Liane’s P.O.V.
Nasa harap kami ng school, hinihintay si Haeley. Kanina pa naming naririnig ang pinagkukwentuhan ng katabi namin na magkakaibigan. Tungkol sa mga bagong mistisang transferee.
“Alam nyo ba napakaganda nung mga bagong transferee, balita ko galing daw yung mga yun sa ibang bansa.”
sabi nung isang babae sa kausap nya. Hindi naman sa nakikitsismis ako, nacurious lang ako dun sa mga babae na pinaguusapan nila.“Tingnan mo nandyan na yung isa sa mga transferee…”
sabi naman nung isa pang babae at tinuro yung pinaguusapan nilang mistisang transferee kaya tiningnan ko din kung sino yon at kung talagang mistisa talaga.Nagulat ako ng lumapit sya sakin at niyakap ako.
“How are you?, Bessy?”
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko… Totoo ba to’? How come na nakikilala pa nya ko?“Liane, magkakilala kayo?”
Tanong naman ni Micca.“By the way I’m Chloe Dinn, Liane’s Childhood Bestfriend”
“Micca halika na”
Hindi pa dumadating si Haeley pero kailangan na naming umalis, baka may masama pa tong binabalak dahil alam kong galit pa rin sya sakin.“Hilig mo talagang iwan ako ha?. Ok fine dyan ka naman magaling.”
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Chloe.“At ako pa ang susumbatan mo?, Sino kaya sating dalawa ang nang iwan? tanong mo nga sa sarili mong napaka taas ng pride.”
Sagot ko naman sa kanya at inirapan lang nya ko. Di pa rin sya bumabalik sa dati, hindi pa rin bumalik ang dati kong bestfriend. Ang bestfriend ko na mabait, mapagmahal, maalalahanin, at maunawain.“Sino ba kaseng may kasalanan kung bakit namatay ang mga magulang ko? Diba yung mga walang kwenta mong magulang na ngayon buhay pa!”
Sigaw nya sa harap ko at napapalibutan na din kami ng mga estudyante.“Wala kang karapatan para pagbintangan ang mga magulang ko, wala ka namang matibay na ebidensya na sila nga ang may kagagawan kun bakit nawala ang mga magulang mo. At saka pwede ba kalimutan na natin ang nakaraan?”
Pinipilit ko lang ang sarili kona wag syang sigawan. Pinipigilan ko din ang mga luha ko na gusto ng kumawala mula sa mga mata ko.“So that is your stupid solution? Forget anything?. Nakalimutan ko, manhid ka nga pala. Wala kang pakealam sa nararamdaman ng iba.”
Saad ni Chloe at pinunasan ang luha na pumatak sa kanyang kanang mata. And I hate my self because I made her cry again.“Chlo- “
Hindi ko na nasabi ang dapat kong sabihin sa kanya dahil tumakbo na sya paalis.“Kayo! mga tsismoso,tsismosa umalis na nga kayo. May mga klase pa kayo kaya pumunta na kayo sa classroom nyo!”
Sigaw naman ni Micca sa mga estudyante na nanonood samin kanina.“What happened?”
Tanong naman ni Ivan kasama si Haeley. Hindi na ko nagsalita at naglakad na ko patungo sa classroom.I can’t believe na lilipat dito si Chloe. Hindi ko man sabihin, inaamin ko na namiss ko sya ng sobra sobra. Kaso galit pa rin sa sakin, samin ng pamilya ko. Umupo na ko sa Upuan ko at umubob.
“Liane ok ka lang?”
Tanong ni Haeley at hinawakan ako sa balikat. Tumango lang ako.Dumating na ang Teacher namin at kasama nya si Chloe.
“Class, meet Chloe Dinn new student in Golden Riches Academy. Please have a seat.”
Napatitig na lang ako sa kanya habang naglalakad sya papunta sa bandang likod at dun sya naupo.Its been years when we last saw each other. She is so beautiful as always kaya naiinggit ako sa kanya.
