Chapter 43

29 5 0
                                    

Ranze's P.O.V.

Nabalitaan naming lahat ang nangyare kay Haeley kaya agad kaming sumunod sa Cebu. Nagtataka nga ako kung bakit hindi nagpapansinan sila Micca at Kurt, si Liane naman napakatahimik, di man lang ngsasalita. Pagkadating namin sa Cebu ay agad naming pinuntahan sila Tito at Tita sa hotel na tinutuluyan nila. Tumawag na daw sila sa Police pero di pa daw madedeclare na nawawala si Haeley dahil wala pang 24 hours syang nawawala.

"Mabuti pa siguro tayo na ang maghanap kay Haeley."
Saad ko naman sa mga kaibigan ko.

"Ano panghinihintay natin?, Tara na. Baka mapano pa yung kapatid ko"
Nagaalalang saad naman ni kuya Ivan.

"Teka muna, San natin sya hahanapin?"
Tama nga si Micca san nga ba naming unang hahanapin si Haeley?

"Wala akong idea kung san natin sya hahanapin. Mabuti pa maghiwahiwalay tayo ng direksyon para mahanap natin si Haeley."

"Ranze pwede bang sayo na lang ako sumama?"
Napatingin ako kay Micca dahil sa tinanong nya. Bakit ba kase hindi sila naguusap?. Napatingin na lang ako kay Kurt na nakatingin lang sakin.

"S-sige sakin ka na sumama sa paghahanap kay Haeley."
Pumayag na ko sa gusto ni Micca, mukhang hindi talaga sila ok ni Kurt.

Sumakay na ko sa kotse at sumakay na din si Micca kaya nagsimula na kaming maghanap. Napaka tahimik, wala man lang nagaabalang magsalita saming dalawa. Naisipan ko na lang na itanong kung anong nangyare sa kanila ni Kurt at bakit hindi sila naguusap.

"May nangyare ba sa inyo ni Kurt?"
Bigla namang sinamaan ako ng tingin ni Micca. kaya napaisip ako kung may masama ba sa nasabi ko at napagtanto ko na may mali nga.

"I mean, anong nangyare sa inyo, bakit hindi kayo naguusap?"
paglilinaw ko sa tanong ko kanina.

"Wala na kami ni Kurt kaya wala ng dapat pagusapan pa"
Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Micca at alam ko din na umiiyak sya pansin ko kahit focus lang ako sa daan.

"Si Kurt at yung babae na nakatapon sakin ng juice, nakita ko sila naghahalikan sa likod ng school building. Hindi ko na nasabi pa sa inyo ng mas maaga dahil baka pati tayo magkagulo gulo kaya sinarili ko na lang."

Ang ibig nyang sabihin, nakita nyang naghahalikan si Kurt at Mellanie sa likod ng School building?. Si Mellanie Marquez ay ex fiancé ni Kurt, yun ang kwento sakin ni Kurt. Hindi daw kase sya pumayag na magpakasal kay Mellanie kaya nagibang bansa si Mellanie para makalimutan si Kurt pero sa tingin ko hindi nya nagawang kalimutan si Kurt.

"Hindi mo man lang ba pinagbigyan na magexplain si Kurt sayo?"
Alam kong may dahilan si Kurt kung bakit yun nangyare at posibleng palabas lang yun ni Mellanie para paghiwalayin si Kurt at Micca.

"Hindi. At ayoko ng explanations and excuses galing sa kanya"

Wala na kong maopen na ibang topic, baka kase pagpinagpatuloy pa namin yung pagusapan baka lalo lang malungkot si Micca. Halos kanina pa din kaming paikot ikot pero wala kaming makitang Haeley sa daan. Hindi kami sumuko at patuloy pa rin kami sa paghahanap kay Haeley.

Ivan's P.O.V.

Kanina pa naming tinatawagan si Kurt pero hindi sya sumasagot kaya sila Ranze na lang ang tinawagan namin. Nandito kase kami sa tapat ng isang warehouse at meron ding mga lalaking nagiinuman. Naubusan kami ng gasolina kakahanap kay Haeley.

"Oh ito sumagot na sila."
sabi naman ng kasama kong si Liane. Napangiti na lang ako dahil tumutulong din sya, ang mga kaibigan namin ni Sweetie para mapabilis ang paghahanap sa kanya.

>Hello Ranze. Pwede mo ba kaming puntahan dito? Naubusan kasi kami ng gasolina kaya nakatigil kami dito sa tapat ng isang warehouse ewan ko kung san to'.
>Sige hintayin nyo na lang kami dyan.
>Pakibilis.

Save me Where stories live. Discover now