Haeley's P.O.V.
AFTER SCHOOL
Paglabas namin sa classroom pumunta na kami sa gymnasium, nakita ko si Ranze sa bleachers kaya agad naman namin syang pinuntahan
"Ranze!"
Tawag ko sa kanya"Oh Haeley nandyan na pala kayo"
Sagot naman ni Ranze"Girls gusto ko lang na ipakilala sa inyo si Ranze"
"Hi, I'm Ranze Aguilar the school escort and also a basketball player. Nice to meet you"
Pagpapakilala ni Ranze"Ahhmm I'm Micca Alferez, Nice to meet you"
Sagot ni Micca at nakipagshake hands"I'm Liane Monfero, President of music club"
Nakangiting sagot ni Liane"Ahhmm girls sya ang bago nating boyfriend!!"
Masigla kong pagkakasabi sa kanila habang tinuturo si Ranze
<awkward silence>
"Bakit?, I mean bago natin lalaking kaibigan, gets?"
Paliwanag ko sa kanila"Ahh ok gets na namin, akala naman namin kung anong boyfriend ang sinasabi mo dyan"
Reklamo ni Micca"Hahaha ahm Ranze una na kami ha?, may assignment pa kasi akong tatapusin"
Sabi ko kay Ranze"Ahh sige may practice pa kami kaya hihintayin ko na lang team mates ko dito"
"Bye see you tomorrow"
Pagpapaalam namin nila Micca at Liane. Naglakad na kami sa parking lot ng bigla kong naalala na wala pala akong dalang kotse dahil flat."Oo nga pala Haeley wala ka palang dalang kotse hatid ka na namin sa inyo?"
Tanong ni Micca"Ayy nako wag na mauna na kayo itetext ko na lang si kuya na sunduin ako dito"
"Sure ka ha sige mauna na kami"
Ani Liane"Bye ingat"
Pagpapaalam ko"Ingat ka rin"
Pagpapaalala ni LianeKinuha ko na ang cellphone ko para itext si kuya.
<your message not sent. Please try again>
Naku ngayon pa ko nawalan ng load anong gagawin ko? Wala naman paloadan dito. Nagtry din ako magchat sa messenger pero di online si kuya, maging si mama at papa. Magtataxi na nga lang ako.
*few minutes later*
It's already 5:00 pm wala paring taxi-ng dumadaan pano ako uuwi ngayon?
"Uyy, Hi miss"
May lumapit saking mga lalaki at kinukulit ako na sumama sa kanila"Sino ba kayo ha?!"
Pasigaw kong tanong sa mga lalaki"Miss kung ayaw mong masaktan sumama ka na lang"
Hinawakan ako ng mga lalaki sa kamay at pinilit akong pinalakad palayo sa tapat ng academy. Halos mapaiyak na ko sa takot dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Maya maya may dumating na dalawang lalaki na papalapit samin."Bitawan nyo sya kung ayaw nyong makatikim sakin"
Seryosong sabi ng isang lalaki na nasa harap namin."Uyy ano ka ba dalawa tayo dito kaya dapat sinabi mo 'samin' hindi 'sakin' "
Nagaway pa talaga sila dahil lang dun tutulungan ba talaga nila ako?."Dalawa laban sa anim?, kaya nyo ba kami?"
Tanong ng isang lalaki na maghawak sakin"Wag ka na masyadong madada"
Sinuntok ng lalaki ang isa sa mga gustong kumuha sakin at nagsimula na silang mag away- away, tinadyakan at pinagsusuntok ng dalawang lalaki ang apat sa mga nagtangkang kumidnap sakin, sa isang iglap lang tulog na silang apat habang ang dalawang nakahawak sakin ay nararamdaman ko na nanginginig kaya wala na silang ibang nagawa kundi tumakbo.