Chapter 31

22 7 1
                                    

Micca's P.O.V.

Pauwi na ko sa condo galing practice ng basketball. Bigla kong naalala na malapit na nga pala ang 18th birthday ko. Pero bigla ko ding naalala na wala namang ganap. Wala si Papa nasa business trip. Si mama naman online ko lang nakakausap minsan nga lang. Hayysstt..

Pagpasok ko sa condo buhay ang TV at merong nanonood. Ay bobo, syempre kaya nga  binuhay ang tv para manonood.

Pinapanood nya yung mga movie ko. Ang kapal ng muka!

"Oyy sino ka?, anong ginagawa mo dito sa condo ko?"
Nasa likudan lang nya ako. Bigla syang tumayo at humarap sakin.

"K-kuya James!"
What!, si kuya nandito?

"Kuya anong ginagawa mo dito!?"
Tanong ko ulit sa kanya pero tinitingnan nya lang ang itsura ko.

"Are you a boy?. change your clothes, NOW!"
Patay na ko nito. Puro naman mukhang panlalaki ang damit ko sa kanya.

"Kuya naman, favorite ko kaya 'tong jersey ko."
Sabi ko naman sa kanya pero sinamaan nya ko ng tingin.

"We're going somewhere, so get dressed"
Umupo na ulit sya sa sofa at nanood ng TV. Talagang may British accent pa ang pageenglish nya ah.

"I'll wait for you here, hurry up"
Sabi ulit ni Kuya. Ito na nga ba ang sinasabi ko, mas babae pa si kuya sakin.

Pumunta na ko sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Sh#t kahit san ako maghanap ng damit sa closet ko wala akong makita na dress.

Lumabas ako ng kwarto na nakasuot ng jeans, black na tshirt at rubber shoes.

"Let's go!"
Pag-agaw ko sa atensyon ni kuya na busy sa panonood ng TV. Kinabahan ako nang lumingon sya sakin.

"Do you even have a dress ?. get dressed again. I don't like that"
WOW. parang siya naman ang nagsusuot. Nakasimangot akong bumalik sa kwarto ko.

"Bwisit naman!, ano bang gagawin ko? Wala nam-"
Naalala ko bigla na meron nga palang iniregalo sakin si Mama nung 17th birthday ko. Ang alam ko isa yung dress pero di ko sinusuot. Sana kasya pa yun sakin.

Kinuha ko sa ibabaw ng cabinet ko yung isang box. Binuksan ko yun at kinuha ko ang dress. Naalala ko tuloy si Mama. Miss na miss ko na yun. Pero naiinis din ako kase pinapunta pa nya dito si Kuya James.

Lumabas ako nang suot ang PINK dress at naka HEELS.

"Ano tara na?, ok na siguro 'to sayo?"
Nakacross arm akong humarap kay kuya.

"Ok, much better"
Sabi naman nya at pinatay na ang TV.

"San ba tayo pupunta?"
Tanong ko kay Kuya James. Masakit na kase agad yung paa ko. Nasa parking lot kami ngayon. Di ko alam kun nasan ang kotse ni Kuya, pati nga si kuya nawala na, iniwan yata ako.

Tumayo na lang ako sa isang gilid inaantay si Kuya. Ilang sandali pa ay may tumigil na Bugatti Divo sa harap ko.

"Hop on"
Binuksan ko agad ang pinto ng kotse at saka sumakay.

"Kuya di ka na ba makapagsalita ng tagalog?"
Tanong ko sa kanya, kase puro english na ng english. Palibhasa galing sa ibang bansa. Namuhay kasama si Mama. Eh ako, wala simple lang.

"I'm not very fluent in Tagalog. But I can understand it well."
Tugon ni kuya habang busy sa pagce-cellphone habang nagmamaneho.

"Do not use a cellphone while driving!"
Paalala ko sa kanya baka kase mamaya di sya nakatingin sa daan tapos makabangga pa kami. Di bale na mayaman naman 'to, maraming pera.

"Ok, fine"
Sabi nya at itinigil na ang pagce-cellphone. Napatingin ako kay kuya, gwapo naman sya medyo masungit nga lang sakin. At saka strikto.

"Kuya, I miss you"
Sabi ko sa kanya habang siya ibinaling na ang buong atensyon sa pagmamaneho, di man lang ako kinakamusta.

"Next week is your birthday, have you made an invitations?"
Kaasar. Yun pa talaga tinanong nya di man lang nag I miss you too.

"Di pa!"
Inis na sagot ko kay kuya James.

