Haeley’s P.O.V.
“Wag mo kong kulitin ngayon!, Badtrip ako!. Dun, dun ka makipaglaro sa laruan mo wag sakin!”
Kanina pa kase akong kinukulit nitong si Ranran na makipaglaro sa kanya pero di ko kaya kase masakit ang puson ko at naiinnis di ako!.Umalis na si ranran at nagtago sa likod ng kurtina sa kwarto ko. Hayysstt pati aso sinusungitan ko na. Pano ba naman kase ang kulit kulit parang si Ranze. Sinabing ayoko nga nangungulit pa rin.
“Tampo ka na nyan? pwes di kita susuyuin bahala ka, may patago tago ka pa dyan ha, di ako makikipaglaro sayo”
sabi ko naman kay ranran at sabay umirap. Ghad nababaliw na nga ata ako..“sweetie ok kalang?”
nagulat naman ako ng marinig ang boses ni kuya sa likuran ko. Suot nya yung regalo ko sa kanyang Tshirt nung birthday nya. Favorite nya daw kase yun kaya kadalasan, yun ang suot nya.“kanina ka pa dyan kuya?!”
kahit masakit ang puson ko napatayo pa din ako.“Oo, at kanina mo pa din kinakausap yang aso mo. Sira ka na ba talaga ha?”
“H-Hindi noh!, aray….”
napaupo na lang ako sa sahig dahil sobrang sakit ng puson ko at napansin kong nataranta si kuya.“Sweetie are you ok?”
tanong naman ni Kuya at sumigaw ng tulong….“TULONG!!!... TULUNGAN NYOO KAMI!”
hinampas ko si kuya dahil sa pinagsasabi nya para namang mamamatay na ko ano yon 50\50 na?“tumigil ka nga kuya, para kang ewan… aray……”
bigla na namang sumakit ang pusonn ko at feeling ko meron akong tagos Ghad!!!... sa harap pa ni Kuya!“WTF!!!... MAY DUGO!!! TATAWAG NA KO NG AMBULANCE DADALHIN NA KITA SA HOSPITAL!”
ha? ano daw? ambulance? hospital?, eh meron lang naman ako ah. Masyado si kiyang O.A.“Kuya--“
“wag ka ng magsalita baka sumakit na naman yan, wag ka ng magalala tumawag na ko ng ambulance, konting tiis na lang sweetie”
sira ulo din ata tong kuya ko eh no’? ttumawag ba naman ng ambulance. At balak pa kong dalhin sa hospital.“Kuya, meron lang ako ngayon kaya masakit ang puson ko at saka yung…yung…yung dugo, tagos lang yun. Kaya lumabas ka na muna iwan mo muna ako dito”
sabi ko naman kay kuya at mukhang nagulat din sya sa mga nangyayare.“sige sige basta bibisitahin kita mamaya ha”
lumabas na si kuya sa kwarto ko kasama si ranran at ako naman dumiretso nasa banyo kahit pagewang gewang dahil sobrang sakit ng puson ko, kailangan ko lang magpalit at punasan ang dugo sa sahig ng kwarto ko.
Nakakahiya naman kay manang kung sya pa ang paglilinisin ko.
Paglabas ko ay agad akong humiga sa kama at yumakap ng unan ng biglang mag ring ang phone ko… si Ranze tumatawag.
“hello?, anong kailangan mo at napatawag ka?”
sabi ko naman sa kausap ko sa cellphone.“oh, bakit parang galit ka?”
hindi nga ako galit eh!.“hindi naman ah, bakit nga?”
naiinis ako lalo pagkaganito pa ang kausap ko, ewan ko basta parang lahat ng bagay kinakainisan ko ngayon..“wait puntahan kita dyan bili kita ng fries? gusto mo?”
“WITH ICE CREAM!!!”
agad ko namang inend yung call. Hayysstt nako nako Haeley anong nangyayare sayo? Umayos ka nga. Bulong ko sa sarili ko{A few moments later}
Nagising ako ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko… balak ko sanang matulog muna baka kase magtagal pa si Ranze pero ang bilis naman nyang makabili at pumunta dito.
“Pasok..”
Hindi nga kase ako makatayo, pero maayos ayos na naman ang pakiramdam ko di kagaya kanina na sobrang sakit. Puusamok si Ranze dala dala ang fries at ice cream pati chocolate cake.“Oh bakit ka naman may dalang cake ha?”
takang tanong ko naman sa kanya.“Ah ito?, para sa kamahalan ‘to”
kamahalan?, sinong kammhalan?“Eh bakit dinala mo pa dito yan kung sa KAMAHALAN mo lang din naman pala yan”
nagsisimula na naman akong mainis. Baka balak nyang ako ang magbigay nyan sa kamahalan nya.“ang slow naman talaga ng babaeng ‘to…, syempre ikaw yung kamahalan ko.”
ibinaba nya ang mga pinamiling pagkain at hinalikan ako sa kamay.“Aba!, may pahalik halik ka pa sa kamay ko ha!”
Masyadong sweet.“Kumain ka na nga lang at sigurado akong gutom ka lang”
binuksan ni Ranze ang Ice cream at cake… bumaba sya sandali para kumuha ng pagkakainan naming dalawa. Ilang minuto lang ay nakabalik na agad sya.“Si kuya?, baka gusto nya rin ng ice cream, fries at cake?”
“wag kang magalala binilhan ko din ang kuya mo, nahiya pa nga eh pero ok lang tinanggap naman”
‘to talagang si Ranze… Hindi ko na alam ang gagawin sa lalaking ‘to.“Bat ka nga pala napadalaw?”
Tanong ko kay Ranze sabay subo ng fries na sinawsaw ko sa ice cream.“Wala lang, gusto lang kitang Makita”
sagot naman ni Ranze habang sinusubuan ako ng chocolate cake.“Ano ba yan? dumadamoves ka na ha”
Natatawang sabi ko naman kay Ranze at tinaasan sya ng kilay.“nagsearch kase ako kagabi tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin kapag nanliligaw, and nakita ko yun, na maging sweet. And I’m just trying it to you but I guess its not working on you…”
“Pfff…”
muntik na kong mabilaukan ng fries na kinakain ko dahil sa mga pinagsasabi nya.“ay tama… ikaw na lang pala tatanungin ko..”
Pumunta lang pala sya ditto para interviewhin ako -_-“Oh ano namang itatanong mo?”
Tanong ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa pagkain.“Ano ba ang dapat at hindi dapat na gawin ko habang nanliligaw ako sayo?”
Owsss…“In that case… hindi kita matutulungan..”
nagulat ako ng bigla syang tumayo matapos kong sabihin yon sa kanya..“Edi kung hindi, kay kuya ako magtatanong”
“Wai-“
Hindi ko na napigilan si Ranze at agad na syang umalis papunta kay kuya na alam kong nagtatakaw din sa kusina.Wala na din naman akong magagawa kundi ubusin tong mga pagkain na dinala ni Ranze na dapat kaming dalawa ang uubos but I guess na ako na lang ang gagawa non.
“Food is life…”
sabi ko sa sarili ko at sabay napatingin sa tyan ko.“NO…NO…NO”
dahan dahan kong ibinaba ang fries na hawak ko, tataba ako kailangan kong magdiet… ilang minuto din ako nagisip.“Saka ko na iisipin yan diet diet na yan, masama daw pag hindi inuubos ang pagkain”
at agad ko namang kinuha ulit ang fries na ibinaba ko kanina.