Chapter 10-11

31 8 1
                                    

Haeley's P.O.V.

Habang kumakain, ang tahimik namin nakakapanibago na ang tahi-tahimik ng paligid, nasanay na kasi akong maingay at nadaldal si Micca pero ngayon ang tahimik nya.

"Say ah"
Nagulat ako sa ginawa ni Ranze. Itinapat nya sa bibig ko ang kutsara na may nakalagay na pagkain.

"Anong ginagawa mo?"
Nagtatakang tanong ko habang nakakunot ang noo

"Sinusubuan ka, bakit masama ba?"
Tanong nya

"Ayoko nga!!"
Sigaw ko sa kanya

"Ayaw mo o gusto mong...."

"Gusto kong ano ha?"
Matapang kong sagot sa kanya at pinandidilatan sya ng mata

"Baka gusto mong ipahiram ko sa ibang istudyante ang isa nating tent at tabi tayong matutulog?"

Aba talagang mag gana pa syang magpahiram ng tent na hindi naman kanya saka ayoko ngang may katabi!! So I have no choice. Kakainin ko toh sa ayaw at sa ayaw ko.

"Ayaw mo naman palang nagkatabi tayo eh, good girl"
Sabi nya at bahagyang tinapik tapik ang ulo ko

"Hindi ako aso, ano ba?!"
Inis kong sigaw sa kanya

"Hahaha ang cute mo kapag galit ka!"
Puna naman ni Kurt na kanina pa nakangiti simula ng hawakan sya sa mukha ni Micca

"Mukha ka naman talagang aso"
Pabulong na sabi ni Liane pero rinig na rinig ko

"Anong sabi mo Liane?!!"
Inis kong tanong kay Liane

"Sabi ko napakaganda mo!!"

"Oh sya tama na yang mga asaran nyo, ligpitin na natin toh"
Sabat naman ni Micca

Habang naglilipit kami ay napahawak ako sa plato na may isa pang hotdog.

"Kainin nyo na tong isang hotdog dito."
Sabi ko naman

Aktong hahawakan na ni Ranze ang hotdog ng tinidorin iyon ni Liane.

"Opppss nauna ako"
Pang-aasar naman ni Liane kay Ranze.

Tumingin lang si Ranze ng masama dito at nag smirk.

"Kala mo lang"
Sabi ni Ranze at hinati ang hotdog sa gitna.

"Ayyyy akin na yan ibalik mo yan!!!"
Sigaw ni Liane at hinabol si Ranze

"Bleeee akin na toh"
at tuluyan ng kinain ni Ranze ang hotdog.

Halos mapaiyak si Liane ng malunok na iyon ni Ranze. Pinunasan nito ang mga nanggigilid nyang luha at kinain na lang ang hotdog na nasa tinidor nya.

"Para kayong nga bata"
saad naman ni Kurt

Natapos na kami sa pagliligpit at padabog parin ang pagkilos ni Liane.

"Ayos ka lang?"
Tanong ko sa kanya pero tiningnan lang nya ko ng masama

"Hayaan mo na hotdog lang yun may tira pa naman kaso di pa luto"
Sabi ko sa kanya mukang nagpagaan ng loob ni Liane

"Haeley ha, bukas magluto ka ulit"
Sabi nya sakin at nag pout

"Oo na, sige pumunta ka na don, ako ng bahala dito"
Sabi ko sa kanya

"Good night guys"
Ani namin sa isa't isa

Pumunta na ako sa tent ko kung saan ako matutulog. Tulog na ang ilang mga estudyante at ang iba naman ay nasa labas pa nagku-kwentuhan. Pagpasok ko sa tent ay nahiga na ako at natulog.

×1:30 AM×

Nagising ako dahil kailangan ko mag pee kaya pumunta ako sa malapit na CR sa may pinagka-camping-an namin. Meron kasi dong lumang banyo at malinis naman wala nga lang gumagamit kasi wala namang gaanong pumupunta dito.

Save me Where stories live. Discover now