Haeley's P.O.V.
Nasa library kaming anim ngayon at abala sa pagre-review para sa darating na exam. Napaangat ako ng tingin sa mga kasama ko, halos silang lahat ay nakafocus lang sa binabasang libro. Isa itong malaking himala dahil si Micca ay nagaaral na ng mabuti ngayon dahil nung nag release ng card, lahat ng grades nya ay tumaas at walang bumaba. Minsan tutor nya si Kurt kaya siguro may naiintindihan na ang loka na 'to.
"Ahhmm guys kain muna tayo nagugutom na prinsesa ko eh"
Sabi ni Kurt at nagtinginan kaming lahat sa kanya."Uyy....wala naman akong sinasabi!"
angal naman ni Micca-- pakipot pa."Alam ko na gutom ka na kaya magandang kumain na muna tayo, kanina pa kaya tayo dito sa library at alam kong di ka sanay"
Wika ni Kurt at saka tumayo"Good idea gutom na din ako"
Singit naman ni Kuya Ivan at isinara ang binabasa nyang libro."Ok let's go, balik na lang tayo mamaya"
Sabi ko naman at nauna ng lumabas ng library.Habang naglalakad kami papunta sa canteen ay magkaholding hands ang love birds ng tropa. Pero hinayaan ko na lang, love life naman nila yun, saka bat ako makikialam?.
Nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni Ranze ang kamay ko.
"What the hell are you doing?!"
Bulong ko kay Ranze"Naiinggit ka sa dalawa 'no? Pansin ko yun"
Bulong nya din sakin."Bitawan mo nga ako!"
Sigaw ko sa kanya at tumigil kami sa paglalakad pati ang mga kasama namin."Oh anong meron?"
Tanong ni Kuya Ivan"Ahhm wala po"
Nauna na kong maglakad papunta sa canteen."Kainis!"
Bulong ko sa sarili ko at kinuyom ang aking mga palad.Mahigit 20 mins. na kong nakaupo sa isang table dito sa canteen pero di pa rin sila dumadating.
"Naglalakad ba sa buwan ang mga yun? Kanina pa kong naghihintay dito ah!"
Bulong ko sa sarili ko. Nagtampo lang ako nagtampo na din sila?, ano ba yan!."Oh kumain ka na muna, baka maagnas ka dyan kakahintay sa tropa mo"
Nagulat ako ng umupo si Rafael sa table kung san ako nakaupo at may dala pang pagkain."Sinong may sabi sayo na may hinihintay ako?"
Inis kong tanong rito. Pati ba naman sya mangiinis?"Nakita ko sila kani-kanina lang papunta sa cafeteria. Bakit nga pala di ka kasama?"
Natahimik ako sa sinabi ni Rafael. Sila? Pumunta sa cafeteria nang di ako kasama? How great...Tumayo ako para umalis sa canteen at pumunta sa lugar na ako lang ang tao at wala ng iba. Gusto kong mapagisa hindi ko alam parang tinotopak ako.
"Uyy yung pagkain kainin mo muna, sayang eh."
Sabi ni Rafael"Thanks na lang, sayo na lang yan"
Sabi ko at umalis na sa canteen di ko alam kung saan ako pupunta dahil nilalamon ng inis ang buong katawan ko.Pagbukas ko ng isang pinto isang malakas na hangin ang sumalubong sakin kaya napapikit ako.
Pagdilat ko ng aking mga mata ay nasa roof top ako ng isa sa school buildings. Walang tao roon kundi ako lang. Umupo ako sa isang upuan doon at nagmuni muni.
Napaka sariwa ng hangin dito at napakaganda ng view nakakarelax. Nawala ang inis na nararamdaman ko. Nahiga ako sa isang mahabang upuan at itinakip ang braso ko sa aking mga mata upang umidlip sandali.
Ranze P.O.V.
Papunta ako ngayon sa rooftop dahil kakagaling lang namin sa cafeteria hindi na namin naisama si Haeley kasi di namin sya makita sa canteen sobrang daming tao at ang sikip ng pumunta kami roon kaya napagpasyahan na lang namin na kami na lang kahit alam namin na magagalit sya.