Chapter 41

19 5 0
                                    

Micca's P.O.V.

Reccess na at magkasama kami ng buong tropa sa isang table. Libre ko dapat si Liane pero tumanggi sya kaya si Haeley ang inilibre ko. Napansin kong parang may hinahanap si Kurt na kung ano sa paligid.

"Anong hinahanap mo?"
tanong ko sa kanya habang hawak ko ang sandwich na kinakain ko.

"Wait lang ha pupunta na ko sa counter para umorder ng juice, mukang busy lahat ng Waiter, wala akong makita e'"
Nako juice lang pala.

"Sige bilisan mo ha"
Sabi ko sa kanya. Tumayo na sya at pumunta sa Counter. Maya maya pa ay dumating na agad si Kurt.

"Ang bilis mo ah"

"Sabi mo kase bilisan ko, kaya nagmadali ako"
saad naman nya.

"Nasan yung juice?"
Takang tanong ko dahil wala naman syang dalang juice.

"Ah dadalhin na lang daw dito, baka magtagal ako paghinintay ko pa. Magalit ka pa sakin"
loko ata to' hindi pa hinintay.

"Ahhmm Sir, kayo po ba umorder ng juice?"
May isang magandang babae ang lumapit kay Kurt at tinatanong kung sya ang umorder ng juice. Napatingin ako kay Kurt na mukhang gulat na gulat.

"Sir?"
sabi pa ulit nung babae. Mukhang walang balak na sumagot si Kurt kaya ako na ang sumagot.

"Yes miss, salamat"
Habang inaabot nya sakin ang juice ay sinadya nyang tabigin para matapunan ako.

"Ay sorry Miss, di ko sinasadya..."
sabi nya at ngumiti ng nakakaloko. Inabutan naman ako ni Liane ng panyo para punasan ang sarili ko na nabasa dahil sa juice. Napansin ko na napatigil si Haeley sa pagkain at kinuha nya ang juice nya at tumayo kagaya ng tayo nung babae sa harap namin.

"Hoy babae manood ka. Ganto mag-abot ng juice..."
Ginawa din ni Haeley kay Ranze yung ginawa nung babae kanina sakin.

"Wag kang bobo. Magaabot na nga lang di mo pa kaya. Tanga lang?"
napansin ko na nagpipigil lang ng tawa ang mga tropa ko. Miski ako rin natatawa na.

"Who are you? Hindi mo ba ko kilala? Ako lang nam--"
Hindi na natuloy ang sasabihin nung babae nang sabuyan sya ni Haeley ng juice.

"Puro ka yabang. Pwede ba umalis ka na? Wala namang may pake kung sino ka e' kaya umalis ka na nga sa harap ko nandidilim ang paningin ko"
Kinuha ni Haeley ang tinidor at kitang kita ang takot sa mukha nung babae.

"You will pay for this!"
Yun lang at tuluyan ng umalis yung babae. Habang kami naman ay nagpalakpakan.

"Ghad....Haeley ang tapang mo"
Puri naman ni Ranze sa kanya. Kahit ako ay nagulat din sa ginawa nya.

"Akala ko itatapon mo din Kay Ranze yung juice e' sayang di mo ginawa"
Sabi naman ng Kuya nya. May lumapit saming isang estudyante, President ng Batch namin.

"Haeley Salvador. Pinapatawag ka sa Guidance's Office"
Natahimik kaming lahat at natulala na lang si Haeley.

"At bakit naman pinapatawag ang kaibigan namin?"
tanong ko.

"Basta, Pumunta ka na lang"
Bigla na syang umalis ng hindi man lang sinasabi ang dahilan kung bakit pinapatawag si Haeley kaya wala nang nagawa si Haeley kundi ang sumunod.

"Sobrang tapang mo naman kase. Baka mamaya pati Teacher sa Guidance sagutin mo na din"
Asar naman ni Ranze kaya nagtawanan lang kami. Napansin ko si Kurt na parang namumutla na kanina pa habang hawak ang cellphone at may tinetext.

"Kuri ok ka lang ba?, bat parang namumutla ka? At sino na naman yang katext mo ha?"
Hindi pa rin sya sumasagot at bigla na lang ding umalis na walang sinasabi na kahit ano kaya sinundan ko sya. Ang bilis nya maglakad halos tumatakbo na ko para maabutan sya pero di ko sya maabutan, ang dami pang estudyanteng paharang harang sa daan.

Nakita ko na pumunta sya sa may likod ng school building. Ano kayang gagawin nya dun?. Ilang minuto din akong nagisip kung bakit sya pumunta dun sa likod ng school building. Wala na kong maisip na dahilan kaya pinuntahan ko na lang sya.

