa sobrang inis ko nayupi ko na yung poste at di ko na pansin na nagkasuagt na din palaako sa kamao pero wala akong pakealam. Feeling ko walang kwenta lahat ng ginawa ko para sa kanya, na si Rafael talaga ang gusto nya.

"AAARRRGGGG!!!"
hindi ko na napigilan hindi sumigaw sa galit, hindi naman nila yun maririnig dahil napakalakas ng tugtog sa loob.

nagsisimula pa lang ako pero feeling ko talo na agad ako. Dun pa lang sa naisayaw nya si Haeley, nagkadikit ang balat nila. T@ng#na napapraning na ako dahil sa kanya!!

Save me Where stories live. Discover now