"Tampo ka na?, Ok, I miss you too"
Napatawa tuloy ako sa pagtatagalog nya. May British accent parin eh.

"Eh san ba tayo pupunta?"
Tanong ko sa kanya.

"Secret"
Yun lang at tumahimik na ko. Pinagiisipan ko kung tatanungin ko kung kumusta na ba si Mama kung ok lang sya. Pero pinili kong manahimik. Nabalot ng katahimikan ang loob ng magarang kotse.

"We're here"
Tiningnan ko si kuya ng masama. Ayaw ko nga sa mga dress tapos dadalhin nya pa ko sa isang BOUTIQUE?.

"Kuya, we should go back"
Sabi ko at nagcross arm. Di ko pa din tinatanggal ang seat belt.

"Bilisan mo na dyan, I'm older than you, so follow me"
Sabi nga at bumaba na sa kotse. Ayoko nga eh. Pero baka magalit pa sakin. Kaya no choice susunod at susunod pa din ako.

Paglabas ko sa kotse hinihila ko pababa yung dress ko kasi parang sobrang ikli.

"Umayos ka Micca, maging babae ka naman. Nagtatagalog na nga ako para sayo"
Saad ni kuya na nakapagpangiti na naman sakin. Di ko alam kase ang cute nya pag nagtatagalog.

"Opo, ito na magmomodel na nga po"
Nakita ko na napangiti si kuya sa sinabi ko pero medyo hirap ako sa paglalakad.

"Kailangan pa bang kumuha ako ng magtuturo sayo mag kilos babae?"
Di ko alam kung binibiro pa ako ni kuya. Nahalata siguro nya na hirap ako.

"Di na. Kaya ko na 'to"
Pagpasok namin namangha ako sa mga gown na nandon. Pero feeling ko di bagay sakin. Ano ba yan.

Nasa likuran lang ako ni kuya James habang sya kausap yung designer. Nakinig ako sa usapan nang dalawa.

"I'm so sorry sir, we haven't finished the gown. maybe it would be nice if you just came back tomorrow."
Sabi nung designer. So bukas pa pala. Kasi di pa tapos.

"All right. we'll just be back tomorrow. Let's go Micca"
Nauna ng naglakad si Kuya habang ako paiktad iktad sa paglalakad.

"Ano kaya pa?"
Yan na naman sya. Kaya ko naman pero masakit sa paa.

"San pa ba tayo pupunta?"
Inis na tanong ko. Pag hindi ako nakapagtimpi mag papaa na lang ako.

"San ba nagpupunta pag nagugutom?"
Ok. Gutom na agad sya.

"Oo alam ko kung san. Tara na gutom na din ako"
Sabi ko kay kuya at sumakay na sa sasakyan.

Habang nasa sasakyan kami tinanong ako ni kuya.

"May nanliligaw na ba sayo?"
Natahimik ako sa tanong ni Kuya. Nako po di na pwedeng magsinungaling. Baka mahuli at masabi ni Kurt.

"Meron na po. Si Kurt"
Wait kinikilig yata ako. Wag kang pahalata masasapak ka nyan.

"Kelan mo ba papakilala sakin?"
Tanong ulit nya kailangan pa ba yun?. Ang alam ko pag mamamanhikan saka lang ipapakilala eh.

"Maybe in my 18th birthday?"
Handa na kong ipakilala si Kurt bilang manliligaw ko. Di ko na sya ikakahiya. Pero di ko naman talaga sya ikinahihiya.

"Ok."
Itinuon na ni Kuya ang atensyon nya sa pagmamaneho.

Ngayong araw na 'to nagbonding lang kami ni kuya. Nasa kalagitnaan na kami ng pagsasaya nang sumakit na naman ang paa ko. Hinubad ko na yong heels na suot kk dahil di ko na matiis ang taas taas pa.

Pero sabi ni Kuya wag daw kase para masanay daw ako. Matigas ang ulo ko kaya di ko sya sinunod HAHAHA. Siguro ok lang si mama at masaya sya sa bago nyang pamilya. Si papa di ko na masyadong nakakasama. Buti na lang at umuwi si kuya atleast naramdaman ko kahit sandali lang yung feeling na kasama mo yung kahit isang miyembro ng pamilya mo.

Natutuwa ako na nalulungkot. Masaya na siguro kami kung buo ang pamilya namin. Pero tanggap ko na di na kami mabubuo. Kahit isang araw lang. Kakalungkot naman.

Save me Where stories live. Discover now