Tatawagin ko na sana sya ng Makita kong may kahalikan syang babae. Yung babae kanina na nakatapon sakin ng Juice. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung maniniwala ba ko na si Kurt yun... o susugudin ko silang dalawa. Biglang dumating ang malakas na hangin at napaatras ako, naapakan ko ang isang lata sa likuran ko na lumikha ng ingay para mapalingon sila sa kinaroroonan ko, pero agad din naman akong tumakbo para di nila ako Makita. At nang makalayo layo ako sa kanila ay napaluhod nalang ako sa damuhan sa may School Garden... Hindi ako makapaniwala na pampalipas oras lang pala ako ni Kurt, si Kurt na akala ko hindi ako sasaktan at papaiyakin. Ang sakit sakit.. Hindi ko na pinigilan pa ang mga luha ko na kumawala dahil sa sobrang naiinis ako sa dalawang yon. Nagawa talaga nilang maghalikan sa harap ko pa mismo.

"I HATE YOU...I HATE YOU KURT DE CHAVEZ
I WISH I NEVER MET YOU!"
Sigaw ko. Gusto kong mawala ang sakit na nararamdaman ko sa kanya. Wala din akong pake kung pagtinginan pa nila ako.

"Tingnan mo, kawawa naman sya. Di ba nya alam na may pagkaplay boy yung si Kurt? Tapos jinowa pa nya"
Rinig kong sabi nung isang babae di kalayuan sakin. Di ko sya kokontrahin kase totoo naman ang sinabi nya. Akala ko hindi nya ko iiwan pero T@ng!na mali ako. Mali ako na nagtiwala ako sa kanya. Maling mali ako sa part na binigay ko ang buong puso ko sa kanya. Maling mali.

"Nakita nyo ba si Micca?"
Narinig ko ang boses ni Kurt sa di kalayuan sakin. At nagabala pa syang hanapin ako. Ayokong Makita nya kong ganito, umiiyak dahil sa walang kwentang bagay. Nakita ko ang Hose malapit sa tabi ko, basa na din naman ako ng juice at luha kanina pa kaya mabuti pa magbuhos na lang ako ng tubig.

Kinuha ko ang Hose at itinapat sa ulo ko. Basang basa na ko kaya hindi na siguro mahahalata ni Kurt na umiyak ako.
Sakto namang dating nya ng ibinaba ko ang hose na ginamit ko.

"Oh Micca, anong nangyare sayo?"
Kunware kapang hayop ka.. napaka manloloko mo!. Gusto ko na syang sumbatan pero kailangang di sya makahalata na nakita ko ang ginawa nila kanina.

"Ah w-wala punta l-lang ako s-sa locker ko p-para magpalit ng damit"
pautal-utal kong sambit. Hindi ko kayang pigilan ang luha ko kaya mabuti pang umalis na lang ako. Mabilis akong tumakbo para makalayo sa kanya.

Pagkakuha ko ng damit sa locker ko ay dumeretso na ko sa C.R. hindi pa ko nakakapasok nang may narinig akong nagkukwentuhan at narinig ko ang pangalan ko.

"Ang chaka naman ng ipinalit sakin ni Kurt."
Sabi nung isang babae. Sure ako na yun yung babae na kahalikan ni Kurt kanina.

"Yes you're right mas maganda ka pa, at mukhang mahirap lang sila no' her style is so cheap! yuck"
Hindi ko na naman mapigilan ang mga luha ko sa pagpatak dahil sa mga sinasabi nila tungkol sakin. Gusto ko nang umalis pero di ako makakibo. Parang gusto kong pakinggan lahat ng sinasabi nila sakin. Kahit masakit.

"I'm sure that she's the one who saw me and Kurt kissing a while ago"
Parang pinipiga ang puso ko dahil sa mga naririnig ko. Nagulat ako ng may biglang humawak sa braso ko at nabitawan ko na lang ang mga damit ko dahil nanghihina na ako. Si Kurt ang humawak sakin kaya ngumiti lang ako pero wrong timing yung luha ko, Biglang pumatak.

"Let's Break, Kurt"
Sabi ko kay Kurt at nginitian ko lang sya, kunware Masaya ako na break na kami, kunware ok lang sakin, kunware ayoko na.

"No.. Hindi ako makikipagbreak sayo Micca. Let me explain please?"
Natawa lang ako sa mga sinabi nya. Aba at choosy pa sya, ako na nga ang makikipag break para happily ever after na silang dalawa. Magsama sila!

"From now on hindi na tayo magkakilala. Delete my number and our pictures together. Sunugin mo lahat ng niregalo ko sayo at ganyan din ang gagawin ko."
Sabi ko sa kanyan habang tuloy tuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko.

"Micca naman hayaa-"
Hindi ko na sya pinatuloy sa sasabihin nya at umalis na lang ako na parang walang nangyare, na parang hindi naging kami, na parang hindi ko sya kilala. At sa tingin ko yun lang ang paraan para malayo ako sa gulo dulot ng dalawang yun.

Kinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit nahihirapan
Mga oras na hindi na mababalikan
Pinagtapo
Ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi
Sa isa't isa

Game over
Thank you for playing

Save me Where stories live. Discover now