“Bessy alam mo ba, ang pogi nung crush ko”
sabi ko kay Chloe habang nakaupo kami sa bench sa park at kumakain ng ice cream.“Talaga Bessy?, pakilala mo naman sakin”
Naexcite tuloy akong magkwento kay Chloe.“Kilala mo si Ken? yung kaklase mo?. Yun ang crush ko”
kinikilig na kwento ko sa kanya. 2 years na kong nagkakacrush kay Ken pero di pa rin nya alam dahil nahihiya akong ipaalam sa kanya at ngayon ko lang din nasabi kay Chloe na crush ko si Ken yung classmate nya.“Ah si Ken?, gusto mo ba ipakilala kita?”
Napatingin ako kay Chloe dahil sa sinabi nya.“T-Totoo ba yan bessy?”
Gulat na tanong ko.“Yup, Sure magugustuhan ka non, ang bait bait mo kaya”
mabait lang ako, maganda ka. At alam nating dalawa na mas pinapahalagahan ang maganda kesa sa mga katulad ko na mabait lang, minsan naaabuso pa.Ipinakilala mo ako kay Ken pero di ko nagustuhan ang naging reaksyon nya at mas nasaktan ako sa mga sinabi nya. Nakiusap ka kay Ken na makipagusap sakin ng kaming dalawa lang sa may school garden. Pumunta ako at nakita ko si Ken na mukang naiinip na.
“Ken…”
Unang salita na nasabi ko sa kanya.“Ikaw ba yung Liane? yung kaibigan ni Chloe?”
tanong nya sakin habang si Chloe nasa may damuhan lang nakikinig.“Ken matagal na kong may gusto sayo… matagal na kitang crush pwed-“
Hindi pa ko nakakatapos magsalita ng magsalita sya.“Sorry Liane pero may gusto ako sa kaibigan mo kaya pinagbigyan ko lang sya na makipagusap sayo, saka tingnan mo nga yang sarili mo ang panget mo, sa tingin mo ba may magkakagusto sayo sa style mo na yan? laging nakasalamin at magulo ang buhok?. Sorry pero totoo ang sinasabi ko, gusto ko lang maging aware ka sa sarili mo”
Natulala na lang ako sa mga sinabi nya at kusang pumatak ang mga luha ko ng hindi ko namamalayan. Agad namang lumabas si Chloe sa damuhan at sinampal ng malakas si Ken. Hindi ako makagalaw. Wala akong magawa.“ANG KAPAL NG MUKHA MONG WALANG HIYA KA!”
Sinampal ulit ni Chloe si Ken at mukhang takot na takot na si Ken kaya tumakbo na sya paalis.“Ok ka lang bessy?”
Alalang tanong nya sakin. Sinabi kong ok lang ako pero deep inside na insecure ako sa sarili ko. At nagsimulang mainggit sayo.“oh panyo”
Nagulat na lang ako ng abutan ako ni Haeley ng panyo.“Ikaw, bakit ka naman umiiyak ha?”
Tanong naman ni Micca.“Ah wala napuwing lang”
“Palusot mo bulok at luma na… Pwede bang magisip ka naman ng bago?”
asar naman sakin ni Micca. Bakit ko ba kase inalala yun? Napalingon ako Kay Chloe na tinawag ng aming teacher para sumagot sa tanong na ibinigay ng aming teacher, at ng sabihin ng aming teacher na very good ay nagpalakpakan ang aming mga kaklase.“Tulala ka na naman Liane”
Puna naman sakin ni Haeley.“Wag kang magalala ililibre na lang kita mamaya pagrecess baka di ka na naman nagalmusal kaya ka ganyan”
“Micca ako din libre mo..”
Sabat naman ni Haeley at nagpuppy eyes pa.“Tumigil ka nga, yaman yaman mo dyan dapat nga ikaw nanglilibre e’”
ani Micca.“Tumigil na nga kayong dalawa, makinig kayo sa tinuturo satin.”
pigil ko naman sa pagiingay ng dalawa kong kaibigan. At tumahimik naman sila. Nakakatamad na tong araw na to’ gusto ko ng umuwi.napatingin ako sa bintana ng mapansin ko si Ivan, Kinakawayan nya ko at nag flying kiss pa. Kinawayan ko lang din sya at nag flying kiss pabalik.
“Ayy baliw…”
Narinig kong sabi ng mga kaibigan ko pero wala akong magagawa dahil nababaliw talaga ako kapag nagmamahal.